Chapter 12

396 18 0
                                    

ANDY'S POV

Nagulat ako ng biglang may nagsiksik ng papel sa pagitan ng braso ko at ng desk ko.Inangat ko ang ulo ko at tiningnan ko yung nakasulat sa papel.

'ANG PANGIT MO' napatingin ako sa katabi ko,nakita kong may sugat sya sa labi gawa ng pagsapak ko sa kanya kanina.Di ko alam kung bakit ako sumakay sa trip nya at nagsulat din ako sa papel.

'HIYANG-HIYA NAMAN AKO SAYO' at binato ko ng mahina yung papel papunta sa kanya.Kinuha nya ito at nagsulat ulit sya.Linukot nya ang papel at kinorte ito pabilog sabay bato sakin.Di ko ito nasalo dahil lumagpas ito sakin.Pinulot ko ito at binuksan ko.

'OO MAHIYA KA DAHIL  SOBRANG POGI KO' wow ang hangin nya ah.Nagsulat din agad ako.

'TSK.ANG HANGIN MO.DAPAT LANG SAYO YAN.DAPAT LANG NA NASASAPAK KA PARA MAGISING KA SA REYALIDAD' mahaba kong tugon at pinabilog ko ulit ang papel at binato ko ng mahina papunta sa kanya.Kumuha ng bagong pilas ng papel si Monggoloid at nagsulat dito.Di ko alam kung anong sinulat nya dahil nilukot nya agad ito at binato sa prof naming nakatalikod.Humarap ito sa amin at pinulot nya yung papel na tumama sa ulo nya.

"SAAN GALING TO!?" angil nya.

Tinuro ng mga kaklase namin ang direksyon kung saan nakaupo kami ni mokong.

"MS.VILLANUEVE AND MR.GONZALES SINONG NAGBATO NITO SAKIN?" galit na galit na sya kasi namumula na yung mukha nya.Magsasalita na sana ako kaso naunahan ako ni mokong.

"Nakita ko po si Ms.Villanueva sir,sya po yung bumato sa inyo,diba guys?" sabay palibot ng tingin nya sa klase tumango tango lang ang mga babae at nagtawanan.

"Sir?Naniniwala kayo sa mokong na to? Di ako nagbato nyan sir,Sya yun" pagdedepensa ko sa sarili ko.

"And you expect me to believe?Matagal na kitang kilala at alam naman ng lahat dito na laging kang pabalik balik sa guidance office dahil sa mga pinaggagagawa mo dito.Kaya ka lang naman di natatanggal sa school na eh dahil isa ang mga magulang mo sa investor ng school" mapanginsulto nyang sabi.

"Tsk.Ok fine wala naman akong paki sa opinyon nyo eh kung ayaw nyo maniwala edi wag" lalabas na sana ako ng room ng bigla akong nilapitan ng prof namin at sinabing...

"Wag ka ng papasok sa klase ko Ms.Villanueva kung naboboringan ka at ayaw mo makakita ng panot na gurang sa harapan" tsk. yun yung sinulat ni mokong? well totoo naman kasi.Lumabas ako ng room at rinig na rinig ko padin ang tawanan ng buong klase.



TROY'S POV

Nandito ako ngayon sa training grounds ng archery dahil tinatamad akong pumasok.I was about to release my arrow ng biglang may babaeng nagsalita.

"Hoy Troy Unggoy,anong ginagawa mo dito?May klase ka diba?" sabi ng babae,babaeng lihim kong iniibig simula pa nung bata kami.

"Meron nga Andy Panget,eh sa tinatamad akong pumasok eh"sagot ko sa kanya .

"Cutting pa" maiksi nyang pahayag bakas sa tono ng boses nya ang pagkabadtrip.

"Eh ikaw anong ginagawa mo dito?" alam kong nagcucutting sya pero sa tuwing gagawin nya yun dun sya sa abandonadong CR tumatambay.

"Nagcu-cutting.Obvious ba?" Binaba ko ang bow at arrows na hawak ko at lumapit ako sa kanya.

"Bakit ka badtrip?" tanong ko sa kanya.

"Kilala mo si William diba yung dinala ko dito nung nakaraan" oo natatandaan ko yun,sikat din sya dito sa school.

"Oo bakit?,niloko ka ba huh!? resbakan ko na ba?" tatayo na sana ako kaso hinawakan nya braso ko.

"Hindi,baliw ka talaga ilang beses ko bang sasabihin sayo na di ako papatol sa lalaking yun?" hays napanatag ako dun ah.

"Sa bagay,bawal ka palang magka boyfriend WAHAHAHAHA at isa pa loyal ka kay Rox" pang aasar ko sa kanya

"Ayoko na kay Rox"nagulat ko ng sabihin nya yun,kasi naman eversince nung makita nya si Rox di nya sinabi yun.Ano kayang dahilan nya? 

My First (Boy) CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon