Chapter 28

370 19 4
                                    

ANDY'S POV

Nagpahanda na si Mommy at daddy ng dinner.Papunta na rin daw ang mga Villanueva.Gustong gusto ko ng malaman yung dahilan kung bakit sinusubukang patayin ng taong nasa likod nito ang mga babae sa angkan namin?Ito rin kaya ang dahilan kung bakit byuda ang mga tita ko?Malaki at masaya ang pamilya namin,may mga alam akong sekreto ng pamilya,pero kakaunti lang.Di ko naman alam kung ano ba talaga ang tunay na history ng pamilya namin.Kung anong dahilan sa likod ng murder ng tita ko.

I lost my thoughts when my mom called me.

"Anak,nandito na ang mga nakakatandang Villanueva" nagtataka na tuloy ako kung mahal ba ko ng mga kamag anak ni papa.Palagi nalang silang wala.Well paki ko ba di ko sila kailangan.

Tumango lang ako.Sila mama naman tumayo para salubungin ang mga nakakatandang Villanueva.

Nakatingin lang ako sa kanila.Napansin ko si Aileen isa sa mga closest cousin ko,may benda sya sa ulo at kanang balikat nya.Nilapitan ko sya at maingat ko syang niyakap.

"Ai...? Anong nangyari sayo?" Nag-aalala kong tanong.

"Mamaya i-eexplain ni lolo lahat,but don't worry I'm ok" nakangiti nyang sabi.Ano ba talagang nangyayari.

"Anak,dun tayo sa dining table" pag-aaya sakin ni mommy.

Nagtungo kami sa dining area.Seryoso ng aura dito.Hindi tulad pag may family gatherings kami na maingay at masaya.

"Nag-simula na sya" seryosong sabi ng tita ko.

"Apo,kailangan nyo ng umalis ng mga pinsan nyo,sa America na kayo manirahan,iibahin natin ang mga pangalan nyo" aligagang sabi ni lolo.

"Bakit po ba? Ano po ba kasing nangyayari?" Litong lito na talaga ako.Kailangan ko ng sagot nila.

"Apo,hayaan mong ipaliwanag namin sayo ang lahat" mahinahong sabi ng Lola Ko.

"Ok" tipid kong tugon sa kanya.

"Nagsimula to saakin,may isang lalaking kakompitensya ang lolo mo sa panliligaw sakin,Hindi ko alam ang pangalan ng lalaking iyon,palagi nya kong sinusundan kahit saan ako magpunta,lagi syang nagpapadala ng mga mamahaling bulaklak at tsokolate sa mansyon namin.Pero ni minsan Hindi ko sya binigyan ng pansin dahil ang puso ko ay pag-aari na ng lolo mo.Isang gabi bago mag pasko ay nagpadala sya ng isang liham,gusto nyang magkita kami sa parke,dahil ayoko syang mag antay sa wala ay pumunta ako sa parkeng sinasabi nya,nagtago pa nga ako ng tinidor non sa bag ko hahaha" sabi ng Lola ko habang inaalala ang nakaraan.

"Tapos po anong nangyari?" Kunot noo kong tanong.

"Dumating ang lalaking yun na may,dalang bulaklak.Hindi na ko nagpaligoy ligoy pa,sinabi ko na agad sa kanya na Hindi ko talaga kayang suklian ang pagibig nya,akala ko ok lang ito sa kanya,aalis na sana ako ngunit bigla nya kong hinablot at hiniga sa lupa,nais nya kong halayin ngunit dumating ang lolo mo.Nag away sila papaluin nya sana ang lolo mo ng kahoy ngunit naibaon ko ang tinidor sa kanya pisngi pababa sa kanyang baba,tumakbo agad kami ng lolo mo ng sya natumba, kinaumagahan non,nakatanggap kami ng liham mula sa lalaking yun sinasabi sa liham na pagbabayaran namin ang lahat, sinusumpa daw nya na magdudusa ang mga kababaihan sa lahi ng villanueva maging ang mapapangasawa nila" malungkot na paliwanag ni Lola.

"Iha,iyon ang dahilan kung bakit byuda kami,ginawa ng mga asawa namin ang lahat para protektahan kami,kahit kapalit ang buhay nila" malungkot na sabi ng isa sa mga tita ko.

"Eh bakit po si daddy buhay padin,its not that I want my dad die,pero pano?" Naguguluhan talaga ako,ang dami kong tanong.

"Anak,nagtago kami ng daddy mo,pinilit naming iwasan,akala namin tumigil na sya pero,hindi pa pala,kaya pilit ka naming inilalayo sa mga lalaki dahil baka isa sila sa mga may masamang itensyon sayo.Kaya ka namin pinakuha ng mga martial arts lessons,boxing lessons,archery lessons,at gun shooting training ay para maipagtanggol mo ang sarili mo" pagpapaliwanag ni mommy

"Eh ano pong nangyari kay Aileen?" Tanong ko habang nakatingin sa kanila.

"Muntik na syang mapatay ng taong nasa likod nito,maging ang pinsan mong si Heaven at Charmaine ay muntik na ding mapatay" grabe ganon ba talaga kalaki galit nya sa pamilya namin?

"Ka-kamusta po sila?bakit di ko alam to?" Ang daming sekreto ng pamilya namin.

"Si Heaven at Charmaine nasa States na,ikaw nalang at si Aileen ang nandito" sabi ng isa ko pang tita.

"Anak,kailangan mo ng sumama sa pinsan mo,kailangan mo ng umalis dito,di na ligtas dito" nagaalalang sabi ni dad.

"AYOKO" napasigaw na ko.Ayokong umalis dito.Ayokong iwan ang mga kaibigan ko.

"Pero apo! Hindi pwede! Malalagay lang ang buhay mo sa panganib" nagaalalang sabi ni lolo.Ayokong magtago.Gusto ko ng matapos na to.Kahit sarili ko pang buhay ang kapalit tatapusin ko na to.

"Ayoko na pong magtago,gusto ko ng matapos to,buong buhay ko kinontrol nyo ko,hinanda nyo ko,ngayon tatapusin ko na to,kung ayaw nyo wala akong paki,kaya ko ang sarili ko! Magtago kayo habambuhay,kung gusto nyo!Pero ako haharapin ko to...and taas pa naman ng tingin ko sa pamilyang to akala ko di kayo umaatras...Mali pala ang akala ko!" Matapang kong sabi.Tsk.Wala akong paki.Gusto ko ng matapos to.

"Matapang ka gaya ng tita mo apo,tingnan mo ang nangyari sa kanya,ayokong matulad ka sa kanya" sabi ng lolo ko.

"Lo,please let me decide for my self" tinitigan nila akong lahat,alam naman nila ang kaya kong gawin eh,siguro papayagan nila ako.Nagtanguan lang silang Lahat at muling nagsalita ang lolo ko.

"Oh sige apo papayag ako sa gusto mo,pero dapat may body guards ka" tsk.ginawa Naman nila akong bata.

"Ayoko,you can send some spies, and hire investigators,pero wag na kayong maghingi ng tulong sa pulis,baka malaman pa nya ang balak natin.Alam kong alam nyo ang kaya Kong gawin.Let me experience the normal life I had before,but I'll make sure that this case will end"
Alam kong kakayanin ko to,kasama ang pamilya ko at mga kaibigan ko.

A/N: Hi sa mga nagbabasa into,hehe feel free to judge my story ha...comment lang kayo,basta wag nyo kong mumurahin hahaha

My First (Boy) CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon