Chapter 17

359 17 0
                                    

ANDY'S POV

Inabutan nanaman ako ni mokong ng papel,di ko nalang sya pinansin.Ganon ba talaga sya kagalit sakin? Walang utang na loob.

Lumipas ang halos 2 oras at dismiss na.Lumabas ako ng room at nag text ako sa mga kaibigan ko.

'Una na kayong umuwi ah,Ingat guys'

Nagreply naman agad sila,Panay ok lang,dadaan muna ako sa library baka sakaling may matinong libro dun.Ewan ko nga ba kung bakit trip ko magbasa ngayon eh.

Habang naglalakad ako papunta sa library napansin kong may mga babaeng umaakyat papunta sa rooftop.Oh well,paki ko sa kanila?

Inabot ko sa librarian ang library pass ko at nagtungo agad ako sa mga book shelves na may label na 'History of the School' na curious ako dahil dun sa label kaya dun ko napiling kumuha ng libro.

Pagdating ko dun sa shelf,may nakita akong makapal na folder kumpara sa iba tagong tago ito.Nakasiksik sa pagitan ng ibang libro.Yun yung Napili kong kunin pati narin yung isa pag libro na may title na 'Founders'

Pumunta ako sa librarian's desk at nilista ko yung mga librong hiniram ko.Walang title yung isa kaya sabi ng Librarian mag imbento nalang daw ako ng title
'Love Files' yun yung sinulat ko,eh sa trip ko eh.

Naglakad na ko palabas sa school,actually papunta sa parking lot.Pumunta ako sa lugar kung saan ko pinarada yung motor ko .Sa likod ng Annex building.

Habang inaayos ko yung gamit ko biglang may yumakap sakin.Kala ko nangtitrip lang sya pero nagulat ako nung bigla syang natumba at nakita ko ang basag na paso sa paligid namin.












WILLIAM'S POV

Nasa tapat na ko ng kotse ko ng mapansin ko yung mga babaeng nasa rooftop may hawak silang paso at tumatawa sila.Nakilala ko yung isa sa kanila,yung nakaaway ni Andy dati sa canteen.Mukhang may pinaplano silang di maganda ah.Nakumpirma ko yun nung itinapat nila yung paso malapit sa.....

Sa motor ni Andy....

Sakto nandyan na si Andy babalaan ko sana sya kaso baka di maniwala sakin,wala namang tiwala yun sakin eh kaya niyakap ko nalang sya.Sakto lang ang dating ko,hindi sya yung natamaan dahil ramdam kong sakin tumama.Sa ulo ko.Bago ako tuluyang bumagsak at mawalan ng malay nakita kong gulat na gulat si Andy.

"William! William!Mokong wag kang matutulog!" Unti unti na ng nagiging blurred ang paningin ko.
"Wag kang matutulog,hihingi ako ng tulong" yun ang huling salita na narinig ko bago ako tuluyang mawalan ng malay.

Buti ligtas sya.


My First (Boy) CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon