*buzzbuzz*
kasalukuyang nagrereview ang pinakamasipag na estudyante everr ng mag-ring na naman ang cellphone ko.
hay nako, pang-ilang beses ng nag-ring yang cellphone na yan. hirap talaga pag masyadong sikat, maya't maya ang nanggugulo sa payapang pamumuhay.
nakakayamot, ring ng ring!! pano ako papasa nyan sa test namin??
pabayaan na nga lang. wala rin naman akong load.. di ko na nga lang papansinin, sinabi ko pa naman sa sarili ko na magfofocus ako sa pagrereview ngayon para sa long test namin bukas. mag-aaral nalang ako mg mabuti para mataas pa yung score ko. kesa naman pag tinignan ko pa yang text message na iyan, babagsak pa ako sa test, babagsak din grades ko, hindi ako makakapagcollege, di rin ako makakapagtrabaho, itatakwil ako mg parents ko, papalayasin ako kasi palamunin lang ako, wala akong pera so mamatay ako sa--
*buzzbuzz* hay nako, teka nga sino ba itong nagtext?
"e0w sidney. paload ka naman. Kawawa bestfriend mo oh.
='( plzzzz na!!,
-peter"
taragis na to? bestfriend? hoy! tong hayop na to, you can't be bestfriends with someone you like no ahihi, you can only be lovers or strangers or -- sige hinayupak na yan, friends na rin. Ako na na-friendzoned, sige. leche!
"Sidney.. Oy sidney..
-peter"
o my packing gash! peter it is!!!! my packing crush!!!
tanginaaaaa bahala na ang quiz bukas!!! quiz lang naman yun! hindi ko ikamamatay yun!
"uy hi peter! sorry late reply busy kasi ako sa pagre-review, alam mo na para sa future nating dalawa--" puta. wala nga pala akong load.
Agad na naibato ko ang cellphone na hawak ko sa inis. Taragis, minsan lang ako itext nun! Kapag yun nakahanap ng jowa dahil lang hindi ako nakareply ngayon! nanggigigel ako!!!
dali-dali kong pinagbubuksan at pinaghahalikwat ang mga drawer ko para maghanap ng baryang panload. hinayupak kasi tong si peter eh, may patext text pang nalalaman eh kitang nag-aaral ako para sa quiz namin sa chem..
quiz..
sa..
chem..
tatlong salitang nagtulak sakin para ipikit ang dalawa kong mapupungay na mga mata..
gaga kang sidney ka.. andito tayo ngayon sa kwarto mo para magreview-- hindi para lumandi't humarot kay papi peter. okay, pagdilat mo ng mata mo, babalik tayo sa pag-aaral at hindi na muling titingin sa cellphone hangga't hindi natatapos sa pag-aaral para bukas.
inhale..
exhale...
dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at muling kinuha ang librong binabasa ko kani-kanina lamang.
okay sidney! papasa ka na sa test mo bukas! magbabasa ka na uli!--
napatigil ako sa pagbubunyi nang narinig ko ang pagri-ring ng cellphone ko.. nanaman.
"Lord, ilayo niyo po ako sa tukso.. nais ko pong ialay ang gabing ito sa pagre-review" pagmamakaawa ko habang pikit na pikit ang mata.
taragis. bakit ba ako pinagpapawisan ng malagkit.
walangya. eto na desidido na ako. pagkabilang ko ng tatlo, imumulat ko ang mga mata ko at muli akong babalik sa pag-aaral.
isa..
dalawa..
tatlo...
iminulat ko ang mga mata ko at..
dinampot
ko
ang
cellphone
ko..."Lord sorry, last na po ito.. huhu"
"Because you have loaded last time,
here's a free PICK UP LINE for you:Torpe man ako sayong paningin,
Tignan mo magiging akin ka din-FREE ALERT"
Puta. Free Alert lang?
BINABASA MO ANG
Free Alert!
Short StoryWhat if Free Alert which is the one sending such messages turned to be your Lover?