4

3 0 0
                                    

"Salamat ate!" Pagpapasalamat ko kay ateng tindera matapos kong matanggap yung load.

napabuntong hininga ako matapos kong alalahanin yung text ni peter, bakit ganon yung text niya sa akin?

kapareho nung sinesend ng free alert?

peter...

gusto kita..

pero pinaglalaruan mo ba ako?

"Because you have loaded last time,
Here's a free PICK UP LINE for you!

Mahal ka ba? Mahal kita e

-FREE ALERT"

Takte ang korni hahahahahaha. sabog ata operator ngayon ah. Walang maisip na kaharutan.

pero kinilig ako ha.

Sana ganan din ka-straight forward yung mga text sakin ni peter. Kung ganon e, susulutin ko na talaga yan kay ashley. Atleast kahit magmukha akong masama, alam kong may ipaglalaban ako.

"Hoy bruha! Bakit pangiti-ngiti ka ata jan?" pucha. muntik ko ng maibato yung cellphone ko ng biglang sumulpot si ashley sa tabi ko.

"Bakit naman pabigla-bigla ka teh?! Teka, di mo kasama si peter?" uy medyo halata ako dun ah. hehe.

"aba bakit mo hinahanap yung lil bro ko ah? di pa ba ako sapat sayo?" pagdadrama niya.

teka nga...

lil

bro

niya?

"bakit mo kako hinahanap yung kapatid ko?"

"kapatid mo? peter? peter, hindi mo boyfriend?" tanong ko na ala-taong tabon. taragis ang bilis ng tibok ng puso ko.

"peter, kapatid ko sa ama. peter hindi ko boyfriend" natatawang sagot niya na parang taong tabon din.

hinayupak na ama. may nalalaman pa akong pekeng ngiti na nagtatago ng selos. ginawa ko pang pekeng manliligaw ang kapatid kong si buknoy. binalak ko pang sulutin si peter sa ate niya? may nalalaman pa akong unti unting pagpatak ng luha..

eh magkapatid pala yung iniyakan ko?

sinong naloko?

"huy bahala ka nga jan! babalik na ako sa classroom!" at nakita ko na lang si ashley na naglalakad papalayo.

hmm, maaga pa naman. dito muna ako sa park ng school, pag-iisipan ko muna yung pagkakapahiya ko sa sarili ko. lintek na magkapatid.

"Because you have loaded last time,
Here's a free PICK UP LINE for you!

Langit ka ba? Ang sarap mo kasing titigan eh

-FREE ALERT"

shet. isa pang pick up line galing sa free alert kakalimutan ko na to si peter--

"HOY TORPE!" rinig kong sigawan ng isang grupo ng mga lalaki di kalayuan sa akin.

Nakita ko kung pano nag-apiran at nag-bro hug ang magtotropa. Ang saya nila tignan, tawanan, lokohan, gaguhan.

Maya maya, napansin kong unti-unti na ring nagsisi-alisan ang magtotropa, at kasabay ng pag-alis nila ay unti unti ko ring nakita

si

peter

na nakatingin

sa akin...

Free Alert!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon