Medyo naghihinala na talaga ako dito sa free alert na 'to ha. Hindi naman ako masyadong nagpapaload pero panay ang pagpapadala sakin ng sweet messages.
takte. wag mo sabihing,
type ako ng operator ng free alert?
"Aray!" sigaw ko ng maramdaman kong nabunggo ako sa isang matigas na pader. Teka, may pader bang malambot?
"Uy hi bes!" ngiting ngiti kong bati ng makita kong si peter pala yung nabangga ko.
pero unti-unti rin nawala yung ngiti ko ng makita kong nilagpasan niya lang ako, na parang walang nangyari. Na parang kung sino lang yung nadaanan niya. Na kala mo hangin lang na hindi man lang niya nilapatan ng tingin
kahit sorry man lang, peter?
"Peter!" sigaw ko, nagbabakasakaling baka hindi niya lang narinig yung pagbati ko kanina kasi masyado itong natabunan ng nakabibinging tibok ng puso ko.
pero lalo lang bumilis yung lakad niya, na halos takbuhin niya na yung daan..
palayo
sa
akin...
"Peter..." tawag ko sakanya sa isipan ko. Baka sakaling marinig niya yung sinisigaw ng damdamin ko..
lingunin mo naman ako...
"Because you have loaded last time,
Here's a free PICK UP LINE for you!Hindi ka naman white lady, pero bakit kapag nakikita kita sobrang bilis ng tibok ng puso ko?"
gago! wala ako sa mood.
dahil nalulungkot ako, nai-stress, broken hearted, at isa akong babae. Sa canteen ako dumiretso para maglabas ng sama ng loob. Ikakain ko nalang to.
Nang makapasok ako sa canteen, agad kong napansin si peter, kasama yung mga tropa niya. Hindi ba nakakapagtaka na sa dinami dami ng tao sa canteen na to eh si peter agad yung una kong nakita? Eh, Paano? siya lang naman talaga yung hinahanap hanap ko e.
Ang saya niya, ang saya saya.. sana ako rin.
"Miss pwedeng makishare ng table? Wala na kasing vacant eh" sandaling na-istorbo yung pagkain ko ng may gwapong epal dumating at gusto lang namang maki-share sa table.
ganon lang naman ako kaganda..
"Sure" pagpayag ko na lang atsaka ipinagpatuloy ang pagkain ko.
"Miss pwede ba akong magtanong?" nagtatanong ka na nga e, niloloko mo ba ako.
"Okay, ano yun?"
"rosas ka ba?" aba may pag-pick up line pa si gago.
"hindi, bakit?" pagsakay ko nalang haha.
"ang ganda mo kasi eh, bango pa" sagot niya naman na sinabayan niya ng kindat at pamatay na ngiti.. na nakapagpatawa sakin.
gagong to.
"BECAUSE YOU HAVE LOADED LAST TIME, HERE'S A FREE ADVICE FOR YOU!!!
WAG MONG KAUSAPIN YAN! MANYAK YANG GAGONG YAN!!!"
aba. galit ang free alert ngayon ah.
Teka, pangalawang text na yun ngayon ah. Free pa ba to?
Posible ba yun? Ang alam ko once a day ka lang makakatanggap non e. Well, bayaan na nga lang.
Ganon ata talaga pag maganda. Well.
"Huy masyado ka naman atang bumilib sa pick up line ko! Well, ganon ata talaga kapag gwapo" pagmamahangin ng epal na to ng mapansing medyo natahimik ako.
"Gwapo? Gago!" pagsagot ko sakanya sabay alis sa kinapepwestuhan naming dalawa.
Nang makarating ako sa tapat ng lamesa nila Peter, narinig kong tinawag ako nung epal na nakishare ng table.
"Miss! Can I get your number?" taragis kang hayop ka. pabibo masyado, eskandalosa! isinigaw niya pa talaga!
"Okay. Zero, Nine" pag-uumpisa ko rin. Syempre sumigaw din ako, papatalo ba naman ako.
"One Seven" aba ngiting ngiti si gago.
"Two two two-- gago! wag ako!" tuloy tuloy kong sabi sabay talikod at labas sa canteen. Leche.
Nakita ko pa yung tropang bading ni peter na nagpupunas ng braso niya, natalsikan ko siguro ng laway.
"Because you have loaded last time,
Here's a free line for you!ANG GALING MO DUN, BES! GOOD JOB!!
-peter"
What the heck.
BINABASA MO ANG
Free Alert!
Short StoryWhat if Free Alert which is the one sending such messages turned to be your Lover?