“bhe, di kami pwede ni kuya mikko sumama sa batangas para sa seminar, actor and actress kami sa darating na play eh, di kami pwede umabsent, ikaw na lang kaya?”
“ha? Ako? Pwede ba yun?”
“si mam nga ang nagsuggest na ikaw na lang ang isama naming kesa sa ibang representative eh.”
Wala naman na kmong magagawa si mam na ang nagsabi kaya umoo na lang ako.
“yey! Thank you bhe, love you!”
After class pinuntahan ko si mam sa office nya para magfill up ng form para sa mga sasama.
“Rian,anak, tama lang na ikaw ang sumama sa seminar para naman medy malibang ka at di mo maisip yung mga ginawa ni Jai sayo.”
Naalala ko na naman yun, Simula kasi nung nalaman ko na sila na, 2 days ago, di na nya ko pinapansin, yung tipong parang di nya talaga ako kilala, mas masakit pa nga to kesa yung mga times na di talaga nya ko pinapansin kasi alam ko that time di nya talaga ako kilala, pero ngayon, masakit kasi alam ko kilala nya ko pro ni minsan hindi nya pa ko binabati ni hindi nga nya ko tinatapunan ng tingin eh, masyado bang BIG DEAL? Pasensya na, masakit lang talaga eh.
“nak?”
“ay! Opo nga mam, tama lang na sumama ako. Gaano po ba katagal dun?”
“hmm, mga 3-4 days siguro. Mag-ayos ka nan g gamit mo at kelangan 5am all-in.”
Tumango na lang ako at nagpaalam na, kelangan ko na rin kasing ayusin yung gamit ko. Paglabas ko naksalubong ko ang taong kelangan kong iwasan, syempre kasama ang girlfriend nya. As usual, parang di nya talaga ako kilala. Umuwi na ko sa apartment ko at nag-ayos nang gamit.
Nagising na ko sa alarm ko at nag-ayos na, pumunta na ko sa school buti na lang konti pa lang ang estudyante at makakapili pa ko ng upuan. Pumwesto ako sa pinakadulo at nagsulat sa papel ng “WALANG TATABI PLEASE” sa totoo lang ayoko muna ng may katabi ko, mageemote muna kasi ako :D
Di ko namalayan na nakatulog na pala ako, parang may katabi ako ah. Dumilat ako para Makita kung sino ang katabi ko. SHOCKS! Bakit sya kasama dito? Magmumuni-muni nga muna ako eh, tas ito sya at katabi ko.
“ahmm, excuse me kuya, di mob a nabasa yung papel na nakalagay dyan kanina?”
Napadilat sya mula sa pagkakapikit at tumingin sakin.
“papel? Wala naming papel ditto kanina, tsaka maka-kuya ka naman parang di tayo magkakilala Rian.”
“bat alam mo pangalan ko? Bat kinakausap mo na ko?”
“matulog ka na lang.”
Pumikit na ulit sya tas di na ko kinausap,tss akala ko pa naman makakapag-emote na ko,goodluck na lang sa pag-iistay ko dun.
