Chapter 6: Move-on

189 0 0
                                    

Author’s Note

Ano ba yan, tagal mag-update tas A/N pa ang sasalubong..

Anw, salamat po sa pagpansin sa story ko,kinilig ako nung may nagcomment ng UD please,hihi

Pasensya na po sa sobraaaaaaaaaaaang tagal ko mag-update,paki intindi po sana ako dahil ako po ay hindi pinagkalooban ng sariling pc or laptop at ako po ay nagrerent lamang sa mga comp shops.

Since ngayon eh hinulugan ako ng langit ng laptop (congratulate me *sabog confetti*) pwede na kong makagawa ng drafts tas post-post na lang pag nakapunta sa shops.

Ayun nga! Salamat po sa inyo, tutuloy-tuloy ko na po ito.

Ito na po ang pambawi ko,ilang chappys din to..

Sana makabawi.

~~TLPako

***

Chapter 6: Move-on

Nakauwi na kami from seminar at back to normal ang lahat. As usual, hindi na rin ako pinapansin ni Jairuz, iiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii ano ba yan! Sabi kong titigilan ko muna ang pag-iisip sakanya eh.

“Rian, nagkita na ba kayo ni Ms. Ison, yung tungkol sa play?” Shanine, ka-theater ko

“ah! Oo! Pupunta nga ako ngayon sa AVR eh,prapractisin ko to.” Tinaas ko yung piyesa na kakantahin ko.

“nasayo na pala! Goodluck ah! Pasok na ko.”

Nginitian ko na sya.

Tutugtugin ko na nga muna to.

Someone’s POV

Nakita kong pumasok si Rian dito sa AVR, sinundan ko sya kaso nabigla ako sa naabutan ko, nandito rin sa loob si Jairuz. Anong ginagawa nya dito? wag nyang sabihing sinundan nya rin si Rian. Tss, kalokohan ng lalaking to. Umupo na lang din ako sa di kalayuan kay Jairuz.

Ang ganda talaga ng boses ng babaeng to. Nilapitan ko na si Jairuz.

“anong ginagawa mo dito?”

Nagulat sya sa pagsulpot ko sa tabi nya.

“oh! Ikaw pala! Ano ah nakita ko kasi si Rian pumasok dito, e mabuti na yung alam ko yung kilos nya, yung pagkanta nya.”

“ha? Bakit kelangan malaman mo pa yun?”

“magmemerge kasi ang theater club ng English at Filipino dept.”

“so, ibig mong sabihin makakasama nyo sila sa mga practice?”

tumango lang sya.

Pano ba to? Alam kong umiiwas na si Rian kay Jairuz pero kung ganito ang magiging sitwasyon nya, mahihirapan sya. Kelangan ko nang kumilos.

“nakita ko pala yung ginawa mo sakanya nung nasa Batangas tayo. Papaalala ko lang sayo. GIRLFRIEND mo ang KAPATID ko.”

Tumayo na ko at lumabas, Rian, hindi matatapos ang linggong to na di mo ko nakikilala. Tutulungan kita.

Jairuz’ POV

“nakita ko pala yung ginawa mo sakanya nung nasa Batangas tayo. Papaalala ko lang sayo. GIRLFRIEND mo ang KAPATID ko.”

Sabay tayo nya at umalis, nawala sa isip ko na nandun pala sya, pano ba to? Tanga mo kasi Jairuz, basta-basta ka na lang kumikilos.

Kasabay ng pagsarado ng pinto, napansin ata ni Rian na nandito ako, napatayo sya bigla.

“bakit ka nadito? Kanina ka pa ba dyan?”

“oo, kanina pa, nasimulan at natapos ko ang kanta mo.”

“oh! Narinig mo na diba bat di ka pa lumabas?”

Magkaharap na kami dito sa stage.

“tsaka bakit mo ba pinakinggan? E kung makita ka dito ni Jaira, ano na naman ang sasabihin nun sakin.”

“pinakinggan ko lang yung boses, galit na galit ka agad. Problema mo? Bat ba ang sungit mo?”

“Jairuz, tigilan mo na nga ako, napapahamak ako dahil sayo, dyan ka na nga.”

Umalis na sya.

Rian’s POV

Problema nung taong yun? Kainis!

“anong ginagawa mo sa loob ng AVR? At talagang nandun pa ang boyfriend ko. Sinusundan mo ba sya? Ano! Di ka makamove-on sakanya!”

Napalingon ako sa nagsalita, si Jaira pa talaga.

“ako ba ang kinakausap mo?” tanong ko. Alam ko namang ako an tinutukoy nya eh.

“ano! Tanga ka na rin ba? Malamang ikaw! Bobo!”

“jaira! Stop na! Senior natin yan.” Sabi  ng kasama nya.

“yun na nga eh! Senior natin sya,mas matanda sya satin pero look, nanunulot pa rin.”

“jaira, hindi ko alam kung bakit sobra ang inis or let say galit mo sakin. 1st of all,wala akong ginagawa sayo, sa inyo ni Jairuz. Kung ikinagagalit mo na nakita mo kami na magkasama sa loob, for your information, ako ang unang pumasok sa loob at sumunod lang yang boyfriend mo.”

“e how can explain the “kiss”?” sabay taas ng kilay, ahitin ko yan makita mo eh!

“tanga ba ang nagkwento sayo? O talagang tanga lang, tanungin mo ang boyfriend mo kung bakit nagkaroon ng “kiss”. Bakit ba masyado kang natethreaten sakin?”

“bakit?! Kasi may-“

“anong nangyayare?” so dumating ang knight in shining armor ng hinayupak na to.

“baby, huhuhu she told me na sinulot daw kita sakanya huhuhuhu tas sabi pa nya magbebreak rin daw tayo huhuhuhu Baby, hindi mo naman ako iiwan diba?” with matching iyak pa,psh~ dapat nag-audition sya para naman may magandang dinudulot yang pag-iyak nya.

“bakit sinabi mo sakanya yun?! Hindi naging tayo kaya wala kang karapatan na sabihin sakanyang sinulot nya ko sayo. Bakit?! Di ka pa rin makamove-on sakin?? Dream on, mangarap ka  na magkakagusto ako sayo.. desperada!” and with that, iniwan nila ko. Sh*t nanginginig ako sa galit. Ako pa ang desperada,ang sakit pala sabihan nun.

Dumiretso muna ako dito sa mini garden ng school namin.

“ako pa ang masama ngayon! Ang saki mo magsalita! G*g* ka! Grabe ka magsalitang desperada ako!! Bwisit ka! Bwisit ka! Magsama kayo!! Gawan ko pa kayo ng hukay!!! Peste!” inis na inis ako habang pinipilas yung scatch paper ko. Bwisit sya, dahil sakanya kaya ganito ngayon.

“i saw what happened.” Bigla na lang umupo sa tabi ko tong lalaki na to.

“h-ha?”

“nakita ko yung nangyare kanina, yung pagkausap sayo nung freshmen hanggang sabihan ka ng desperada.”

“o-oh? Anong gusto mong mangyare?” sabi ko habang humihikbi pa ko.

“gusto mo si Jairuz noh?”

Di ako makasagot, problema ba nito?

“girlfriend nya yung freshmen?”

Di ulit ako sumagot.

“gusto mong magmove-on?”

“nakamove-on na ko.” Sabi ko

“sus! Sinong niloko mo?”

“bakit ba? Pakialam mo ba?”

“tutulungan kitang magmove-on.”

Sabay tayo. Sus! Tutulungan? Kalokohan, sa wattpad ko lang nababasa yan eh ni hindi ko nga sya kilala. Pero salamat sakanya, napatahan nya ko.

Long Time CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon