Chapter 4

292 4 1
                                        

“Good Day Achuchunians! Mag-aassign kami ng mga tourguides sa inyo para ilibot kayo sa buong beach resort at para ituro kung saan ang room ng bawat isa. For today, pwede muna kayong maglibot at bumalik na lang mamayang 6pm para sa dinner. Enjoy guys.”

Sabi nung lalaki na ubod ng gwapo, yung mga kasama kong babae, ayun titig na titig samantalang yung mga lalaki ayun bitter ang peg.

“tss, titig na titig, di naman kagwapuhan.”

napatingin na lang ako sa katabi at bigla-bigla na lang nagsasalita. Di ko na lang sya pinansin at umakyat na sa kwarto ko. Tama tong ginagawa ko, at pag nakatagal ako na ganito, for sure ok na ko pag balik naming sa school.

Pagkatapos kong mag-ayos ng gamit ko, naglibot muna ako sa bayan at mamimili ng psalubong kina Jedd at Kuya Mikko,baka mawala pa kasi sa isip ko.

“ate, dalawang small po tsak isang medium nitong tshirt na to.”

Inabot ko yung tshirt na may nakalagay na I <3 Batangas

“ate, gawin mo na pong dalawa yung medium.”

“oh! Bat di ka na lang bumili ng sarili mo at sumabay ka pa sakin.”

“grabe ka naman! Pagkatapos kitang ilibre nung isang gabi tatarayan mo ko.”

Inabot na samin yung tshirtat magbabayad na sana ako pero naunahan nya ko.

“ate, keep the change.”

“tss, mayabang ka.”

“di kayabangan yun, generous lang talaga ako.”

“spell generous nga.”

“tara hanap pa tayong pampasalubong.”

Nangiti na lang ako habang palabas ng shop.

Feeling ko di nya ko iniwasan, feeling ko ok lang talaga kami, feeling masyado na kong FEELINGERA kasi puro FEELING ko :D

Nag-ikot ikot lang kami hanggang sa pamagod kami, umupo muna kami sa isang bench tas bigla naman syng tumayo.

“aiisshh! Bahala nga sya, iwan nya ko kung gusto nya as if naman hahabulin ko sya.”

“binubulong-bulong mo dyan.”

“ay pakpak! Peste ka! Bat k aba nanggugulat, nakakainis.”

“di ako nanggugulat, sadyang di mo lang nafeel ang gwapo kong presence.”

“tss, buti pa presence mo gwapo, e ikaw? Anyare?”

“grabe ka mambara! Binilan na nga kita ng pagkain tas babarahin mo pa ko.”

Inabot nya sakin yung pagkain na binili nya, nagpasalamat na lang ako tumahimik na kasi naguugutom na talaga ako.

“ahmm, Jai, tanong ko lang, bakit iniiwasan mo ko mula nung nagging kayo ni Jaira?”

“tara na, balik na tayo sa beach, ala-sais pasado na.”

Ok~~ iwas iwas din..

Di na kami kumain ng dinner sa resort at pumunta na lang kami sa mga kawarto naming, bukas na daw magsisimula ang seminar at training.

“Jai, thank you sa shirt ha!”

“anong thank you, may bayad, pag-iisipan ko pa kung ano ibabayad mo,goodnight.”

At sinaraduhan akong pinto. Medyo bastos ha! Pero may bayad daw, tss, kuripot talaga.

Lumipas ang dalawang araw na seminar at training lang, nagkakasabay kami ni Jai pero di na kami nakakapagkwentuhan kasi kelangan magtraining ulit. Ngayon, last day na naming at ito ako, di ko nagawa yung mission ko.

“Rian, punta daw tayo sa cottage, magvivideoke daw, last day na daw kasi sabi ni coach.”

“sige sige,susunod ako.”

Si coach, sya yung lalaki na ubod ng gwapo na sumalubong samin noon, coach daw ang itawag sakanya at wag daw sir.

Nagjogging pants ako at tshirt lang, bibirit ako mamaya.

Papunta na ko ng cottage ng marinig ko si Jai na may kasusap na phone.

“Don’t woryy baby, iniiwasan ko naman sya eh! You don’t have to worry. Behave ako ditto.”

“wag ka na magtampo, di ko nilalapitan si Rian.”

Nagulat na lang ako ng marinig ko yung pangalan ko. Hihmtayin ko sana sya para sabay na kami pumunta ng cottage pero umalis na ko. So, pinapaiawas ako ni Jaira sakanya. Bat ba parang nag laki ng galit sakin nung batang yun. Hay~ bahala sila.

Long Time CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon