Chap. 9: Holding Hands
The days went well, pasok-practice-uwi-pasok-practice-uwi and so on.
Ang mga nangyare sakin this week.
Wala kaming teacher ngayon dahil may meeting lahat ng nasa Science dept.
“ri, may naghahanap sayo sa labas.” Sigaw ng isa sa mga classmate ko.
Mas naunang pang lumabas si Jedd habang hila-hila si kuya mikko kesa sakin, o diba! Mas excited sila.
“ kyaaaaahhh!!! Be, lumabas ka na.”
Paglabas ko.
“hi!”
“kyaaaaaahhhhhhhhhh!!!”
“ang sweet ni pres.”
“may pagkain na tayo!!”
Lahat kami napatingin kay Jenna dahil sa sigaw nya.
“ehehe, totoo naman eh.”
Baliw talaga sila.
Nilapitan ko na sya, may dala syang cake, opo, cake! Mahfevorit!
“bakit may dala ka nyan?”
“para sana sayo kaso parang mga classmate mo ang kakain e.” Nagkamot sya ng batok, ang cute,hahah!
“ikaw eh, dito mo pa dinala, pinakita mo pa sakanila.”
“okay lang, haha! *sila muna liligawan ko*(pabulong) hi guys! Cake oh! Para talaga sa inyo to.”
“thank you pres!”
Sabay pasok sa room namin.
Aba’t trespassing yun ah! Wag nyang sabihing president sya ng SSG at ganyan sya umasta. Pagpasok ko ng classroom, ang mga classmate ko tumahimik yun pala kumakain, kinakain nila ang cake na para dapat SAKIN.
“oy Ri! Sagutin mo na si pres, mabait naman eh!”
“porket binigyan kayo ng cake, mabait agad?”
“oy! Mabaet naman talaga ako ah!”
Nasa likod ko pala sya.
O diba bongga! Binili nya ang mga classmate ko, to namang mga classmate ko, boto naman!
Ito pa.
Sinundo nya ko sa room, nagbabye sakin yung mga classmate ko. Nagkukwentuhan kami habang pababa kami ng hagdan, tawa pa kami ng tawa kasi tinakot daw nila yung secretary nila kanina sa office tas halos mangiyak-ngiyak na daw sa takot.
Nakasalubong namin yung mga katheater ko, nagpaalam naman ako sakanya bago ko sila lapitan, umoo naman sya.
Kinamusta ko ang practice nila, buong araw daw badtrip si Jairuz at sila ang napagbuntungan ng inis. Ako na ang nagsorry sa kanila, kakausapin ko sa Sabado yung taong yun. Tas nagbiruan kami ng konti, bago ko makalimutan na may kasama pala ako, napaalam na ko sakanila.
Pagbalik ko sakanya, nakabusangot na ang mukha nya, nagsorry ako kasi baka natagalan sya, tinanguan nya lang ako. Hanggang sa mkarating kammi sa tapat ng apartment ko di nya pa rin ako pinapansin. Paalis na sya ng tinawag ko.
“ano bang problema? Ok naman kanina ah! Bakit bigla kang sumimangot? Nagsorry naman ako kasi baka natagalan ka, tinanguan mo lang ako. Ano bang problema? Alam mo bang mahihirapan akong matulgo nito kasi hindi ko alam kung bat ka nagkakaganyan. Kausapin mo na kasi ako.”
