"Ano sayo?"
"As always ano pa ba?"
"Sabi ko nga po"
"Wag mo kakalimutan yung soup ko haa!" pahabol kong sigaw
"Oo na!"
Ganito lang lagi ang routine namin ni CJ tuwing lunch siya lang ang kasama ko.
Andito lang ako nagbabasa ng libro pero naka headset. Hindi kasi ako sanay na walang music na pinapakinggan habang nag babasa ako. Weird ko no?
Antagal naman ni CJ. Gutom na gutom na ako. Teka asan naba yung worksheet ko sa science?
Nakita ko sa side ng mata ko umupo na si CJ. Kaya nag puputak ako habang hinahanap ko yung worksheet ko sa bag ko..
"Ano ba yan! Ang tagal tagal mo naman kanina pa ako gutom na gutom! Teka nakakaini--"
Pagkalingon ko hindi pala si CJ ang nasa harapan ko..
"J-JC?"
"Si Chris ba hanap mo? Andun kanina nakita ko paakyat sa gym pinatawag kasi ni coach" tas ngumiti siya..
Ngumiti siya
Ngumiti siya
Ngumiti siya
Feeling ko naging slow mo ang lahat ng bagay sa paligid ko at nag blur at siya na lang ang nakikita ko.
Teka! Kailan kong sumagot! Wala akong mahanap na word walang lumalabas sa bibig ko!
Nakakainis! Wake up Bianca!
Kinurot ko yung sarili ko para sure na di ako na nanaginip
"Aw" Ang sakit ibig sabihin hindi ako na nanaginip
"Bakit?"
"Ahh.. Eh.. W-wala.." hindi ako maka tingin ng deretcho sa kanya!
"Ah! Oo nga pala eto oh.." Inabot niya sakin yung tray na may food na beef broccoli with rice tas yung soup
Teka.. hindi kaya?
"Ahh. Inabot yan sakin ni Chris kanina bago siya umakyat"
Akala ko naman..
Yan ang hirap sa assuming e..
"Ahh.. G-ganun b-b-ba.. Salamat" bat ba ako nauutal!?
"Walang ano man."
Uhmmm! Teka! Isip ng topic! Isip!
Wala akong maisip :(
"Bianca.."
That voice sounds like a music to my ears
"Hmm.. Bakit?" Sa wakas at hindi na ako nauutal
"Uh.. Wala lang" tas umiwas siya ng tingin
Huh? Anyare dito? Abnormal.. Joke lang.
Ngumiti na lang ako bilang tugon.
"Kayo ba ng kapatid ko?"
Nasamid naman ako sa sinabi niya. Grabe naman ang tanong neto! Muntik ko na tuloy siyang mabugahan ng iniinom ko
"Ahh.. Sorry nabigla ba kita?"
"Ok lang. Bat mo naman natanong?"
"Wala lang.."
"Hindi ah. Bestfriend lang kami"
Ewan ko kung bakit biglang nag iba yung ngiti niya
"Ah. Okay"
Nag kibit balikat na lang ako. Kakaiba din yung tanong niya huh.
Ngayon ko lang napansin parehas lang kami ng kinakain
"Favorite mo?" tanong ko
"Ang alin?" nagtatakang tanong neto.
"Yan.." tas nginuso ko yung pagkain na kinakain niya
Napakamot naman siya sa batok niya.
I find it cute.. Hehe landi ko! shhhh
"Ahh, yeah.."
Nagkwentuhan lang kami habang nakain nang biglang nag bell tas nag kami nagpaalam sa isa't isa nag presenta pa nga siyang ihatid ako sa classroom, tumanggi na ako. Dadaanan ko pa kasi si CJ sa gym kasi nakalimutan niya yung book report niya sakin.
Ewan ko kung bakit gumaan yung pakiramdam ko kay JC, samantalang sobrang kaba ko nuon tuwing nagkakasalubong kami. Pero ngayon nakakausap ko pa tas kasabay ko pang nag lunch biglang nag iba..
Oo aaminin ko..
Inlove ako sa kapatid ng bestfriend ko..
BINABASA MO ANG
Timeless
Teen FictionMasarap daw magmahal pero masakit din daw masaktan.. Anong pipiliin ko? Ang sarap ng pagmamahal o ang piliin na may masaktan? Pano kung huli na ang lahat bago ako mag desisyon?