Chapter Four

3 0 0
                                    

"Uhh.."

Ang awkward namin ngayon. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko..

"Marunong kabang sumayaw?"

"Ha? Ako? Hindi, parehas na kaliwa ang mga paa ko."

"Di nga?"

Di ba siya naniniwala? Totoo naman e..

"Oo, bakit?"

Tinignan niya ako ng nagtataka

"Okay. Sabi mo e."

In the end sasayaw na lang kami nung hip hop ba yun? Kesho naman daw sa Interpretive Dance. Nakaka antok daw kasi yun, at sang ayon ako dun.

"Sa saturday na start ng practice ah?"

What! Teka, magkikita na naman kami sa saturday? hihihi kinikilig ako!

"Dito ba sa school?"

"Hindi daw pwede e. Kaya sa studio na lang ng pinsan ko."

"Ahh. Okaay."

Wala akong masabi kasi kung ano ano ang pumapasok sa isip ko.

First - nakasabay ko siya mag lunch

Second - kasama ko siya sa Dance by 2

Third - Lagi ko na siyang makakasama at makikita

Grabe lord, sobra sobra po ang pasasalamat ko sa inyo!!

"Uhh.. Bianca?"

Hindi ko namalayan naka tulala na pala ako sakanya. Nakakahiya ka talaga Bianca!

"Ha? Ano ulit yun?"

"Sabi ko pahingi ako ng number mo. Para ma text kita."

Wait. What? Ano daw?

"Ha?"

"Pahingi ako ng number mo. Para ma text ko sayo yung mga detalye para sa Saturday"

Omg.

Fourth- Hinihingi niya number ko!!

"Ha.. Ah, sige sige." At nagpalitan kami ng mga number para syempre alam ko rin yung sakanya noh. Waaaaa! Bestfriend tania!! I need you!! Kailangan ko ng hahampasin! Kinikilig ako! 

"Hatid na kita?"

"Huh? Wala ba kayong training?"

"Pano mo nalaman?"

Nagtataka niyang tanong..

Isip ng dahilan. Isip!

"Ah..ehh, naikwento lang sakin ni CJ"

"Hindi naman Volleyball si CJ ah? Basketball yun e."

Ay oo nga pala volleyball si JC e, si CJ basketball! Oha diba ang magkapatid parehas iyan na varsity! San kapa? Kay JC na! Joke lang lumalandi na naman ako 

"Ha? E, ganun ba. Basta naikwento niya saakin!"

Napakamot na lang siya sa ulo niya at ang kulit talaga ay hinatid pa ako, pero hanggang sa sakayan lang jeep dahil tama nga daw ako may training sila. Sabi ko sa inyo e, stalker niya talaga ako. Alam ko lahat ng schedule niya! Ikaw ba naman ay araw araw na mag imbestiga sa lahat ng tungkol sakanya. 

Dumating na ang sabado at hindi ako mapakali dahil.. hindi ko alam!

*Ding Dong!*

"Anak andito na sundo mo!!" sigaw ni mama mula sa kusina

Bakit ang bilis naman ni JC at paano niya nalaman ang bahay namin?

"Opo ma! Saglit lang!" 

At nagmadali akong bumaba papunta sa sala deretcho sa pinto at pagkabukas ko..

"CJ?" nagtataka kong tanong

"Mala-late lang daw ng kaonti si JC pinasundo ka niya sakin"

"Ah ganun ba.."

"Oh, bakit parang mukhang dismaya ka?" pagtataka niyang tanong

"Ha? Hindi ah! Tara na!" nagma sigla sigla ako parang hindi niya mahalata

Wala pang 30 minutes andito na kami agad sa isang malaking building. Hindi muna kami dumiretcho kasi nga daw mala-late pa daw ng kaonti ni JC kaya pumunta muna kami dun sa isang coffee sa hindi kalayuan lagi akong napaparito kaya kilala na ako ng ibang crew. Nagpabawas oras kami duon at kumain

"Mukhang close na kayo ni JC ah? Pinagpapalit mo na ako dun. Ang sakit naman" at umasta siyang parang broken hearted. Baliw talaga tong bestfriend ko

Natawa ako sa pinag gagawa niya at sinagot at tanong niya "Hindi naman.."

Nag kwentuhan lang kami at hindi namin namalayan ang oras.. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 08, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TimelessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon