Ewan ko kung bakit atat na atat akong pumasok ngayon.
O sadyang excited lang talaga akong makita siya ulit?
"O, ang aga mo naman ngayon?" Nagtatakang tanong sakin ni Tania
"Ewan ko ba."
Feeling ko talaga ngayon ang productive ng magiging day na ito para sakin. Naging pala recite tuloy ako ng wala sa oras tas laging naka ngiti.
Dumating na ang lunch at tinatanong ako CJ kung bakit daw ganito ang inaasta ko.
"Ay nako! Masama naba maging ganito? lahat na lang kayo tinatanong saakin yan ngayon" at nag pout akong sabi.
"Wag ka nang mag pout hindi bagay sa iyo." Sabay iwas niya ng tingin
"Che, edi huwag mo akong tignan!"
Habang busy akong nagsusulat at dahil last subject na rin naman at uwian na. Tinodo ko na ang pagsisipag! aba minsan lang ito kaya sulitin ko na!
May umagaw ng atensyon sa lahat ng biglang may kumatok sa pinto.
Lumabas ang teacher namin para tignan kung sino ang kumatok.
Nadistract ako ng tawagin ako ng teacher namin.
"Ms. Delos Reyes you are excuse, go get your things. NOW."
Hala! Bakit anong nangyari?
Tinignan ko si Tania at nagtataka din siya.
Bakit kick out na ba ako?
Wala akong ginawang mali!
"Faster Ms. Delos Reyes!"
"Y-yes mam"
At nag madali akong lumabas ng classroom.
Pagka labas ko nagulat ako sa taong naka sandal sa pader.
"J-JC?"
"Hii! Ang tagal mo naman! Halika na!"
Nagulat ako ng bigla niyang hinila yung kamay ko..
Tekaa..
Hawak niya yung kamay ko..
Ano ito?
Holding hands while running!!?
OMG!!
Sa sobrang pagkatuwa ko dahil sa pagka holding hands namin nasa tapat na pala kami ng Faculty 2
Napalunok ako. Teka, anong ginagawa namin dito?
Pumasok si JC ng walang katok katok nagulat ako ng si Mr. Zen lang ang tao at naglalaro siya ng.. Candy Crush..
Si Mr. Zen, siya ang kinakatakutan na teacher sa lahat..
Hindi ko mapigilang mapawisan, kasi ba naman pagka pasok namin nanlilisik ang kanyang mga mata at parang handa na kaming bulyawan.
Pero bigla siya napatingin sa magkahawak na kamay namin JC..
Nabitawan ko tuloy sa sobrang kaba! Sayang!
Napangiti siya.. yung ngiting demonyo..
Waaaa! Natatakot ako! Huhu!
"Ang tagal niyo namang dalawa!"
Tumawa si JC "Sorry po Mr." Bakit ganun parang komportable lang siya, hindi ba siya natatakot?
"Anyway, it's alright. O, kayong dalawa ang papapiliin ko kung ano ang gusto niyo. Dahil gusto ko sa gagawin niyo komportable kayong dalawa."
Nagataka ako, anong konportable? anong gagawin? Papipiliin? Nang ano?
"Bakit po Mr. Zen? Anong pong meron?"
Tinaasan ako ng kilay ni Mr. Zen, hala! may masama ba akong nasabi?
"Hindi mo ba alam?" Sabay tingin niya sakin ng hindi kapani-paniwala
"Ha, ang alin po ba?" Hindi ko naman kasi talga alam. Magtatanong ba ako kung hindi alam?
Nagbuntong hininga siya..
"Obvious naman na wala kang alam, 3 weeks from now na ang competition para sa Dance By 2 at kayong dalawa ang napili kong representative ng School natin."
Teka lang nag ssink in pa sa utak ko..
BINABASA MO ANG
Timeless
Teen FictionMasarap daw magmahal pero masakit din daw masaktan.. Anong pipiliin ko? Ang sarap ng pagmamahal o ang piliin na may masaktan? Pano kung huli na ang lahat bago ako mag desisyon?