Shawn's PoV
"Dude ang ganda niya kaya." sabi ng pinsan ko habang tinitingnan and babaeng maputi, maganda ang kurba ng katawan, at matangkad habang nagsasayaw syempre maganda siya.
Anyway, were here in the 'chu chu bar' (walang basagan ng trip sa pangalan ng bar! Hahahaha)
"Then you should date her. I know she's your type." sabi ko saka uminom ng Whiskey.
Yan kasi yung mga tipo niya sa isang babae, lalo na pag matangkad. Okay lang kung hindi maputi basta matangkad."Ang laki ng boobs niya, I like her butt too." sabi niya tsaka pinasadahan ng tingin ang babae. Nilingon niya ako at nginisihan. Alam ko na kaagad kung ano ang iniisip ng ugok na 'to.
"Sayo nayan! Hahahaha." bahagya ko siyang tinulak para mapalapit siya sa babae, at nagpatulak pa talaga ang ugok!
Ngumisi lang sya at sinayawan sa likod ang babae. Lumingon ang babae sakanya at nagpatuloy sila sa pagsasayaw. Umiling nalang ako at napangisi. Uminom ako ng pang last na Whiskey at tumayo na rin para pumunta sa dance floor at sinayawan ang babaeng kanina pa 'ko inaakit sa tingin.
KINABUKASAN nagising ako dahil sa katok saking pinto. Babangon na sana ako nang biglang sumakit ang ulo ko.
"Fuck!" Napaupo ako sa sakit. Hangover. Tss.
"Sir, bangon na po. May pasok pa po kayo." sabi ng isang pinagkakatiwalaan kong maid.
Hindi ko na siya sinagot at dumiretso nalang sa CR para makaligo na. Hindi Marin naman siya kumatok ulit.
Pagkatapos kong naligo ay nagbihis na at bumaba para kumain.
Pagbaba ko ay naabutan ko si Oliver na ngumingisi sa kanyang phone habang nagpipindot. Siya yung kainuman ko kagabi.
Pumunta ako sa kanyang likod para tingnan din kung sino ang ka text niya. Hindi niya siguro napansin ang paglapit ko dahil hindi naman siya lumingon.
To:Babe06, Babe07, Babe08, &more...
"Babe naman. Sige na pumayag kana. You'll never regret this, babe. I promise :)""Hoy! Tang*na ang aga-aga." sabay batok sakanya.
"Hahaha wag ka ngang mangealam!"
"Tindi mo ha araw-araw iba-iba chicks mo. Hindi kaba nagsasawa? Mabuti pa'ko kontento na sa pagiging gwapo at baka nakalimutan mo mas gwapo pa ako sayo uy!" tumatawang sabi ko habang kumakain. Takte baka mabulunan ang kagwapuhan ko neto. Tsk
"Pero mas magaling pa akong mangdiskarte sayo! Siguro inggit ka lang no? Ba't di mo 'ko sundin?" Aba'y gagong to. Sundin siya? No no no. Kahit gwapo ako stick to one 'to no!
"Ayoko nga! May sariling moves ako no! Hahaha."
"Mag hanap kana nang bebot mo oy! Bago kapa itali ng mga magulang mo sa anak ng kanyang mga kaibigan na business partner."
"Hindi ako papayag no! Atsaka ayoko ngang magpatali sa mga anak ng mga kaibigan ni mommy, mas gusto ko yung ako ang maghahanap." Sabi ko.
Nagkibit balikat lang siya at sumakay na sa kanyang Ferrari na sasakyan. Sumakay na din ako sa aking sasakyan at dumiretso na kami patungong school.
Pagdating naming school ay marami-rami narin ang mga studyante. At syempre mawawala ba ang mga chikababes na tumitingin samin?
Actually.... Sakin talaga sila nakatingin. Hahahaha wengya! Ang gwapo ko talaga. *sabay pasada ng kamay ko sa aking mushroom na buhok*
"OMG Bes! Nandito na sila!!"
"Kyaaaaaah! Ang gwapo mo Shawn!"
"Ang cute cute mo Oliver!"
Nagkatinginan kami ni Oliver at tinignan ang mga chikababes atsaka *wink*
"OMG OMG Bes! Kinindatan nila ako!"
"Hindi! Ako kaya kinindatan nila!"
"Shut up nga kayong dalawa! Ako kaya kinindatan nila!"
Tinawanan nalang namin ni Oliver ang mga chikababes at patuloy na naglakad.
--FAST FORWARD--
Lunch na. Tinapik ko si Oliver para pumunta na sa Cafeteria. May kausap na mga babae na naman ang loko.
"Loko ka talaga! Kinalimutan mo na namang mas gwapo pa ako sayo!" at sabay kaming tumawa.
Matagal na kaming magkaibigan nito ni Oliver, pinsan ko siya at the same time Best friend. Halos sabay kaming lumaki nyan. Magkatabi lang din bahay namin kaya kung di siya papayagan na lumabas pag gabi pupunta lang sya sa veranda ng kwarto nya at lulukso patungo sa veranda din ng kwarto ko.
"Dude may nakita akong chicks kanina. Medyo nerd nga lang siya pero dude ang ganda niya talaga, swear! Kung nakita-- Ayun! Dude yan yung chicks na sinasabi ko sayo, dali na pormahan mo na!" Sabay tulak sakin.
Kaya syempre gumawa kaagad ako nang moves para mapansin nya ako. Sakto namang wala siya sa sarili niya kaya nagkunwari akong hindi siya nakita at binangga ko siya.
"Aray!" Oops napalakas yata yung pagbangga ko sakanya dahil napa upo siya.
Syempre hindi ako nagpahalata na sinadya ko yung pagtulak sakanya kaya nagpagalit-galitan ako.
"Ano ba! Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo!?" Sigaw ko.
"Hoy Mister! Hindi ka din tumitingin sa dinadaanan mo kaya quits lang tayo!" Wooooah palaban.
"Wow! Eh bakit ka sumisigaw!?"
"Eh sumisigaw ka din eh!" Sigaw niya.
"Dapat mag sorry ka sa ginawa mo!" Sigaw ko ulit habang lumalapit sakanya. Syempre lumapit ako para makita kung maganda nga siya.
"Wow so ako pa talaga ang magso-sorry ha? Eh ikaw nga 'tong bumangga sakin!" Sigaw niya habang lumalapit din.
"Mag sorry ka nalang para wala nang gulo." Mahinahon kong sabi. Mahirap na, baka mawala kagwapuhan ko nito.
"Ikaw may sala tapos ako magso-sorry? Bahala ka dyan! Tse!" Wew amazona pala tong--- "Aahh!" Sigaw ko dahil sa sakit. Takte ang sakit nang paa ko! Pero nabigla ako nang hindi man lang sya nag-sorry. Lumakad lang siya at tiningnan ang mga schoolmates naming tumitingin na sakanya nang masama.
''Hahahaha lagot ka sa mga fans kooo!''
pero hindi nya pinansin ang mga babae at tumakbo na lang. Nang hindi pa siya nakakalayo ay sinigawan ko na siya.
''Hoy panget hindi pa tayo tapos!'' sigaw ko sakanya habang hawak-hawak ko pa yung paa ko na tinapakan niya.
Lumingon siya at ''Blee! Hindi ako natatakot sayo!'' sigaw niya pabalik.
Wow! Just wow! Amazona pala yung babaeng yon?!
^__^
Pero wow maganda nga siya hahahaha, pero mas maganda si--- Aish nevermind!
~~~
Hiiiiiiii ^___^ Hahahahaha wala akong masabi XD
Don't forget to click VOTE, COMMENT and FOLLOW narin po pangpalakas ng loob :) KAMSAHAMNIDA chinggu's :*
-Gigay
BINABASA MO ANG
All I Ever Need | O N G O I N G |
Teen FictionSabi nila... May mga bagay na kahit gusto mo, kailangan mong BITAWAN... May mga tao na kahit napasaya ka na, dapat mo nang IWASAN... May mga desisyon na dapat gawin kahit NASASAKTAN. I love you... Salitang madaling bitawan.. Masarap pakinggan.. M...