Kumakabog and dibdib. Di na malaman kun ano ang gagawin. Nararamadaman ko ang pagtylo ng aking mga pawis. Di mapakali ang mga mata, tingin dito tingin don. Wala akong mahanap. Ano kaya ang gagawin ko?
Binigay na ni Sir ung exam namin. Ano itong mga to? Wala man lang ako kaalam alam. Pumapasok naman ako sa klase pero bakit ganito? Tanga! Di lang talaga ako nag-aral. Puro kayabangan kasi, Stock Knowledge daw ee. Lahat ng mga kaklase ko nagsusulat na, nakatigin sa mga papel nila at seryosong nagsasagot habang ako ito tulala na kunwari ay nag-iisip pero wala lang talaga maisagot.
Lumapit si Sir at tinanong kung bakit daw ako hindi nagsasagot ng pagsusulit, dahil sa sobrang kayabangan nasabi ko na " Sir, mamaya na po ako magsasagot kasi sobrang dali ng exam niyo. Baka matapos lang ako ng maaga", pagmamayabang ko sa kanya. Muntik na ako dun. Pero tama ba yung ginawa ko? ------ Oo naman! Halos 20 minuto na ang lumipas at pangalan at seksyon ko pa lang yung naisusulat ko. Samantala ung mga kaklase ko ay patapos na. Kailangan ko ng gumawa ng paraan at aksyon para makatapos at mairaos na itong exam.
Lingon sa kaliwa , lingon sa kanan. Nasan na kaya yun? Di ko makita. Konting pihit pa...... Yun! Nakita ko din siya ! Nakita ko din ung hinahanp ko. Si Mark. Siya ung pinakamatalino samin pero siya rin ang pinakabaduy sa room. Budoy nga tawag namin sa kanya ee. Pero ang layo niya e. Nasa harapan ako at nasa likod siya. Imposibleng makita ko ung sagot niya. malapit na matapos ung time.
Lumabas si Sir para na naman makipagtsismisan. Sanay na kami dun. Paagakaktaon ko na para makakuha ng mga sagot. Naiwan niya ung answer key niya sa table niya. Daming sagot. Dahil sanay ako sa kopyahan, para bang nakikipag unahan sa kabayo kung magsulat. Bawat letra na makita sinusulat. Biglang dumating sir Sir. Sumigaw. " Hoy. Anong tinitingin mo dian ha ? kinikopya mo yung mga sagot?" tanong niya. Naniglabot ang buong katawan ko. Nakaramdama ng takot. Buti na lang at mabilis ako mag-isip. Sagot ko sa kaniya " Sir, nahulog lang po yung papel nio. Pinulot ko lang at nlagay sa table niyo", pagsisinungaling ko. Tila hindi naniniwala si Sir pero tinigilan na din niya ang pagtingin sakin.
Sampung minuto na lang ang natitira at hindi pa ako tapos. Kailangan ulit gumawa ng paraan. Alam ko na !
Buti na lang at katabi ko halos yung may gusto sa akin, si Maria. Sige sige, alam ko namang gwapo ako pero mali ung nagkagusto sakin. Panget kung panget. Absent nga siya nung araw ng kagandahan ee. Pero kailangan ko nang tulong niya ngayon. " Maria, tapos ka na ba?" pa-uuto ko sa kanya. " Ah,oo" kilig niyang sagot. " Kasi ako hindi pa e, pwede bang pakopya?", tanong ko sa kanya. " Baka kasi makita tayo ni Sir. Baka pagalitan tayo at itapon yug papel natin?" sabi niya. " Wala iyan. Di niya tayo makikita. Mautak ata tong crush mo.", pamimilit ko sa kanya. Sa wakas, binigay na din niya yung papel niya.
Kopya dito, kopya dun. Bilis! Ang dami niyang sagot, nakakasilaw. Lahat ng makita ko sinusulat ko. Tama at mali, letra a b c, bilog dun, bilog dian. Yes! Tapos na din. At biglang nagsalita si Sir. " Ipasa niyo na ang mga papel niyo". Pinasa ko na ang papel ko na kumpiyansang tama lahat ng sagot ko. Nalusutan ko na naman yun, kamuntik na ako. Umalis na si Sir at sinabi na bukas daw malalaman ang iskor namin sa eksam.
Recess na namin at kaming lahat na magkakabarkada ay nasa sa canteen. Kami ang kinatatakutan sa lugar na iyon kasi unang-una, kami ang 4th year. Kami ang mas matatanda at malalaki.
Habang kumakain kami, nakita ko na naman yung crush ko. Swerte ko ata ngayong araw. Pumapanig lahat sakin ng swerte. Bumilis ang pintig ng puso ko nang makita ko siya. Ano kayang gagawin ko para mapansin niya ko at makakuha ng atensyon ?