Chapter 1

49 0 0
                                    

Fea's photo above  -- Enjoy the first chapter! ♡  'shi

**

Kid's

Nasa room kami ngayon, naglelecture lang si Sir Jart. Bla bla, wala naman akong maintindihan. Wala ako sa mood makinig ngayon. Iniisip ko pa din kasi kung paano kami makakakuha ng lead guitarist sa loob ng tatlong araw. Oo, tatlong araw na lang. Tsk! Wednesday ngayon at sa Saturday na yung deadline ng video para sa first audition. Hays. Inaantok din ako dahil wala akong maayos na tulog kagabi kakaisip nga ng problema namin, tsk.

*bell rings

Yown! Buti naman nagbell na. Pupunta ako ngayon sa studio kasama si Fea. Siya kasi ang number one fan namin, hahaha! Bago kami dumaan ng studio ng university namin, (Frank West University) pumunta muna kami ni Fea sa cafeteria. Gutom na din kasi kami e.

"Libre naman diyan, Kid!" sigaw sakin ni Fea sabay pulupot ng kamay sa braso ko. Ang clingy, bwiset. -_-

"Hoy, ang annoying mo." sabi ko sa kanya pero nakatingin pa din ako sa isang stall ng milkshakes dito.

"Grabe ka naman! Para nagpapalibre lang e, di wag!" then sumimangot siya at nagpout.

"Ililibre kita kung tatanggalin mo yang kamay mo sa braso ko. Tsk, ano ba naman Fea! Wag ka sabi magdidikit ng ganyan sakin naiirita ako." saway ko sa kanya. Ayaw ko kasi talaga ng clingy sakin. Pag sobrang clingy. Naa-annoy talaga ako -_-

"Ay ganun ba? Hehehe akala ko kasi ayaw mo lang akong ilibre." sagot niya tapos tinanggal niya na yung kamay niya na nakakapit sa braso ko.

"O ayaw nga kitang ilibre, papayag ka ba? Hindi naman, di ba?" tanong ko sa kanya.

"S'yempre, hindi! Ikaw best friend ang galing mo ha!" sabay ngisi niya sakin.

"Tss, madelete ko lang talaga yang video ko sa phone mo e. Hinding hindi na kita ililibre. Annoying."

Pano ba naman kasi. May video ako sa phone niya na nagpapractice akong kantahin yung isang kanta ng paborito kong banda. Yung Decode ng Paramore. As in dumating sa point na namaos na ko at naiiyak pero ayaw ko pang tigilan. Talagang nagpapadyak na ko non at nagkakamot ng ulo sa sobrang inis! Tapos ayun, nasa kwarto kasi ako non. Aba biglang may narinig akong kalabog. Tapos biglang may parang natawa ng mahina, tas yung nakita ko siya kung sino. Si Fea hindi na napigilang tumawa ng malakas. Pilit kong pinapabura yung video sa kanya pero wala, mabilis tumakbo 'tong babaeng 'to. Kaya ayon, binlack mail niya ko na kapag hindi ko siya nilibre ipopost niya sa YouTube yung kahiya-hiyang video kong yon anytime. -_- Di ba, annoying? Sabi sa inyo e. Tsk.

Pagkatapos naming bumili ng milkshakes ayun, ang lapad ng ngiti ng hinayupak na Fea na to. Palibhasa naka-isa na naman ng libre sakin e. Annoying, ugh! Favorite word ko talaga yung annoying. Hehe.

**

Inubos muna namin ni Fea ang milkshakes namin. Striktong pinagbabawal kasi ang foods and drinks sa loob ng studio. Pagpasok namin ni Fea sa studio, nandon na sila Claude, Shan at Drew. Nagtotono sila Drew at Shan habang si Claude naman ay pinapractice ang bawat palo niya.

"Yo, Kid! Ang tagal mo a? San kayo galing ha? Hoy Fea, san mo dinala bokalista namen?" maangas na tanong ni Claude kay Fea.

"Bumili lang ng milkshakes! Sa tingin mo saan ko naman dadalhin ang best friend ko ha? Kung makareact ka diyan. AKO ANG BEST FRIEND." agad namang napasimangot si Claude sa sinabi ni Fea.

Hays wala na talagang pag-asa tong dalawang to. Palaging nagsasagutan yang dalawang yan. Nakakarindi na nga e. Ewan ko ba pero ganyan na talaga sila since day one. -_-

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 17, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

WANTED: Lead Guitarist Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon