HINDI TAYO

44 0 0
                                    

Hindi ko na dapat pa itong nararamdaman,
Sakit na unti-unting bumabalot
Nang nakitang ika'y may kasamang iba
At sa litrato mukhang kayo'y masaya

Masakit mang isipin,
Na ika'y nakahanap din,
Isang babaeng ngiti'y nakakaakit
Kinakain ako ng sakit nang malamang siya ang pinili

Ako'y isang hamak na kaibigan lamang,
Walang karapatang ika'y hadlangan
Dahil giliw, alam kong iyon ang ikaliligaya
Wala na akong magagawa

Ano lamang ba ako?
Isang kaibigang nagmamahal sa'yo
Higit pa sa inaakala mo,
Mahal kita, higit pa sa akala mo.





Photo credits from Pinterest.

Unspoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon