Yzel's Pov.
"Ang tagal naman ng teacher natin! Kabagot na dito ah." Pagmamaktol ni Kirsten sa tabi ko.
"First week palang naman kasi ng klase." Wika ko habang naglalaro ng Kpop Quiz Bee.
"Palibhasa kasi, paborito niya ang first subject." Singit naman ni Ianna na may lollipop pa sa bibig.
"Values!" Sabay naming sambit ni Ianna at humagikhik pa.
"Hay nako!" Napangiwi si Kirsten sa aming sinabi.
Pero tama nga si Kirsten, almost 30 minutes nang late ang first subject teacher namin.
Nauuna pa nga samin yun noong mga nakaraang araw eh.
Iba na ang kutob ko rito.
Tiningnan ko ang dalawa kong kaibigan na nasa magkabilang gilid ko lang, bale napapagitna-an nila ako. May iba't ibang pinagkakaabalahan itong dalawa.
Si Kirsten ay panay titig sa crush niyang si Christian Mark o mas kilala sa palayaw na Crismar.
Si Ianna naman panay laro sa phone niya ng SuperStar BTS.
At eto ako naman, naka tunga-nga lang.
"Guys! Something happened outside!" Sigaw ni Lawrence mula sa may pinto, humihingal pa.
"Bakit anong nangyari?" Bungad na tanong ni Reena.
Sumenyas lang si Lawrence na lumabas kami, para masaksihan ang nangyayari sa labas.
Agad namang nagsilabasan ang aking mga kaklase at tinungo ang building, nasa 3rd floor kami at ayon kay Lawrence nasa baba ang tinutukoy niya.
Pagbaba namin ng hagdan papuntang 2nd floor ay agad na tumambad ang napakalaking glass na nagsisilbing bintana. Mula rito makikita na ang mga estudyanteng nagkakagulo sa labas.
Tumigil ako sa tapat ng bintana at tiningnan ang kaawa-awang guro na nakasabit sa tuktok ng flag pole, nasa tapat lang naman ito kaya kitang-kita ko lahat. Nasisiguro ko rin na siya ang teacher na kanina pa namin hinihintay.
Sariwang sariwa pa ang dugong dumadaloy sa leeg nito, nakamulat pa ang mga mata nito at nakalawit ang dila.
"First week pa lang, pero may mga nangyayari nang ganito. Tsk!" Isang boses ang biglang narinig ko mula sa'king likod.
Nilingon ko ito.
"Tama ka." sagot ko.
**
Hindi ko namalayang
nandito na pala ako sa garden kasama ang kausap ko kanina."Ynna?"
"Mmm?" Naaaliw ito sa pakikipaglaro sa mga paru-paro kaya hinayaan ko nalang ito at nagsalita
"Diba sabi ko sayo na —"
Di na ako natapos sa aking sasabihin dahil bigla siyang nagsalita.
"Oo, alam ko na 'di na dapat ako pumasok dito dahil sa mga kababalaghang nangyayari, pero.."
Bago niya tinuloy ang kanyang sasabihin, ay tinignan niya ako diretso sa mata.
"Pero.. pero di mo naman kasi ako masisisi. Gusto ko kasi na parating nasa tabi mo, dahil kapag ganun lumalakas ako at nagiging matapang. Alam ko naman kasi na kaya mo akong ipagtanggol sa ano mang kapahamakam."
Ngumiti siya sa'kin at ibinaling muli ang atensyon sa mga paru-paro.
Napabuntong hininga nalang ako at ngumiti.
"Hindi ko maipapangako, pero gagawin ko ang lahat para sayo."
Makalipas lang ang ilang minuto ay tumunog na ang bell, hudyat ito para sa second subject. Bumalik na ako ng room at pagkadating ko roon ay napansin kong sinusundan ako ni Ynna.
"Ynna? Pumasok ka na, kung saan ka man naka asign na room." Wika ko rito.
Ngumiti muna siya sakin bago niya ako sinagot.
"Magkatabi lang tayo ng room." Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay agad naman itong tumungo sa classroom niya. Bago pa siya pumasok ay kumaway pa siya sa akin, ginantihan ko naman siya nang isang matamis na ngiti.
Nabigla naman ako nung may biglang tumapik sa balikat ko saka ako inakbayan. Paglingon ko, si Archel lang pala.
"Siraulo ka! Kinabahan ako dun ah?!" Sabi ko habang hawak-hawak ang aking dibdib.
"Sorry!" humingi siya ng paumanhin at ngumiti.
Pumasok na kami ng classroom habang akbay-akbay niya parin ako. Para sa mga kaklase ko, wala lang iyong malisya dahil alam nilang wala akong pake sa mga lalaki. Pero hindi naman ako tomboy!
Umupo na ako sa aking upuan at ganon din si Archel.
May bigla nanamang humawak sa balikat ko na ikinagulat ko na naman ulit. Si Aki lang pala (Franchey).
"Oh, bakit Aki?" Tanong ko.
"First week palang no pero may patayan nang nangyayari." Wika niya, kitang kita sa mukha niya ang kaba.
"Simula na ng kalbaryo natin." Singit naman ni James pero ang mga mata nito ay nasa libro.
"Sa tingin ko nga." Yun na lang din ang nasabi ko dahil bigla rin akong nakaramdam ng kaba.
Dahil mararanasan ulit namin ang mga pinagdaan namin sa paaralang ito simula noong Grade 7 pa lang kami.
Sana naman ay hindi ito lumala ngayon. Natatakot na ako.
To be continued...
BINABASA MO ANG
DEATH SCHOOL (Under Construction)
Mystery / ThrillerHIGHEST RANK ACHIEVE - #1 in Bloody Category (1 week) #2 in Brutal Category - HELL IS EMPTY. ALL THE DEVIL IS HERE - Humanda ka na Isusunod ka na niya Wag kang maingay Nang 'di ka mapatay Manatili kang tahimik Para buhay mo'y tatagal pa Nandiyan la...