CHAPTER 15

19.9K 265 9
                                    

Third Person's Pov.

"Danica.."

Napako si Yzel sa kanyang kinatatayuan at bumuhos ang mga luha na kanina pa gustong lumabas sa kanyang mga mata

Hindi niya lubos ma isip na ang kanyang isa sa mga pinakamatalik niyang kaibigan ay namatay na.

Galit at Awa ang kanyang nararamdaman..

Lumapit ang kanyang mga kaibigan sa kanya at niyakap siya

"Nakuha namin to na hawak niya" inabot ni Bianca ang isang maliit na papel kay Yzel

Nakasulat doon ang isang salitang di makuha-kuha nila kong ano ang pinapahiwatig ng killer -- PLASTIC

May mga ibang estudyante ang dumating sa crimescene at agad na ibinalita na natagpuan na ang ulo ng dalaga,nakasabit ito sa dulo ng flag pole,lasug-lasog ang mukha at halatang pinahirapan siya ng killer

Buong araw na nagluluksa ang magkakaibigan lalo na si Yzel

Gabi na noon at oras na ng kanilang hapunan,nagtipon ang magkaklase sa kusina at tahimik na kumakain,makalipas lang ang halos 1 oras ay natapos na ang lahat,lumabas na ang iba malibam kay Yzel na nilalaro pa ang kanyang pagkain

"Kainin mo na yan" isang boses na kumuha ng atensyon ng dalaga

"Wala akong gana" tipid nitong sagot

"Alam kong gutom na gutom ka na,pero dahil sa nararamdaman mo nawawalan ka ng gana" paliwanag ni Clint

Tiningnan lang siya ni Yzel at binalik ulit ang atensyon sa paglalaro sa kanyang pagkain,bigla nalang tumulo ang luha ng dalaga,na hindi naman ikinagulat ng binata

Lumapit siya sa umiiyak na kaklase at niyakap ito

"Walang magagawa ang pag-iyak mo.Sigurado ako na ayaw ni Danica ang makita kang umiiyak" hinagod-hagod niya ang likod ng dalaga

"Kung ako sayo kumain ka na,at tumahan narin sa pag-iyak.."

Hinawakan niya ang balikat ni Yzel saka iniharap ito sa kanya

"Wag kang magalala,simula bukas,sisimulan ko na kung ano ang isinadya ko dito"

Naging seryoso ang mukha ng dalaga,bago siya magsalita ay pinunasan niya muna ang mga luha sa kanyang mukha

"Magtulungan tayo" sabi niya

"Papayag lang ako kung kakain ka na jan" pabirong sabi ni Clint dahilan para mapangiti niya si Yzel

Tumango lang ito at kinain na ang kanyang hapunan

Kinabukasan araw ng lunes at swerting holiday ang araw na yun

Nagtipon lahat ng mag kakaklase sa Kusina para kumain ng agahan

Tulad ng dati maagang natapos ang iba at as usual nagpaiwan si Yzel na sinamahan naman ni Clint

"Ano ng plano?" walang emosyong tanong ni Yzel kay Clint na seryosong-seryoso na ani mo ay may malalim na iniisip

"Marami akong plano" tipid nitong sagot

Napatango nalang ang dalaga

"May nakalimutan akong sabihin sayo" sabi ni Clint sabay titig sa mata ng dalaga

Tumagilid ang ulo ng dalaga na parang naghihintay sa susunod na sasabihin nito

"Yung mga killer..kapag sinubukan natin silang patayin,hindi sila basta-bastang nawawalan ng buhay" seryosong wika ng binata

DEATH SCHOOL (Under Construction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon