CHAPTER 43 (pt.4)

14.6K 347 18
                                    

Para di kayo maguluhan dito, yung real name nila gagamitin ko yung bago pa sila magpalit ng pangalan.

-elyengzai

*****

Third Person's Pov.

"Kirsten,ito na ang magiging bagong kwarto mo,nagustuhan mo ba?"

Tumango ang bata at ngumiti,saka niyakap ang mag-asawa

"Salamat po dahil inampon niyo po ako"

"Dapat kami ang magpasalamat sayo dahil pumayag kang maging anak namin" mahinhin na wika ng babae

"Sige ,baba muna kami para maghanda ng makakain natin,ok?" dagdag nung babae

2 buwan na rin ang lumipas ng mangyari ang karumaldumal na sinapit ng kanilang pamilya at 2 buwan narin ang lumipas ng huling magkita ang magkapatid.

Kahit ganun ay sariwa parin sa ala-ala ni Yzel ang lahat.

Miss na miss niya narin ang kapatid pero tinitiis niya lang ito.

"Mommy!maglalaro po muna ako sa labas ~!" paalam ni Yzel sa kanyang ina-inahan.

Pagkalabas niya ng pintuan ay tumingaa siya sa langit at inisip agad ang nakababatang kapatid..

"Kumusta na kaya si Kirsten??" bulong niya

Napagpasyahan ng bata na mag bisikleta muna sa labas ng bahay dahil maganda ang panahaon ng araw na yun,pero sa di inaasahang pangyayari ...

Isang kapahamakan ang nangyari kay Yzel..

Pinagsisihan niya kung bakit lumabas pa siya nung araw na yun...


"Yzel bakit ka nandito?"

"Mama!'

"Anong ginagawa mo dito anak?"
"Pa,hindi ko din alam" mangiyak-ngiyak na usal ni Yzel habang yakap ang mga magulang

"May pangako ka diba?"

"Oo Ma,pero hindi ko alam kung paano ako napunta dito"

Mahigpit niyang niyakap ang mga magulang yung yakap na parang wala ng bukas.

Isang liwanag ang biglang lumitaw sa kanilang harapan.

"Oras na" malumamay na wika ng ina ni Yzel na hawak-hawak ang kamay ng kanyang ama.Nag-umpisa ang dalawa na maglakad papunta sa liwanag,tumigil ito at tinawag ang anak na sumunod sa kanila.

Unti-unting naglakad si Yzel papunta sa kaniyang mga magulang,pero sa di malamang dahilan ay may isang itim na liwanag ang lumitaw sa likod ni Yzel.

Kaniya itong nilingon pero nabalik rin agad ang kanyang atensyon sa mga magulang ng tawagin siya nito.

Nakaramdam ang bata ng parang hinihigop siya ng itim na liwanag,tumakbo siya papunta sa kaniyang mga magulang pero parang sa isang kisap matang naglaho ang bata.









DEATH SCHOOL (Under Construction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon