Kaibigan

226 17 1
                                    

Umalis man dito ang iyong kaibigan
Narito ako upang iyong sandalan
Pag-asa sa puso, 'wag kang mawalan
Sapagkat lahat ng ito ay may dahilan

Kung kaibigan ang nais mo
Nandito ako para sa iyo
Kahit higit pa dyan ang nararamdaman ko
Handa ko itong iwaksi para lamang sa iyo

Alam kong ikaw ay muling mangingulila
Sa lahat ng pinagdaanan ninyong dalawa
Ngunit nawa'y alalahanin mo din sana
Na maging ako, sa kanya ay mangungulila

Darating ang araw na muli tayong tatlo ay magkakasama
At muli ay magkukulitan at mapupuno ng tawa
Lalo pa at kayo sa akin ay napamahal na
Kung kaya sa puso at isip, kayo ay hindi mawawala

-Maymay-Edward
(by: Jaz)

MayWardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon