Kaya Pala

140 11 1
                                    


Kaya pala ng unang dating ko sa Bahay ni kuya
Ikaw agad ang aking nakita at unang nakasama
Kaya pala kahit hindi pa kita ganun kakilala
Tila ba ang gaan ng loob ko sa'yo bigla

Kaya pala kahit nagka-CRUSH ako sa iba
Bigla na lang itong nawala
Kaya pala nung ako ay nagkagusto muli sa iba
Ay hindi ako nabigyan ng pag-asa

Kaya pala kahit anong kabaliwan, tayo ay nagtutugma
Kaya pala tuwing kasama kita napapangiti ako ng hindi sadya
Kaya pala gustong gusto kong ginagaya ka
Kaya pala gusto ko lagi kang masaya

Kaya pala ayaw kong nakikita ang iyong luha
Sa kahit ano mang dahilan pa
Kaya pala ang nais ko ay laging nasisilayan ka
Sapagkat tila may kulang kung wala ka

Kaya pala, kaya pala
Kaya pala sa tuwing ikaw ay may kasamang iba
Tila ba sasabog ang dibdib kapag hindi ako umapila
Kaya pala kapag hindi mo ako pinapansin ay sakit ang nadarama

Kaya pala tuwing tutuksuhin tayo ng ating mga kasama
Ay hindi ako umaapila bagkos ay natutuwa pa
Kaya pala kahit sabihin kong wala itong aking nadarama
Ay kusang lumalabas sa aking mata na siyang nakikita ng iba

Kaya pala, kaya pala
Kaya pala sa buhay ko ay dumating ka
Dahil ikaw ang siyang sa akin ay magbibigay sigla
At siyang aking makakasama sa lungkot at saya

Kaya pala nakilala kita dahil mamahalin pala kita.

***MayWard Inspired na naman...

JAZ

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 04, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MayWardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon