Laban ng Magkakaibigan

376 28 3
                                    

Sa isang beauty pageant na hindi inaasahan
Kailangan kong ilabas ang aking kaalaman
Kahit sa ganitong bagay ay wala akong karanasan
Aking ipapakita na ako ay mayroong laban

Bandila ng Pilipinas ay hindi namin isusuko
Kasama ang dalawang kaibigan ko
Kami ay lalaban at susubukang ipanalo
Upang mapagtagumpayan ang task na ito

Kung motibasyon lang din ang paguusapan
Aba, iyan ang bagay na hindi kami mawawalan
Sapagkat para sa aming pamilya, kami lalaban
Upang matamo ang minimithing karangalan

Maliit na pageant man itong maituturing
Ngunit ito ay sadyang mahalaga para sa amin
Sapagkat maliban sa dito nakasalalay ang aming kakainin
Dito rin namin maipapakita na kami ay mayroong mararating.

-Maymay

A/N
Uulitin ko..ang mga tulang ito ay trip lang ng utak ko...Salamat! Enjoy reading and God Bless!!!

MayWardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon