Dahil Sa'yo

67 2 0
                                    

Sa pagkanta, sa sarili ay wala akong tiwala
Ngunit sa tulong mo ay lumabas ito ng kusa
Sa pagsayaw, hindi ko din ito ginagawa
Ngunit sa tulong mo, ito ay aking kinaya

Dahil sa'yo, sa sarili ay maraming nabago
Dahil sa'yo, lumabas aking mga talento
Mga talentong pinakatatago tago ko
Ngunit naibahagi sa marami, dahil sa'yo

Inakala kong lahat ay kakayanin ko na
Ngunit bakit sa task na bigay ni kuya
Kung saan kailangan ang pagsayaw at kanta
Tila ba ako'y naduwag at tiwala sa sarili'y nawala

Ngunit sadyang napakapalad ko
Sapagkat ikaw ay naririto sa tabi ko
Upang mahingian ng tulong mo
Sapagkat lumalabas lamang ang aking talento
DAHIL SA'YO

***E to MM

-Gleamorous aka JAZ

MayWardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon