chapter 3

8 0 0
                                    



Hindi lang guitarist at dancer ang crush ko may Dj din.

May 2014...

Isang kagawad ang mama ko kaya kailangang present siya sa okasyon. Fiesta kasi nun at may discong nagaganap. May multa kasing isang libo pag hindi. Pero ang mama ko'y di makapunta kasi may bunso kami, di pwedeng dalhin sa basketball court at baka magkasakit. At dahil 18 yrs old na ako , ako nalang daw ang tutulong dun sa basketball court at tutulong magprepare. Pagdating dun ako ang nag ayos sa mga mesa at upuan kasi wala pa yung ibang councellor, eh sa kaya ko naming gawin ang mga trabahong yun ay OK na ring ako ang gumawa. Until na magstart na ang disco.. 9pm na pasado, pinayagan na ako nina ate na sumayaaw kasi kaya na raw nila. Kaya ako naman na subrang excited nang sumayaw hala parang kakalabas lang ng mental sa excited. Di ko nga alam bakit gusting-gusto kung sumayaw, eh siguro feel ko kasi pag ganitong sayawan walang paki ang iba kahit anung sasayawin mo basta sumayaw ka lang.Tapos hinanap ko na ang dancer partner kung ka tropa. Pangalan niyay Gia.. si Gia, mas matanda ako sa kanya peropalagi kaming nagsasama sa sayawan. Sa disco, sumasayaw lang ako, hataw kung hataw, parang mga loka-loka kung baga. Iniinjoy ko lang ang pangyayari kasi after nito, next year pa ulit ako makakasayaw ng ganito. Kasi my permission pa na sumayaw, kung baga credited nina mama na sumayaw ako hehe.. walang problema. Tapos may papa pa akung napaka,,tsk, alam nyo yung napakamaraming bawal.

" Rayne! Tingnan mo nga yung DJ !Cute!" Gia, pasigaw dahil sa lakas ng music

Tumingin naman ako sa stage. Tama nga. Agree ako kay Gia, Cute at tsinito ang DJ. Pasayawsayaw ito habang nagmimix ng music. Gusto nina Gia na pumunta malapit sa may entrance ng barangay hall kasi dun banda nakaset up yung mixer. Eh sa game naman ako, dun kami sumayaw.

Then

" Oi Miss! May gustong makikisayaw daw sayo" sabi ng isang may edad na lalaki. Sa pagkakaalam ko parang crew ng mobile na enarkila . tiningnan ko naman yung tinuro nung lalaki. Ito yung lalaki na nag DJ kanina.Napangiti ako ng kunti at tiningnan ko sina Gia na kilig na kilig. May kasama naman pala siya at nagging partner ng mga bobang kasama .

Sumayaw kaming dalawa. Sa tingin ko bata pa to kasi sa mukhang totoy pa kasi pero amoy alak na. kahit ganun nakikisayawparin ako sa kanya. Gian daw ang pangalan niya. Nagtatanong siya ng mga personal questions minsan , nararamdaman ko yung init ng hininga niya pati amoy ng bear. At sa tuwing nagsasalita siya di ko masyadong marinig kayat nilalapit niya yung bibig niya sa teynga ko na nakikiliti naman ako. Hanggang sa hiningan niya ako ng number at ibinigay ko naman.Madali naman akung kausap eh. Kinikilig ako sa kanya eh sa nagging sa crush ko na siya, cute naman kasi. Na kahit sa pag-uwi ko ay kilig na kilig parin ako.

Palagi akung sinasabihan nila na swerte daw ako kasi nakapartner ko yung gwapo kagabi pero kahit kinilig ako, alam ko naming ang dami ng babaeng pina-iyak nun. Isa pa hanggang kilig-kilig lang ako di pwede yung mga boyfriend-boyfriend kung meron man, mag-aaral pa ako.

After few days, may nagtext saakin at nagpakilalang John. Nag-isip talaga ako kung sino at san niya nakuha yung number ko, di ko naman masabing yung kapartner ko ng sayaw eh Gian yung pangalan nun. Tinanung ko nalang siya kung san niya nakuha ang number ko at sinagot naman niya na kay Gian daw. Kaya pala, tsk... ang hinayupak na yung, nag-expect pa naman akung siya yung nagtext, di naman pala. Pati pa kapatid ko nadali sa kagwapohan ng Gian yun. Kaya nagka-minus points siya sa isip ko, kung baka naka less pogi points siya sakin kahit pogi naman talaga. Assuming naman ako, iba-iba lang trip diba. kala ko talaga si Gian na, umasa naman ako. Tsk..yun pala..:(

Mabait naman si John pero di ko matandaan talaga yung mukha niya. Nagging friend kami sa fb ni John. Nagtext si John.

[rayne, pwede ba kita maging girlfriend?]

Natatawa nalang ako sa sarili ko. Tanga talaga ako kung papatulan ko ang isang to. Sa text siya nanunuyo sa akin. Anung tingin niya sa akin? EASY? .. dahil sa may pagkamabait naman ako ng kunti, nag explain naman ako ng maayos . Di pa ako pwede, mag-aaral pa ako ng maayos. Kaya minsan lang kami ng tetext kasi paulit-ulit lang yung ag-uusapan naming eh. Tungkol na naman sa lovelife. Sabi niya mahal niya daw ako. Tanong ko naman, pano nagging mahal niya ako eh di ko nga matandaan yung mukha niya. Dahil daw sa maganda ako at maputi. Lakas ng tawa ko dun sa rason niya maganda raw ako. Bebot niya! Ako maganda? Tsk average beauty lang ako pero kung maganda naman eaaccept ko nalang . Minsan lang may magsabi na maganda ako. Tapos na LOVE AT FIRST SITE daw. Mas lalo akung di naniwala. Pinagluluko niya naman ako eh. Di talaga ako naniniwala sa mga ganun. Sa mga fairy tale at novels lang ang mga ganun.


May 15, 2015

One year after, grand Disco na naman. Dahil ang may-ari ng mobile ay related sa mga tao sa aming barangay, sila parin ang mobile na ginamit sa DISCO. Dahil dun, excited ako na magdisco, makikita ko na naman yung crush ko kuno. Kahit nasaktan ako ng konti ko nung nalaman kung may maraming girlfriend siya. Masasaktan naman seguro kayo kapag nalaman nyung may gf yung mga crush niyo. OO crush niyo, ako kasi di lang naman siya yung crush ko,dami ko kayang crush. Sa University ang dami dun, kadalasan dancers.

Nung nagstart na yung disco parang totally ayaw ko na sa kanya kasi nung lumampas ako sa kanya, di man lang ako pinansin. Kahit isang "Pssst!!" man lang wala. Kala ko pa naman natatandaan pa niya ako. Natandaan ko nga siya tapos siya nakalimutan niya ako kasi tumaba na ako. kahit di niyo aminin, gusto niyong mapansin kayo kahit kunti ng crush niyo pero hindi eh, di niya ako pinansin. Kaya hayun ayaw ko na sa kanya. Si John naman, sabi niya nandun daw siya eh walang dignal tapos di ko dinala cp ko kaya di ko alam kung saan siya. Kahit ganun yung nangyari dami ko naming nakilala. Tapos nung mga 4am nan g umaga may ibang pumalit na DJ, tapos pinuntahan ko yung DJ sa ibabaw at nagrequest ng Doggy.

Kahit ganun ang nangyari di naman ako nauubusan ng mga crushes, dami pa naman kaya papasok sa campus kinikilig kasi dami kung crush add ko pa yung makukulit kung mga classmates.

Sa bakasyon, adik lang ako ng ebook, sumasakit na ang mata ko sa kakabasa ng ebooks. At may mga textmates din ako dun, mabuti nay un may tao sa inbox ko kahit papano. Dahil sa textmates din dun ko nakilala si Ninyo. Yung pinsan ko , di man lang nagpaalam sakin na ibibigay yung number ko sa mga pinsan niya, dun kai Ninyo at Leo. Nagging magkaibigan kami sa text. Sabi naman ni mama na palagi akung sinisita sa kakatext na alangan naman dawng awayin ako sa text. Natural daw na maganda ang ipapakita sayo. Tama naman si mama. May nagtext saakin na at nanghingi ng fb account, Jerome daw ang pangalan. Nagbigayan naman kami , tapos spinagkamalan pa akung anak ko yung baby na hawak ko. Hawak ko naman kasi eh, pero bunso naming yun. Kasama din siya sa Mobile.

Hangang umabot sa gusto na naman ni Ninyo na maging maging kami. Tapos dating gawi explain na naman ako at mabuting maging good friends nalang kami. Marmi siyang pinakita saking side niya tapos maalalahanin siya. In overall score pasa na pero di parin pwede . sabi ko pag tapos na ako sa pag-aaral, pag nakagraduate na ako. Sabi naman niya, welling daw siya maghintay sa akin. Sabi ko naman edi eprove niya na kaya niyang maghintay. Ganun naman seguro ang mga lalaki kapag feeling nila na wala silang mapapala kusa silang bumibitiw.



STORYTELLERWhere stories live. Discover now