Habang nasa highschool, dami mung mga bagay na kinababaliwan at katangahan. Sa kapanahunan ko, may tatlo akung bestfreinds, para tawagin kaming F4, di naman sa magaganda kami. Hahaha, feeling ko naman na maganda, di nga nagkagusto si Guy number one sakin. Maganda my face, pero sabi nga nila "ang lahat na gawa ng Panginoon ay magaganda" therefore, maganda ako, maganda kami, wala ng kukuntra pa.
Sila ang kasamahan ko sa katangahan ko, eh sa may puno ng sampalok sa gilid ng room, palagi kami dun umaakyat. Kahit mga babae, kayang-kaya naming akyatin ang sampalok. Kikiligin paminsan kasi nakikita ako ni Anthony at sasabihing " ASTIG ni Rayne, hindi maarte kasi nakaka-akyat" saying-saya ko naman, sagad hanggang atay. At ito namang bestfriend ko may pinagsasabi naman...
"ASTIG ni Rayne, hindi maarte kasi nakaka-akyat...........parang ONGGOY!" kaibigan ko naman sana tong si Rachelle, tinitira pa ako. Pero OK naman, masaya naman ako pag kasama ko sila.
Isa sa pinagkakasunduan naming ay nanunuod kami ng presentation tuwing may program sa school, magkakasama talaga kami kasi may inaabangan kaming presentation. Marunong naman kasi ako sumayaw, (konte) kaya inaabangan naming ang gwapo kung Crush na isang dancer sa isang hip hop group. May time na nagpresent sila at sa huling part nagtumbling siya pero natapon ang sapatos niya. Nakakatawang part yun, isipin niyo bang natapon ang sapatos tapos, ah basta, nakakatawa ... dahil dun, di lang ako nagkacush sa kanya pati si Jean, kaya nagtatanung kami kung sino at ano ang pangalan nung idol namin. Para kaming mga stalker, nalaman naming isa siyang first year colledge pero di kami sure kung anung course niya basta under siya College of Education and Allied Sciences, baka seguro Computer Science ang couse niya. Kilig na kilig kami kapag, nakikita na naming si Mark pag nagprapractice sa PE Room, nasa highschool building kasi ang room na yun. Pero nalaman ko rin na may girlfriend na pala siya, 3rd year College, isang education... masakit mang tanggapin pero, bagay sila kasi maganda yung babae. Eh , kahit na. OK lang naman seguro, crush lang naman diba?
Pero , pinaglalaruan seguro kami ng tadhana,
May cellphone, na pinaglumaan ang ate ko, kaya binigay niya saakin, pero wala akung sim card. Wala naman akung pambili kasi mahal rin kasi yun smart na sim, 30 pesos yata. Pero ang auntie ko, may simcard siyang hindi nabinta, pero red simcard hindi smart. Ok lang naman basta lang magkasim ako at gumana na yung cellphone na binigay ng ate ko. Ok na daw gamitin ko kasi di na pweding ibinta kasi expired na December 2011, eh May 2012 na pero wala namang masama kung magtry diba? Eh sa gumana ang sim, ang saya-saya ko nun. Tapos may unli txt pa, edi nagtxt naman ako, pero wala naman akung matxt na kaibigan eh puro smart ang ginagamit ng mga kaibigan ko. Naisipan kung yung huling digit ng number ko, papalitan lang ng ibang number 0-9. Kaya naghintay naman akung may magreply. Pero wala Eh.. kaya natulog nalang ako. 4am ng umaga nagising nalang ako, kasi may biglang tumawag. Napaupo naman ako agad,excited kun sinong tumawag, kinikilig baka gwapo at pwedeng maging boyfriend . ambisyosa naman kasi ako kaht bawal, eh sa kinikilig ako. Nang magsalitta sa kabilang linya, nasa early 20's ang boses, parang gwapo naman ang boses, edi kinilig ak dun.
"Sino to? San mo nakuha ang number ko?"
"Pasensya napo, nagsend kasi ako sa lahat ng number katulad nung saakin tapos pinalitan ko lang ng last number."
"Ah, ganun bah" at pinatay
Ako naman nakangiti kasi kinikilig parin kasi lalaki. Parang tanga lang.
Hanggang sa nagtxt na siya at tinanung kung san ko nakuha ang number niya. Parang may dilis din ang utak niya ano diba sinagot ko na siya. Hanggang tinanong na niya kung anung pangalan ko, at tinanung ko naman siya. Sinagot ko naman yung tutuo, honest kaya ako. Mike daw ang pangalan niya. Kala ko taga Cebu siya. Sa Bohol lang din pala, eh taga bohol lang pala. Tinanung ko kung san sa Bohol eh, sagot niya sa Batuan, eh Sa Bilar ako eh. Magkatabi lang pala kami ng lungsod , isang sakayan. Kilig na kilig naman ako, baka si true love nato. Hanggang nalaman kung mas matanda siya sakin kaya nagkuya nalang ako sa kanya, so friends na kami. Saya ko naman, diba friends na kami, malapit na maging boyfriend.
Habang nanunuod ako ng tv, may nagtxt sakin. Tiningnan ko naman yung cp ko, baka si kuya na, kilig naman ako pero ibang number. Sabi sa txt "pwede makipagFriend?" ako naman nagreply sa txt, "oo, naman, Pwede" . naka X pa ang kilay ko kasi naman eh, sino bang may alam sa number ko eh kababago ko pa ngang gamit. Hangang nagpakilala siyang...
BOYFRIEND NI KUYANG TEXTMATE KO!!!
Parang nanakawan ako ng puto sa nalaman ko, kala ko pa naman true love ko na.. kilg na kilig ako,, pero Ok lang atleast di boring kasi may katxt na kuno ako. Pero nung pauwi ako sa amin, habang naglalakad. Tanung nyo naman bakit naglalakad? Kasi sa kasamaang palad, walang perang pamasahi ng motor, mahal kaya yon. Kaya naglkad nalang ako. Marami kaming pinagkwentohan ni ate, ate na ang tawag ko sa kanya eh sa kuya ang tawag ko sa Boyfriend niya. Ok naman siya mabait. May pinasabi pang , pwede tayong magkita sa campus, nalaman niya kasing magfifirst year college ako. Malamang nasabi ko diba.. tapos hanggang dumating kami sa topic na, anung kurso ni kuya, baka daw nakita ko na siya. Nagexplain naman si ate na nakita ko na raw si kuya . sa isip ko naman bakit ko naman kilala na si kuya eh, di ko nga nakita eh. Sai ni ate, Siya yung kasali sa dancegroup na sikat sa campus yung DAPLACER, yung nag tumbling na lumipad yung isang sapatos. Edi lumaki ang mata ko sa nalaman. Napaupo ako sa kalsada, kilig na kilig, di ko nga alam bakit ako kinilig, natatawa at parang tanga. Hawak hawak ko ang bibig ko at nagtitili. Di ko inaasahan na si kuya pala na kala ko true love ko at ang crush kung si Mike ay iisa.
Kahit ganun, nalaman kung taken na si Mike, Ok lang may connection naman kami, nagtetext kami paminsan. Pero pagnagtetext siya, katxt ko naman si Ate gf niya, bantay sarado eh. Akalain mob a naman. Nagkikita kami sa School, kikindatan niya ako, naakagwapo talga. Magkasama sila ni ate, ngingiti nalang ako, AWKWARD eh.
Yung minsan di ko makalimutan nung sinamahan ko ang classmate ko sa PE room naming nung highschool kasi may practice siya. Kilala kasi kami dun dahil dun kami naghighschool nun, tapos kasali kami sa dance Troup ng school. Tapos pagdating naming dun, nandun pala si Kuya Mike, napakalikot niya, parang bata, pero ang galing niya talagang sumayaw, nagpapractice din pala siya dun. Tapos, lumapit siya sakin at tinuro ang upuan , nakatayo lang kasi ako. "dun ka umupo oh, sasakit yang paa mo." Nakangiti lang ako, sa kaluob-luoban ko naman, kinikilig . "Ang cute mo talaga" sabay kurot sa dalawang pisngi ko, sabi niya nakakagigil daw, parang bata. Mataba kasi ang pisngi ko, kasi mataba ako..pero di ako mataba, chubby lang. hehehe, pero kinilig talga ako to the max na parang iniemagine ko yung kaluluwa ko na nangngisay sa kilig.
Minsan din yung new year nag greet ako sa kanila tapos nagreply siya at naggreet din siya sa akin,,, hahahah,, parang tanga lang kasi alangan namang di siya magreet sa akin eh naggreet ako sa kanya.. nilagyan ko lang ng malisya. Pag nagkasalubungan kami sa covered walk ngingiti lang ako siya naman kinikindatan niya ako. Di parin nawawala ang kilig.. Pero naggraduate si kuya nung 3rd yr college ako..
