chapter 4

8 0 0
                                        

June 2015

3rd year college ako, nag confess naman ng feelings ang classmate ko. Diba ang haba ng buhok ko, di ko nanga masuklay. Natatawa nalang ako, di naman ako kagandahan. Medyo mabait naman ako, pero di ko alam kung anung nagustuhan nila sakin. Tapos pinakamasklap nito sabi niya, nagkagusto daw siya saakin matagal na. Ako naman na parang timang kinilig naman ako. Kasi naman eh, crush ko kasi rin siya. Matalino kasi siya at kami ang palaging magkapartner. Palagi kasi kaming kinakantyawan ng mga kakalase naming na bagay daw kami pati nga mga instructors naming nakikisali rin. Game naman kasi ako eh sa crush ko siya, gusto ko rin ang feelings, heheheh. Nalilink kasi kami, diba parang showbiz lang. Magbestfriend kami talaga or kapatid nalang para mas madali ah basta close kami. Napakalaking rason na di ko masyading dinidibdib at sanay lang eh kasi related kasi kami by blood. Bale magka third degree kami by blood pero pag by surname hindi na kasi anak siya sa pagkadalaga. Kaya kahit ganun di pa pwede.

Habang nagcoconfess siya nasasaktan ako kasi kahit papano alam kung crush ko siya matagal na di lang kasi pwede dahil related kami. Ang masaklap ay magnubya sila ng first cousin ko at bestfriend ko pa. Nag explain naman siya kung bakit nangyari yun, ang plano daw talaga kakaibiganin nya yung cousin ko para mas mapalapit kami. Pero sila ang nagkalapit. Di naman ako naniwala sa kanya, kasi kung talgang mahal niya ako dapat di niya nagging gf yung cousin ko. Kahit ganun sabi niya ipapakita niya na ako talaga ang mahal niya. Para akung tanga kasi ang iniisip ko ang side ng cousin ko, para siya ginamit lang at yung kala niya totoo sa kanya ay di pala. Di naman ako masabihan ang cousin ko eh kung magtanung kung sino, alangan naman sasagutin ko ng AKO. Sabi ko nalang sa kanya na alam kung mahal niya ang pinsan ko. Pano nagging sila kung di pa niya mahal diba. Sabi ko pa na kung magkaproblema sila o saktan niya ang pinsan ko , makakatikim siya saakin.

Pero kahit ganun ang sinasabi ko, pinakikilig parin niya ako. Ako naman itong tanga kahit alam kung mali ay naapreciate ko ang mga ginagwa niya. Kahit simpleng hawak ng kamay at mga jokes niya, benta benta parin sa akin. Diko mapigilang mahulog sa kanya. Sa mga bagay gaya ng yakap, sabi niya ako daw ang first hug niya. Siguro , talagang ang dali ko lang maluko at ang babaw lang ng kaligayahan ko. Sabi pa niya, ok lang daw kasi wala naman daw paki sa kanya ang pinsan ko. Ako naman unti-unti na talagang nahuhulog sa kanya. Kaya nung parang may malaking away sa pagitan nilang dalawa, nakapag decide ako na kailangan ko na talagang ayusin ang pag-iisip ko. Bumalik na naman ako sa textmate hobby ko.

August 26, 2015

Intramurals, tapos may beauty pageant " Mr & Miss Intrams". Mobile na naman nung ginamit sa barangay namin ang ginamit . kaya alam kung nandun si John. Kaya nag group message naman ako kasama na yung mga katext ko na staff nung mobile. Nagreply naman si John at yung Jerome yung pangalan. Si Jerome, di ako ang nagsave ng number niya sac p ko kundi yung pinakamagaling kung kapatid. Kaya ang kilala niya lang yung kapatid ko. Tapos hayun gusto niya makipagkita. Tapos itong si classmate ko siya ang maghahatid sa akin sa boarding house. Sabi ko kay classmate na maghintay muna siya sa puno ng mabulo malapit sa gym for 5 minutes kasi mai ememeet ako. Ito namang si classmate pinipilit niyang sumama. Gusto daw niyang Makita kung sinong Judas ang kikitain ko, kung makaasta parang kami.

Dun sa gilid ng gym sa campus daw kami magkita, tapos itong magaling kung classmate nakabuntot sakin. Ako naman, kailangan kung magtino dapat may happy momments din ako, di lang sila, palaging ako nalang ang wala. Kaya nakapagdecide talga akung makig meet sa Jerome na katxt ko . At dun nagkita kami ni Jerome. First Impression? Tall, dark and handsome. Iba yung beauty niya, di tulad ng type guy kung tsinito at maputi. Nakangiti siya sakin at inabot ko ang kamay ko sa kanya para makipagshakehands. At dun nagpakilala siya at nagpakilala rin ako. Tapos wala na akung masabi after kaya sinabi ko nalang uuwi na kami. Tumalikod ako agad kasi nahihiya ako sa kanya. Napalingun naman ako agad eh ang gwapo kung classmate ay nagpakilala rin pala kay Jerome, d ko alam kung anung pinagsasabi niya basta nakita ko nalang na nagshakehands nalang sila. Kaya binilisan ko nalang ang paglalakad ko at para maka uwi.

Sa daan, sabi ni classmate, interesado ba daw ako sa lalaki na nakameey ko, eh mas gwapo pa daw siya. Sabi ko naman , ano ba ang pinagpuputok ng butche niya eh di ko naman siya bf. Sabi naman nya , wala daw siyang paki basta ayaw daw niya sa lalaking yun para sa kin. Sino ba siya? Tatay ko?. Sabi naman niya, kaya nga daw sinamahan niya ako para daw masulo niya ako, parang tanga talaga siya.

STORYTELLERWhere stories live. Discover now