Kinabukasan , nagtetext kami ni Jerome, parang tanga katxt. Pero kahit walang mga silbi ang pinag-uusapan, natatawa ako at ang bilis ko makapagreply. Kahit san na dumating ang pinag-usapan namin. Tumawag siya, sabi niya sakin, parang bata daw ang boses ko. Tamang-tama daw sa hight kung pangbata. Walang hiya talaga. At bglang ibang number ang tumawag, kala ko kung sino na, si Jerome lang pala nakitawag lang sa kaibigan niyang si Arman kasi naubusan siya ng load. Pinag-usapan naming yung tungkol sa mga girlfriend niya. Napaka checkboy talaga, akalain mung at the age of 18 may 16 na siyang nagging gf?. Tsk .. di ako makapaniwala, eh sa tutuo daw yun eh. Kaya daw ganun kasi siya daw ang niluluko at iniiwan ng mga babaem ang ginawa lang naman daw niya eh ay ang magmahal. Tanong ko nga? Maniniwala ba ako sa pinagsasbi niya? At ang tuno pa talaga ng boses niya ay parang nang-aaway pero natural sa kanya yun, ganun lang talaga ang tono ng pananalita niya.
Sa isip ko , magkatulad lang sila nina, Ninyo, Leo at John kasi magkakilala sila. Sa sarili ko naman, sa tingin ng ibang tao kung malaman nilang magkakilala sila at magkakabarkada, baka ang pangit na ng tingin nila sakin. Eh , kasalanan ko ba namang makilala sila, di ko naman alam na, magkalapit lang sila ng bahay oh kung ano, ang gusto ko lang naman ay may maging kaibigan ako at makausap.
Nagkakilala din kami ni Arman, kasama din siya sa mobile. Mabait siya, parang kuya type. Lumipas ang ilang araw palagi na kaming nagtetext ni Jerome at ni kuya Arman. Eh kasi naman mas matanda si Arman sakin, kaya nagKuya nalang ako. Kahit anung pinag-uusapan at kahit san mapunta.
Si Jerome, magaan ang pakiramdam ko sa kanya kahit alam kung wala sa kanya ang mga tipo ko sa isang lalaki. Kahit naman sino siguro, may ganun, di naman sa pagka-ambisyosa. Kapag katxt ko siya, palagi lang natatawa at kinikilig, eh kasi naman bentang benta sakin ang mga jokes niya kahit , basta diko ma-explain. After a month, may sinabi si Jerome na pwede ba daw niya akung maging gf, pero ang sagot ko hindi. Ayaw ko pa kasi, nag-aaral pa ako tsaka, ayaw ko ng mga commitment at magagalit si papa. Pero kahit na ganun, nagcocommu parin kami ni Jerome, paulit-ulit siyang nag-aatempt na manligaw pero ang sagot ko talaga ay hindi. Kahit sa kaloob-looban ko ay gusto ko talaga, pinipigilan ko lang ang sarili ko na pumasok sa mga ganyan. Parang tanga lang ako, kasi sa panahon na hindi pa siya nanligaw, hinihintay ko na manligaw siya sakin tapos nung nanligaw na di ko naman siya sinagot. Diko nga maintihan ang sarili ko basta pag-aaral muna ang nasa isip ko.
After a week, paarang napansin kung di na kadalas sa dati magtxt sakin si Jerome, ako naman hinihintay ko talaga ang mga txt niya. Ito naman si Kuya Arman, palagi namang nagpaparamdam, eh sa minsan na magtxt si Jerome, kami ni kuya ang nagtetxt. Masarap naman kausap si kuya kasi feeling ko napaka bait niya.
Hanggang sa nalaman ko nalang na may gf na pala si Jerome,nalaman ko kasi nasabi ni kuya. Ang masaklap pa kilala ko ang babae kasi taga samin lang. di ko maintidihan ang sarili ko kasi akala ko di ako masasaktan pero bakit ang sakit. Nagselos ako, wala naman akung karapatang magselos, ako naman ang may kasalanan kaya naghanap ng iba si Jerome eh binasted ko siya. Pero ang sakit parin isipin na may mahal na siyang iba. Nagsumbong naman ako kay Kuya, sinabi ko sa kanya ang tunay na nararamdaman ko. Sinabi ko na may gusto ako kay Jerome, na nasaktan ako nang nalaman kung may gf na siya.
Sabi naman ni kuya, hayaan mo na siya, kung mahal ko siya, hayaan ko daw siya kun san siya masaya. Tama naman si kuya, kaya si kuya na ang palaging kausap ko, kahit si Jerome ang topic naman. Nalaman ko na si Jerome daw, minsan lang umuuwi sa kanila, palagi daw nag-iinum at didaw tumutulong sa bahay nila kahit naghihirap na ang mama niya. Mama lang daw ni Jerome ang nagtataguyod sa kanila. Ako naman, bakit ko naman pag-aksayahan ng panahon ang mga taong tulad ni Jerome e may marami namang nakakalamang sa kanya. Pero kahit anung gawin ko, iba parin ang tibok ng puso ko pag si Jerome ang katxt ko.
After a week, nagtxt si kuya na gusto niyang magmeet kami, kasi di niya pa kasi ako nakikita sa personal. Sa fb niya lang ako nakita. Sumang ayon naman ako sa plano ni kuya. Nagkita kami ni kuya sa mall , kasama ko naman ang bestfriend ko na si Rachelle. Masarap kasama si kuya, natatawa ka at mapera, hehehe.
