Kat was hailed as the best dressed for tonight. Pak na pak ang rampa ng lola mo! Feel na feel ang pagka-panalo. We cheered for her, and we're really proud. She's vain and she loves the attention, kaya alam naming masayang masaya sya sa pagka-panalo nya.
"And for our next award for tonight... the prom prince and princess, of course coming from the junior batch." Sabi ni Ma'am Winona.
"For sure ikaw na 'yan Ronnie!" Sabi ni Hanna.
Of course we are certain about it. Sya naman kasi talaga ang pinaka gwapo sa batch namin eh. No bias. We're not too close to the stage, tama lang. Tumingin kami lahat kay Ronnie. Umiling sya na parang ayaw na ayaw nyang maging prom prince. He's always like that. Very humble. Ayaw talaga nya ng too much attention dahil sa kagwapuhan nya. (I just don't know bakit sa'kin over confident sya na ang gwapo nya.)
Medyo natawa ako. I still carry the kilig caused by our midnight romantic dance.
"Hindi ako 'yan. Ang dami daming mas magandang damit dyan o." Sabi ni Ronnie.
"Pa-humble pa!" Sabi ni Hanna.
"For our prom prince and princess..." Napatingin na ulit kami sa stage. We saw how Ma'am Winona roamed her eyes at the whole crowd, and stopped and smiled at our direction. Alam na.
"See!" Sabi ni Hanna kay Ronnie.
"Ikaw na 'yan bro." Sabi ni AJ. Sabay tawa. Ayaw na ayaw ni Ronnie ng ganito.
Napayuko tuloy si Ronnie at medyo kumukuba. Ang cute nya talaga!
"Our prom prince and princess for tonight are...Ronnie Alvarez from third year-Politeness!" Announce ni ma'am.
Nagtawanan kami. Napa-upo nalang kasi si Ronnie sa frustrations nya. Chini-cheer namin sya pero sya inis na inis lang. Ayaw pang tumayo, hinihila na nila AJ.
"Huy! Buy tumayo ka nga dyan!" Sabi ni Tom, sabay tawa.
"Argh! Ba't ba kasi ako!?" Bwisit na bwisit sya nung tumayo sya. Ginulo-gulo pa nya buhok nya sa frustrations. Eh kahit ano namang paggugulo nya don gwapo pa rin sya eh.
"And Love Lyn Tolentino from third year-Humility!" Dugtong ni ma'am.
W T F ?
Nanahimik kaming Aces at lahat sila nagtinginan sa'kin. Pati sila AJ, Harrold, at Tom. At syempre si Ronnie na natigilan rin sa pagmamaktol at dahang dahang lumingon sa'kin.
"Ha?" Sabi ko.
"YIEEEE!" Hiyawan nung iba naming kaklase at kaibigan.
Napatingin ako kay Brenda, na unti unti nang ngumingisi at inaasar ako sa tingin palang nya. Nanlaki naman mata ko.
Totoo ba yung narinig ko? Pangalan ko ba 'yun? Or parang nagiilusyon lang ako na ako 'yung tawagin ni Ma'am Winona? Whaaaaat?
"Our prom prince and princess, may we request you to come up here on stage?" Sabi ni Ma'am Winona sa mic. "Ronnie Alvarez, and Love Lyn Tolentino."
Tumingin ako kay Ronnie na nakatitig pa rin sa'kin. Hindi ko mabasa 'yung tingin nya. Ayaw ba nya? I don't know!
Tapos bigla nalang may tumulak sa'kin kaya napa-tabi ako kay Ronnie. Hindi ko na talaga alam ire-react ko. Kaya napakamot nalang ako ng ulo, at medyo napa-ngiwi. Umiwas nalang ako ng tingin, tumingin sa lapag, at titingin na dapat sa mga kaibigan ko sa kabilang side... nang makita ko yung kamay nya sa harap ko. Pag tingin ko ulit sa mukha nya, nakangiti na sya sa'kin.
"Tara?" Sabi nya.
Nakatitig lang ako sa kanya for a moment... hanggang sa magtilian sila Brenda at Chubs sa likod ko. Pag lingon ko sa kanila, hala, nangingisay na si Brenda.
BINABASA MO ANG
Hayskul!
Teen FictionFirst year, first day, first crush, first love, first heartbreak, first suitor, first boyfriend. Ito ang isang dahilan kung bakit nagiging memorable ang high school life natin, dahil sa mga bagay na nagsimula dito. Mga firsts na hiniling at inasahan...