Hayskul! (02)

23 0 0
                                    

Tumakbo ako nang mabilis palabas ng simbahan, patawid, at papunta sa Dunkin' Donuts sa tapat ng school. Nandun na sila Chubs, Hanna, Kat, at Ika. At as usual dinadasalan na naman ni Brenda ang lahat ng madaanan nya, late na naman sya. Umupo agad ako at huminga nang malalim sa sobrang hingal.

"Ba't ka ba tumakbo?" Tanong ni Hanna.

Hindi ako sumagot. Shet. Ba't nga ba ako tumakbo? Ah. Kasi pag labas ko ng simbahan, nakita ko si Ronnie at si AJ na papasok na ng school. Nung nakita nila ako, tinawag ako ni AJ at nag-hi. Tapos si Ronnie... nginitian ako. At ayon, bigla na akong tumakbo. Ang obvious ko di ba! Argh!

It's the exact same thing that happened three years ago, nung first day ng first year high school namin. Ang kaibahan lang ngayon, kasama nya si AJ, at first day naman namin sa fourth year. And we're closer now.

"Ha? Wala. Wala." Sabi ko.

"Pa'no, nakita nya si Ronnie." Dumating na finally si Brenda. Inirapan ko sya. "Ikaw ha. May gusto ka pa rin kay Ronnie 'no?"

"Hoy! Hindi ah!" Deny ko. "Nagmamadali ako... kasi gusto ko munang bumili. Oo! Tama." Sabay tayo ko at lapit sa counter.

No, Love. No! May Anne na si Ronnie. Tumigil ka na sa ilusyon mong magugustuhan ka pa nya. Yung prom nung February? Sinayaw ka lang nya dahil wala ang girlfriend nya, hindi dahil gusto ka talaga nyang isayaw. Okay? 'Wag kang magilusyon! Nako!

Pagka-bili namin, umalis na rin kami. Routine na namin 'yon since mabuo kami. Magkikita-kita kami sa Dunkin' Donuts thirty minutes before bell. Tapos tsaka kami sabay sabay na papasok. Kaya every morning din kaming nakahilera sa quadrangle dahil pag bell na, obligado kaming huminto for the flag ceremony.

By the way, we call ourselves Aces. Actually hindi naman kami ang nagsimula nyan. 'Yung adviser namin nung second year kami. Pag magkakasama daw kasi kami, we excel together. Kahit daw may pagka-pasaway kami, we still accomplish acads properly. At kahit hindi acads, kahit mga extra-curricular activities. Well I must agree to that. Hindi lang naman kasi kami sa kalokohan nagkakasundo-sundo eh. At solid kami since first year high school, walang naiiba ng section.

Medyo maaga kami ngayon, first day of our last year in high school. Bagong buhay! Charot. As if. Tuwing first day lang 'to. Nagtatawanan pa kami sa hallway at bumabati sa iba naming friends. Until we reached our classroom. IV-Wisdom.

Nauna nang pumasok si Ika, kasabay si Hanna. Tapos nauna sakin si Kat, then ako. At akala ko, bumalik ako sa first day ng first year ko.

Three years ago, pag pasok ko ng classroom namin, I-Loyalty, sya agad ang una kong nakita. Nakaupo si Ronnie sa desk ng armchair. Katawanan nya ang mga kaibigan nya habang nagpapalamig sila sa tapat ng aircon. Napalingon sila sa gawi namin since kakapasok lang namin ng classroom. 'Yung smile na 'yon, 'yung smile na nakapagpa-bilis ng tibok ng puso ko nung umaga ring 'yon.

At ngayon, three years after, umuulit ang lahat. Pag pasok ko, nakita ko yung grupo nilang magkakaibigan na nakakumpol sa tapat ng aircon. Napalingon sila samin. At 'yung smile na 'yon na wala manlang pinagbago, walang pinagkaiba sa smile nya three years ago.

De javu? Hindi. Reality 'to--"Aw!" Shit. Bigla akong tumama sa teacher's table. Nilingon ko kung sino ang walang hiyang tumulak sakin. "Chubs!!!"

"Ano? Tinulak lang ako ni Brenda o!" Sabay turo nya kay Yuri sa likod nya na tumatawa.

"Kung san san ka kasi NAKATITIG eh!" Sabi nya. Nahuli na naman nya akong nakatitig kay Ronnie.

Hindi na ako sumagot at dumiretso nalang sumunod kila Hanna. Na how could I ever forget syempre tatabi sya kay Harrold na boyfriend nya na kaibigan ni Ronnie na nakaupo nga kasama sila. Napa-buntong hininga nalang ako at umupo sa pinakadulo na medyo malayo kay Ronnie.

Hayskul!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon