Hayskul! (03)

28 0 0
                                    

"Good morning, Love! Aga natin ngayon ah?" Bungad ni Ronnie pag dating nya.

"Wala kang pake." Sabi ko sa kanya. Kinuha ko yung earphones ko at nakinig nalang ng music. Nasa labas ang iba kong friends, nakatambay sa hallway. Aaminin ko, gusto kong mas madalas na mag-stay dito sa upuan ko. Kasi seatmate ko si Ronnie, at umaasa akong ganun din sya.

Hinahanap ko pa sa playlist ko yung Ako'y Sa'yo, Ika'y Akin, nang may humila sa earphones ko.

"May tatanong ako." Sabi ni Ronnie.

"Ano?" Masama ang tingin ko sa kanya.

Nginitian nya ako. Tapos hinawakan nya yung noo ko, na parang minamasahe. "Bakit ba palaging nakakunot noo mo tuwing kausap mo ako? Tsaka, hindi ka ba nahihilo kakaikot nyang mata mo tuwing nakikita mo 'ko?"

Kung alam mo lang! Hinawi ko yung kamay nya. "Ano ba!"

"Love Lyn. Akala mo ba hindi ko napapansin? Mula nung prom nung February lalo kang sumungit sakin ha. Ano bang kinakainit ng ulo mo sakin?" Tanong nya.

What! Hindi ako nakasagot agad. Hindi ko alam kung paano ako sasagot. Bakit daw? Kasi... mas lalo akong nahuhulog sa kanya. Lalong lumalalim yung nararamdaman ko para sa kanya mula nung gabing 'yon. At ayoko lang ipakita yon. Kaya tinatago ko yung nararamdaman ko sa pamamagitan ng pagsusungit sa kanya.

But of course I can't tell him that.

"Ano?" Sabi ko. "Eh, ganito din naman ako sa iba ha? Kay Tom, kay AJ. Wag kang feeler. Hindi lang ikaw nakakairita sa mundo."

"O! Wag kang sinungaling!" Sabi nya sabay tusok pa nya sa bewang ko.

"Aray! Ano ba!" Hinampas ko naman sya sa braso.

"O, nanananching ka na!" Sabi nya.

"Ang kapal ng mukha mo! Sino satin nanananching? Ikaw 'tong nanunusok ng bewang."

"Asus!" Sabay tusok na naman nya sa bewang ko.

"Ano ba! Don't touch me!" Sigaw ko sa kanya. "Tumigil ka na ha. Wala ako sa mood."

"Ayoko~" At tuloy pa rin sya sa panunusok sa tagiliran ko. "Sagutin mo muna tanong ko. Ba't ka masungit sa'kin? Siguro crush mo 'ko 'no?"

Natigilan ako dun. First time nyang sinabi 'yon sa'kin. Napatitig ako sa kanya for a while, pero nabawi ko agad. Professional na ako sa pagtatago ko ng feeling 'no!

"Grabe! Wow!" Umarte pa akong hindi makapaniwala. "Sobrang kapal talaga ng mukha mo, e, 'no? San mo nakukuha 'yang confidence level mo? Ang taas e!"

"Ikaw, san mo nakukuha 'yang galing mong umarte? Ang galing mong magpanggap na hindi mo 'ko crush e." Sabi naman nya.

Wow! "Ronnie Alvarez. Gwapo ka sa mata ng iba, pero sakin hindi. Okay?" Sabi ko sabay walkout. Hindi ko na kaya! Pa'no nya nasasabi sa'kin 'yon! Hindi sya aware sa kaya nyang gawin sa puso ko. Nakakainis!

Lumabas nalang ako at pumunta sa mga kaibigan ko sa hallway.

"Love Lyn!!!" Hala. Nasa may stairs pa sila Brenda at Chubs rinig na rinig na namin mga boses nila. Tumatakbo sila nang bonggang bongga sa'min.

"Anong meron?" Tanong ni Ika.

"May chismax akez!!!" Sigaw ni Chubs.

"Wag kang maingay!" Tapos nagulat si Brenda nung bigla ding sumulpot si Ronnie. "Uy Ronnie. Hi."

Tinanguan naman ni Ronnie si Brenda. Tapos tumingin sya sa'kin. "Hoy, hindi pa 'ko tapos sa'yo." Sabi nya.

Hindi ko sya pinansin. Kunware wala akong narinig. Kitang kita ko sa mukha nyang napikon sya. Hahaha. Ang cute mo, wag kang ano dyan! Baka hindi ko na naman mapigilan yung kilig ko.

Hayskul!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon