Hayskul! (01)

52 0 0
                                    

Tandang tanda ko pa bawat segundo ng sandaling 'yon. June 26, 2011 first day ko sa first year high school. Kalalabas lang namin ng mommy ko sa simbahan. Nakita ko sya, naglalakad papunta sa gate ng school namin na katabi lang ng simbahan. Dumaan sya sa harap ko, at nginitian nya ako. Huminto ang mundo ko. Nasa kanya lang ang focus ko. Rinig na rinig at ramdam na ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko. Para akong nawala sa sarili ko. Hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko. Para akong sasalang sa declamation contest at magpe-perform sa harap ng maraming tao.

Hindi ko maintindihan kung ba't ganon. Unang una sa lahat, batch mates na kami grade school palang kami kaya hindi 'yon yung unang pagkakataon na nakita ko sya. In fact, crush pa sya nung best friend ko noon. Palagi akong hinihila ng best friend ko para silipin sya sa classroom nya. At wala akong pake noon. Pero bakit biglang nagkaganito? It's like he's a whole stranger to me at na-love at first sight ako--ANO KAMO, LOVE LYN? Love at first sight? Hah.

Umiling ako nang malala na feeling ko na-sobrahan pa kaya tumunog yung buto ko sa leeg. Hinawakan ko yung leeg ko tsaka 'to medyo minasahe sa gilid.

"Huy, Love, okay ka lang?" Natatawang tanong ni Ika, kaibigan ko.

Napatingin rin ako sa dalawa pang lalaking kasama namin sa table. Sila Ronnie at AJ. Napatingin rin sila sakin at medyo natawa pa. Parang timang naman kasi ako eh. Bigla nalang akong parang baliw na umiiling dito. Maka-iling pa, wagas! Agh!

"Ha? Ah... Oo!" Awkward kong sagot sabay iwas ng tingin, lumingon nalang ako sa iba pa naming mga kaibigan na nagsasayaw sa gitna.

Sakto naman, nag-bago yung music from EDM to love song real quick! Pinanuod naming mag-hiyawan yung iba naming mga kaibigan don. Si Harrold automatic namang hinila si Hanna for a romantic slow dance. Habang pinagtutulakan naman nila Chubs si Kat kay Tom. Natawa nalang ako kasi inaasar talaga nila yung dalawa. Habang si Brenda naman ay sapilitan nang hinila si Chubs para isayaw sya.

"Ayoko nga sabi! Bahala ka sa buhay mo." Napalingon ako kay Aiko na narinig kong nagrereklamo. Nakatayo si AJ sa gilid nya at inaaya syang sumayaw.

Natawa ako. "Go na, Ika! Hahaha."

"Maranasan mo manlang masayaw sa prom!" Kantyaw ni AJ.

"Eto, gusto mong maranasan?" Sabay amba ng suntok ni Ika sa kanya.

In the end, sumuko nalang si AJ kay Ika at lumapit dun sa isa naming batch mate na cutie pero shy type. Pinagtulakan sya ng friends nya kaya finally may ka-sayaw na si AJ.

"Tara na nga. Kawawa ka naman eh." Huh? Napalingon ako sa other side ko. Nakatayo si Ronnie don at nakalahad ang kamay. Tinitigan ko lang yung kamay nya. Narinig ko na naman yung mabilis na tibok ng puso ko. Walang pinag-iba sa tibok nito na naranasan ko nung first day ng first year high school namin. "Ano, tara!" Ulit nya.

"H-Ha?" Sagot ko. "Ayoko nga!" Sabay hawi ko sa kamay nya. 'Wag na 'wag mong mapakita 'yang kilig mo, Love Lyn! Nako!

"Sus! Halika na! Ang arte pa eh!" Tapos kinuha nya yung kamay ko at sapilitan akong hinila. Yes, pareho kaming may strong personality ni Ika at may pagka-war freak. Pero unlike her, my weakness defeats me all the time. Wala akong nagawa kundi magpahila kay Ronnie.

He pulled me in the sea of couples dancing to slow music. Nung huminto kami, binitawan nya na yung kamay ko at magkaharap na kami. Damn. Ang lalim ng tingin nya sa mga mata ko. Parang abot hanggang bituka ko. Tapos ngumiti pa sya. Shit. Hinawakan nya yung right wrist ko at dahan dahang pinatong sa may balikat nya. Nag-switch ang music sa Ako'y Sa'yo, Ika'y Akin. Sumabog lahat ng feels sa katawan ko, first beat palang ng kanta. Hinawakan nya rin yung left wrist ko at pinatong rin sa other side ng balikat nya. Still with his eyes locked on mine, and his smile painted perfectly as it is. Nagulat ako nung dahan dahang yumapos sa likod ko yung mga braso nya. Sa nakikita ko naman sa ibang sumasayaw nakapatong lang sa hip nung mga babae yung kamay ng lalaki. Pero kay Ronnie, niyapos nya kaya napa-forward din ako ng konti. Hindi ko na talaga alam kung anong mararamdaman ko. Basta ang alam ko sumasabog na yung puso ko sa tuwa. Hanggang sa dahan dahan na kaming nagse-sway.

Ewan ko rin ba parang damang dama ko yung lyrics nung kanta. Nahi-hypnotize na rin ako sa titig nya, pati sa pagkakadikit ng balat namin. Para na akong nawawala sa sarili ko. Alam kong maraming tao sa paligid pero pakiramdam ko kaming dalawa lang yung nandon. God knows how damned my heart was as we sway to the music. After three long years, tsaka ko lang narealize na hindi ko lang crush si Ronnie. He's definitely my first love.

"Happy Valentine's Day, Love." Bulong nya. Ilang beses ko na bang narinig yung boses nya, pero eto, sobrang tumagos sa puso ko.

Pero teka, Valentine's Day?

"Huh?" Sabi ko.

"Twelve na. Valentine's na." Sabi nya nang hindi pa rin nawawala ang ngiti.

Valentine's na? Oh my god. Hindi na napigilan ng ngiti ko na magpang-abot sa tenga ko. This would by my unforgettable moment na dadalhin ko hanggang pumuti ang buhok ko.

"Happy Valentine's Day, too." Bulong ko rin, sabay ngiti.

"SMILE!" Eh? Sabay kaming napalingon sa right side namin. Sakto ring may nag-flash. Nakatipon lahat ng kaibigan namin habang pinapanuod namin at etong si Chubs naman ay kinunan pa kami ng picture!

Hayskul!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon