Chapter 2

1K 14 1
                                    

"Tama na yan Ping." Hila ni Ivy sa kamay ko.

"Ano ba, bitawan mo ko." Waksi ko sa kamay niya.

"Bote na yan ng tequila ang nilalantakan mo. Tama na, lasing ka na." Agaw niya sa bote.

"Hindi pa ako lasing, kilala mo naman ako di ba? Please naman." Agaw ko pabalik sa bote.

"Hindi ka pa nga lasing, pero palasing ka na. Mahirap ka iuwi, mamaya sumuka ka pa dito!" Agaw niya uli sa bote saka nilagay sa lababo.

"Ivy naman eh, ngayong gabi lang hayaan mo naman ako, hayaan mo naman ako makalimot. Pwede naman ako dito sa bahay mo matulog" Medyo may tama na din ako pero gusto ko malasing, baka sakaling mawala yung sakit na nararamdaman ko sa puso ko.

"Tama na Ping.. Sinabi ko na kasi..."

"Oo na oo na, sinabi mo na nauulitin niya to. Oo na tanga na ako. Anong gagawin ko, mahal ko yung tao eh. Mahal ko siya kaya kahit nilloko niya, I took her back, how stupid of me, di ba? Kasi ginago niya na naman ako and I let her do it to me all over again." Pasigaw kong sagot kay Ivy, niyakap naman niya ako at hinahagod ng likod ko dahil walang tigil sa paglabas ng luha sa mata ko.

"Tahan na Ping."

"Ivy ang sakit eh. Ang sakit eh. I trusted her eh. Ang sakit sakit, Ivy" Hamapas ko sa dibdib ni Ivy.

"Aray naman Ping, dahan dahan naman. Baka lumabas yung baga ko sa hampas mo, masakit." Natawa ako dahil nagawa niya pang makapagbiro. Umayos ako ng upo at saka pinunasan ng luha ko.

"Gaga." Ngiti ko sa kanya.

"Haha, at least napangiti ka. Tahan na." Inabot niya ang mukha ko saka niya pinunasan ang mga luha ko. "Tahan na. Gago siya kasi ginaganito ka niya." Seryosong sambit niya habang nakatitig sa mukha ko.

"Gago din ako kasi hinayaan kong ganituhin niya ako."

"Ping, you don't deserve her. You don't deserve to be treated this way." Bulong niya saka niya ako niyakap "naiinis ako kasi wala ako magawa. Ping, bakit hindi na lang ako." Bulong niya saka ko naramdaman na naiiyak siya.

"Ivy..." Pagtataka ko.

"Ping, ako na lang ang mahalin mo. Nandito lang naman ako o, hindi kita sasaktan. Hindi kita paiiyakin dahil sa lungkot, mamahalin kita higit pa sa buhay ko. Ping...." Nanigas ako, hindi ako nakapagsalita, gulat ang pakiramdam ko.

"Ivy..."

"Ping.." Kumalas siya sa yakap niya sa akin at hinawakan ang mukha ko saka ako tinitigan ng malalim. "Mahal kita Ping, mahal na mahal." Saka niya pinaglapat ang mga labi namin.

Nagulat ako, hindi ako makapaniwala, ni hindi ako makahinga ng nilapat niya ang mga labi niya sa akin. Hindi ko siya magawang matulak, bagkus imbis na lumayo ako lalu kong pinaglapit ang aming mga katawan.

Dahan dahan niya akong hinalikan, at nagrespond naman ako, I opened my mouth and so does she, saka ko naramdaman ang init ng loob ng bibig ni Ivy. Naglalaro ang mga dila namin, pilit kumakawala sa isat'isa. Yinakap ako ni Ivy at naramdaman kong mas nilapit niya ang ulo ko papunta sa kanya, lalu tuloy lumalim ang paghahalikan namin. Hindi ko napigilang mapaungol, at naramdaman kong lalu siyang ginanahan.

Hindi na ako makapagisip ng tama, alam kong mali pero parang namagnet ako sa mga labi at bisig niya.

Naramdaman kong inunclasped niya yung bra ko kaya nagulat ako, pero hindi ko naman din magawang pigilan siya. Bumitaw siya sa pagkakahalik sa akin at tinitigan ako. Nandito kami sa living room ng bahay niya, ang tahimik ng paligid, hinga at tibok ng puso namin ang tanging maririnig.

Magkaharap kami ngayon, dahan dahan niyang inunbutton ang bluse kong suot, nakatitig lang siya sa mga mata ko, hindi ko alam ang gagawin ko. Kaya pinabayaan ko lang siya.

Ng mahubad niya na ang blouse ko, dahan dahan niya akong inihiga sa carpet niya saka niya tinanggal ang suot ng damit.

Nakapatong lang siya sa akin, nakatungkod ang isang kamay sa gilid ng ulo ko habang ang kabilang kamay niya ay hinahagod ang mukha ko.

"Ang ganda ganda mo, hindi niya alam kung gaano siya kaswerte na mahal na mahal mo siya." Bulong niya, saka may luhang pumatak sa mga mata niya.

Pinunasan ko ang luhang pumatak sa kanya saka ko siya hinila para yakapin.

Nasa may bandang leeg ko mukha niya habang nakahiga sa gilid ko at nakayakapsiya at parang umiiyak pa din siya.

"Ivy.."

"Ping ako na lang. Ako na lang mahalin mo kasi mahal na mahal kita eh. Ako na lang." Hikbi niya pagmamakaawa sa akin, hindi ko naiwasang tumulo ang luha sa mata ko.

-----

Congrats NU!

Twitter wbil83

Take me the Way I amTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon