"Hello?"
"Babylove busy ka? Ilang araw na tayo di nagkikita, I miss you."
"Ay naku Charm, busy talaga ako. Wait lang." Saka ako nagsimulang magtype uli habang kausap siya sa headphones
"Uhm, kahit dinner man lang mamaya?"
"Ah, eh.."
"Sige na Babylove, medyo busy din kasi ako nung mga nakaraang araw kaya hindi kita nabibisita, sana mamaya free ka."
"Uhm, Charm kasi.."
"May nauna na bang naginvite? O iniiwasan mo na talaga ako?"
"Hindi naman, uhm sama ka na lang sa amin nila Ivy mamaya kung gusto mo?"
"Ah, baka sapakin ako ng best friend mo..."
"Uhm Charm, si Ivy... Nanliligaw na din..." Bulong ko. Hindi siya nakapagsalita. "Charm."
"San ba tayo mamaya, sunduin kita diyan?"
"Uhm, somewhere along Timog siguro. O sige see you. 6 out ko. Bye." At binaba ko na nga ang phone ko.
Hay, ako mismo gumagawa ng gulo na pinapasukan ko eh.
Tinitigan ko ang phone ko, hiningi ko yung number niya kay Aiko nung isang araw, pero hindi pa matawagtawagan, ilang araw na din siyang hindi nagpaparamdam.
Dahil ba sa nakita niya kami ni Charm? O dahil ba alam niya na nanliligaw na din si Ivy? O dahil sa.. Hay, ano ba Ping, ano naman sayo, kayo ba? Hindi diba, ni hindi nga siya nanliligaw, higit sa lahat ni hindi nga niya sinabi sa akin na nagbabakasyon lang pala siya dito at babalik din ng London, ASAP. Hay.
Urghhh, at least one down, dalawa na lang ang iisipin ko, diba? Pero... Urghhh, bahala na nga.
----
"Uhm, Charm, kain na lang tayo Dencio's didiretso na kasi sila Ivy sa Tides." Explain ko sa kanya pag kaupo ko sa sasakyan niya.
"Ah, o sige. Uhm, baby love."
"Hmmm?" Busy ako sa pagtetext kila Sarrah.
"Kiss ko?"
Napatingin tuloy ako sa kanya, at mukha siyang bata na nakapout sa kin, hahaha, o eh di siya na ng cute. Sinampal ko nga ng magaan para malayo ang mukha.
"Hahaha, ang landi mo Charm ah. Haha, beso na lang." Saka ako naglean forward para bumeso.
"Hahahaha, syempre baka makalusot eh.. " nakangiti niyang sagot saka siya tuluyang nagpaandar ng sasakyan.
Tumawa na lang ako at bumalik sa pagcontact kela Sarrah.
----
"Ping!"
Pagtingin ko sa may entrance sinalubong kami ni Sarrah and Aiko, ang daming tao kaya sinundo nila kami sa entrance para makapasok kami.
"Ang daming tao." Bulong ko.
"Okay ka lang babylove?" Hawak ni Charm sa kamay ko at inalalayan akong makapanik sa hagdan.
"Oo, thanks." At tuluyan kaming naglakad papunta kay Ivy.
"Hi" bulong ni Ivy pagkadating namin at nakatingin sa kamay namin ni charm kaya bumitaw ako.
"Hello bes.." Bumeso ako tumabi sakanya.
"Hi, Ivy." Bati ni Charm at umupo sa tabi ko. Si Sarrah at Aiko naman umupo sa tapat namin.
Okay. Medyo awkward. Hindi ako makagalaw ng maayos dahil dito sa dalawang katabi ko eh.