Nagising ako nandito pa din kami sa sala. Dahan dahan kong inangat ang braso ni Ivy na nakapatong sa akin.
"Hmmmm." Naalimpungatan siya kaya lalu niya akong niyakap.
"Vy..." Bulong ko, pero imbis limuwag ang yakap niya mas lalung humigpit, takte naman o.
"Uhmmm..."
"Ivy..." Medyo nilakasan ko na saka ko sapilitang inalis ang braso niya, buti na lang kahit paano hindi siya nagising. Tumalikod lang siya saka natulog uli.
Tinitigan ko lang ang likod niya, hay, hindi ko alam ang gagawin ko sayo.
Napagisipan kong dumiretso sa banyo para makapag shower na din, may damit naman ako dito kay Ivy dahil normal naman na nakikitulog ako dito.
Hindi ko alam kung paano kakausapin si Ivy, hindi ko alam kung dapat ako mailang, grabe, hindi pa din nagsisink in sa akin lahat ng nangyare kahapon.
Paglabas ko ng banyo, tulog pa din siya, swerte dahil kahit papano maiiwasan ko pa ang pakikipagusap sa kanya.
Balak ko sanang halikan siya sa noo kaya lang baka magising, ako din ang magsusuffer kaya naisipan kong umalis na lang.
Palabas na sana ako ng,
"Good morning. Di ka man lang magpapaalam.." Paglingon ko, si Ivy pala, nagsusuot ng tshirt niya saka siya tumayo at dumiretso sa kusina.
Hindi naman na ako tuluyang nakaalis, ambastos naman masyado kung aalis pa ako ng gising siya. Kaya sumunod na lang ako sa kusina. Naghilamos siya saka gumawa ng kape, hindi niya ako iniimik, hindi ko din naman alam kung paano siya kakausapin.
"O." Abot niya ng kape saka pandesal na ininit niya at naglatag ng mga palaman. "Kumain ka muna bago ka pumasok, lakas ng hangover mo niyan lalo pag walang laman ang tiyan mo."
"Salamat." Saka ako uminom ng kape at kumain.
"Ping.."
"Ivy, pwede bang wag muna natin pagusapan?" Putol ko sasasabihin niya, hindi pa kasi ako handa. Ayoko magpadalosdalos.
"Pero Ping wala naman akong hinihingi sayo eh, gusto ko lang hayaan mo ko iparamdam sayo yung nararamdaman ko."
"Ivy...."
"Ping naman.."
"Ivy, paano so Sarrah. Alam mo namang kaibigan natin siya. Alam mo din mahal ka niya. Paano si Charm?" Mabilis kong sagot pero hindi ako makatingin sa mata niya.
"Tsss, kailan pa naging kami ni Sarrah? Anong gagawin ko kung ikaw ang laman nito at hindi siya." Turo niya sa puso niya, "at si Charm, tangina naman o, matapos ng nangyari kahapon siya pa din iniisip mo?"
"Ivy, hindi madali ang pinagsasabi mo. Ano ba? Lasing ka pa ba?"
"Wag mong ibahin ang usapan."
"Malelate na ako. Salamat sa breakfast. Magusap na lang tayo pag wala ka ng alak sa katawan." Saka ako tumayo.
Hinabol naman niya ako at iniharap sa kanya.
"Ping... Sabihin mo sa king wala kang naramdaman kahapon ng hinalikan kita. Sabihin mo sa akin na hindi ko kayang palitan si Charm sa puso mo, na hindi ko kayang palitan ang kung sino man nagmamayari ng puso mo. Sabihin mo sa akin na kahit kailan hindi mo akong mamahalin ng higit pa sa kaibigan." Nakatitig lang siya sa akin hindi ako makapagsalita, hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. Sabihin.
"Ivy.."
"Sabihin mo sa akin Ping, na kahit kailan hindi mo ko kayang mahalin higit pa sa ibang kaibigan. Sabihin mo Ping, ngayon pa lang titigilan ko na tong kahibangan na 'to. Ngayon pa lang ibibigay ko sayo ang gusto mo na maging kami ni Sarrah. Sabihin mo lang na wala pagasa ng maging parehas ang nararamdaman natin para sa isa't-isa. Sabihin mong wala kang nararamdaman para sa akin, Ping." Medyo mahigpit na ang hawak niya sa braso at patuloy ang pagpatak ng mga luha niya.
"Nasasaktan ako ivy." Dahan dahan naman niyang binitawan ang braso ko saka tumungo.
"Ping.."
"Ivy, mali to eh. Maling mali. Best friend kita eh. Ivy mali to." Yun lang nasabi ko.
"Pero Ping, gagawin kong tama, itatama ko para sayo, sa atin."
"Ivy.." Hindi na ako makapgsalita, gulong gulo na ako.
"Ping, hindi ako magmamakaawa sayo kung hindi ako seryoso sayo, kung alam kong hindi kita kayang pasayahin at mahalin ng buong buo."
"Ivy, hindi. Hindi ko kaya.." Hindi ko tuluyang nasabi ang mga katagang gusto kong sabihin. Bagkus tumulo na lang mga luha mula sa mata ko.
"I understand. I'm sorry." Saka siya bumitaw.
"Ivy.." Bulong ko, hindi ko alam kung bakit mas masakit pa tong nararamdaman ko kesa kahapon ng makita ko si Charm na may kinakalantaring iba.
"Uhm, Ping, hatid na kita. Magbest friends pa din naman tayo diba?" Nakangiti niyang bati sa akin, pero kita sa mata niya ang lungkot.
"Ivy, intindihin.."
"Ping, okay na. Okay na." Nagsmile siya uli. "Tara baka malate ka." Saka siya tuluyang lumabas.
----
Maghapon akong tuliro, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hirap na hirap na ako kakaisip sa mga nangyayari.
Knockknock
"Come in."
"Ma'am line 1, si Miss charm po. Hindi niyo daw kasi sinasagot phone niyo"
"Tsss, sabihin mo hindi ba niya makuha yung idea na kaya hindi ko sinasagot dahil ayoko ko siyang kausapin. Sabihin mo busy ako, thanks Marie."
"Yes, ma'am, and Ma'am line 2 po si Miss Ivy po, busy din po kayo?"
"Uhm...." Tumungo na lang ako at nagsmile sa secretary ko. "Thanks." Bulong ko
"Okay Ma'am." Saka siya lumabas
Minabuti kong patayin na lang ng cellphone ko para walang istorbo. Magaalas kwarto na ng matapos ako sa lahat ng papers ko at naisipang buksan ito. Pagkabukas ko pa lang, tuloy tuloy na tumunog ang phone ko hudyat ng sunod sunod na messages, urrgg.
Ring ring
"Urg, mukha ba akong call center." Bulong ko sa sarili ko ng tumunog ang phone ko.
Pagsilip ko, si Sarrah.
"Hello?"
"Bessy, ahhhhh, where have you been??? I've been trying to call you since forever! I have good news..."
"Araaaay naman, wag ka naman tumili. Busy ako kanina, ano ba yan?" Sagot ko, mukha kasing kinikilig ang babaita, sarap pektusan.
"Ping..."
"O?"
"Tinanong na ako ni Ivy kung pwede ba daw namin itry? Piiiinnggggg! Sheeet! This is it mygasssshhhhh!!!"
"Ha?" Yun lang sagot ko, hindi ko makapagisip. Hindi ko alam kung tama ba ang narinig ko.
"Actually umamin kasi ako sa kanya kanina, para kasing heart broken siya, umamin na ko na gusto ko siya. Nung una hesitant pa siya, pero sabi ko hindi ko naman siya pinipilit, then ayun sabi niya wala namang masamang itry naming magdate. Grabeeee Ping, ang saya ko!"
"Nililigawan ka niya? Kayo na?"
"Ang sungit mo naman bes, haha, buti na lang good mood ako. Haha, o well inassume ko na lang, basta exclusively dating. Pwede na rin yun, para maparamdam ko kung gaano ko siya kamahal."
"Ahh, congrats." Yun lang nasabi ko.
"O sige mukhang busy ka sa work, kita tayo later treat ko kayo ng dinner. Sama mo si charm ah! Bye bes, love you." Saka niya binaba ang phone niya.
Natulala ako, what the?! Is this real? Kagabi lang halos lumuhod si Ivy para sabihing mahal niya ako and then ganito? Exclusively dating? Ginagago ba nila ako?!
Di ko naiwasang tumulo ng luha ko, hindi ko alam kung bakit, ang alam ko lang, nasasaktan ako sa nangyayari. Pero kung tutusin, kasalanan ko din ata kung ano nangyayare sa akin.
Isa- isa kong tinignan ang messages sa phone ko, halos lahat kay charm, bahala siya makipagsiping sa babaeng higad na yun. I'm done with her and her lame excuses.
May dalawang messages mula kay Ivy, yung isa humihingi ng sorry samantalang ang pangalawa,
"mahal kita Ping, pero kung eto ang sisira ng pagkakaibigan natin. Kaya ko pigilan Ping, wag mo lang akong layuan, wag mo lang ako iwasan. Kung gusto mo ligawan ko si sarrah tulad ng lagi mong sinasabi gagawin ko, wag ka lang lalayo Ping. Please. Di ko kaya."
Now I'm sure, its all my fault. Urgh, hindi ko alam kung anong dapat isipin, ang dapat kong maramdaman.
Tootoot tootoot 1 message received
"Bes, Tomato Kick na lang tayo magdinner and konting drinks, sa may Loyala heights na lang na branch. See you be. Ingat mwah."
Hay, do i really have to go? Peste naman o. Third wheel pa lagay ko nito, hay.
-----
"Bessss." Salubong sa akin ni Sarrah pagpasok ko, infairness, hindi siya nahiya. Pssh
"Sarrah." Bumeso ako "Ivy." Bumeso din ako, pero halatang awkward kami sa isa't-isa. Saka umupo sa harap nila.
"Order na tayo. Gutom na ako." Simpleng sagot ni Ivy. Siya pa may ganang magsungit, eh siya nga tong kakaprofess pa lang ng love niya sa akin, kinabukasan may iba na. Psshh.
After 20 mins ng pagkain ng dinner at pagdaldal ni Sarrah, umorder na sila ng isang bucket ng red horse. Hay mamapapainom na naman ako.
"Ui, bes, sorry pala about Charm."
"Tsss.." Yun lang talaga comment ni Ivy saka niya nilaklak ang beer na hawak niya at umorder ng pangalawang bucket.
"Ayos lang yun, makakalimutan ko din yun. Si ivy nga bilis makalimot ako pa kaya?" Saka ko ininom ang beer ma hawak ko.
"Totoo ba yun Babe?" Haplos ni Sarrah sa braso ni Ivy, nagsmile lang naman si Ivy at tumingin sa akin kaya nginisian ko lang siya.
---
"So ayun nga, grabe talaga yung kaoffice mate ko kasi nagdala ng bagoong sa work place, eh di syempre nangamoy ng sobra sa floor, eh yung supervisor naming kano, nagalit.. Hahaha" more than 1 hour ng dakdak ng dakdak tong si Sarrah.
Walang tigil. Panay plastik na tawa na nga lang ang naisasagot ko dahil medyo nahihilo din ako. Pero ayoko naman na maging rude sa kanila kaya hindi ako makaalis alis.
Kumuha ako ng isa pang bote sa pangatlong bucket namin at tuluyang nilaklak ito, habang pilit na nakikinig sa mga kwento ni Sarrah ng biglang out of nowhere may bumulong mula sa likod ko, at mukhang ikinagulat din Ivy.
"Hi Babygirl."
O.o
can this day get any worse?
------
Twitter wbil83
BINABASA MO ANG
Take me the Way I am
Fiksi Penggemar@haPinghappy labyou, merry xmas! Hahaha -@wbil83