Medyo gulintang ako ngayon dito sa sasakyan ni Charm, siya na kasi ang naghatid sa akin after nila mag bato bato pick ni Ivy, hahaha, nakakatawa. Kung tutuusin dapat umiiyak na ako kakatawa pero wala talaga ako sa mood.
"Babylove, okay ka lang?"
"Oo, sorry, medyo wala lang talaga ako sa mood."
"Kanina pa yan ah pagbalik mo ng banyo, may nangyare ba?"
"Ha? Uhm, meron. Pero next time ko na ieexplain ah, medyo tuliro pa din kasi ako."
"Nakakaworry naman baby love.."
"Okay lang ako Charm, salamat pala sa paghatid." Buti na lang nandito na din kami sa bahay. "Bye, thanks uli." Bumeso ako sa kanya pagkatanggal ko ng seatbelt at bumaba sa sasakyan.
"Ping..." Pagtingin ko bigla na lang may yumakap sa akin.
"Charm" lalu pa siyang yumakap ng mahigpit at naramdaman kong para siyang umiiyak, kaya hinagod ko na lang ang likod niya.
"B-babylove.." Nararamdaman ko ang mga luhang pumapatak mula sa mata niya.
"Charm, bakit ka umiiyak, may problema ba?"
"Babylove, i'm sorry. I'm so sorry. Alam kong nagkamali ako, alam kong hindi ko na mababalik ang nakaraan, pero pinagsisihan ko lahat Baby, hindi ko kaya na mawala ka sa akin, mahal na mahal kita." Iyak niyang sabi sa akin.
Hindi ko naman maiwasang maluha dahil sa sinabi niya. Ngayon lang kasi siya humingi ng pormal na patawad simula nung naghiwalay kami.
"Baby, I know I messed up, big time. And thank you kasi hinayaan mo akong ayusin yung gulo na to, pero sana, nagmamakaawa ako please, wag ka sana magive up agad. Sana sa huli ako pa din ang piliin mo. Sana hanggang huli ako pa din ang mas matimbang sa puso mo. Kakayanin ko baby, kahit pahirapan mo ako, wag lang mawala ang kalahati ng puso ko." Humihikbi niyang pagsasalita.
"Charm.."
"Sorry talaga baby, I know its not enough, but at least sana alam mo na nagsisi ako. Mahal kita Ping, mahal na mahal." Kumawala siya sa yakap at tinitigan ako, mata sa mata. "Totoo pala noh? Malalaman mo lang yung totoong kahalagahan ng isang tao pag nawala na siya sayo, sobrang natake for granted kita Ping, sorry , at ang sakit sakit pala talaga na kahit anong pilit ko, hindi na lang ako ang tao sa buhay mo."
"Charm."
Yun lang nasabi ko, hindi ako sanay na ganito siya ka vulnerable, usually kahit mali siya hindi siya ganito, sa kanya nga lang ako naging ganito, yung humahabol.
"Babylove, wala kang dapat isagot, kailangan ko lang ilabas yung nararamdaman ko." At pinaglapat na nga niya ang aming mga labi.
Puno ng hinagpis at the same time pagmamahal ang ibinigay na halik sa akin ni Charm. Bumitaw na din siya matapos ang makailang minuto.
"Babylove sorry ah, iyakin pala ako." Nakasmile niyang sabi sabay punas ng luha.
"Charm..."
"O tahan ka na din." Saka niya pinunasan ang luha ko, hindi ko maiwasang yakapin siya, niyakap ko siya ng madiin, mahigpit.
"Thank you Charm ah. Thank you. Alam mo naman na mahal kita di ba? Mahal na mahal. Pero eto, etong space na hinihingi ko hindi dahil marami kayong options ko, kundi para na din sa akin, para mahanap ko yung sarili ko na nawala, para hanapin ko yung part ko na nawala nung naging tayo." Naiiyak kong explanation.
"Naiintindihan ko Ping..."
"Alam kong naiintindihan mo kaya ako nagpapasalamat." Bumitaw ako sa pagakap sa kanya. "Sige na, ang drama natin, anong oras na din." Lumakad ako sa tapat ng gate.
"Babylove... I love you!" Sigaw niya bago siya pumasok sa sasakyan niya.
"Hahaha, eskandalosa. Ingat ka ah."
"Hahaha, eh hindi ko mapigilan ang bugso ng damdamin, hahaha, pasok na. Ingat ka din diyan."
"Hahaha, okay. Text mo ko pag nasa bahay ka na. Mwahhhhhhh" flying kiss ko sa kanya.
"Sarap naman.. Love you good night." Salo niya kunyari sa kiss ko
"Haha corny, sige na bye." At tuluyang pumasok sa loob.
----
What an emotional day for me, mas nakakapagod pa to kesa sa physical na pagkapagod.
Hindi ako makatulog kahit may alak na ako sa katawan, ang daming gumugulo sa isip ko, ang daming tumatakbo pero hindi ko maorganize, naturingang psychologist pa man din ako pero sarili kong buhay hindi ko alam kung anong dapat gawin, pakinggan.
Isa pa tong si Mika, hindi ko alam kung anong dapat kong gawin.
----
Flashback ( hahaha sosyal, flumaflashback hahahaha)
"Mika?"
Nagsmile lang siya sa akin.
"Haha bakit?"
"Wala lang, pwede ka bang makausap ng tayong dalawa lang?" Tanong niya
"Ah, eh, pwedeng umihi muna?" Tanong ko.
"Hahaha oo naman, sa labas na lang tayo. Hintayin kita." At saka siya naglakad palabas ng banyo.
"Ah, ano ba gusto mong pagusapan?" Nagsindi ako ng yosi ko dahil kinakabahan ako.
"Wala naman, kamusta ka na?"
"Okay lang, nga pala Mika, yung nangyare.."
"Wala na yun, wala kang kasalanan."
"Naguusap pa ba kayo?"
"Hindi na! Haha, after that night, wala na. Haha."
"Sorry."
"Its not your fault, problema namin yun ni Ther."
"Pero that night.."
"Hindi alam ni Vic hanggang ngayon yung nangyari nun.." Putol ni Mika sa akin. " ang alam niya kaya hindi ka sumama ng London dahil kay Trina, hindi nga niya alam na pumunta ka nun sa airport"
"Huh?" Patay malisya kong tanong.
"Alam kong nakita mo ko nung gabi na yun sa condo ni Vic, alam ko na nakita mo din ako sa airport, pero Ping, ikaw ang pinili ni Vic, hindi ako. Hindi ako." Naluha niyang sabi sa akin. Nagulat naman ako.
"Mika.."
"Totoo na between her and Ther, si Vic ang pinili ko. Pero ikaw ang pinili ni Vic."
"Pero ano yung kiss niyo nun?"
"I kissed her."
"Mika, yung kay Ther."
"Nung nakita kita sa condo niya kasiping si Ther, nagalit ako. Nagalit ako hindi dahil kay Ther, kasi naunfairan ako sayo, kasi hindi mo alam kung gaano ka kamahal ni Vic. Hindi mo alam kung gaano ka kamahal ng taong mahal ko." Tumulo yung luha niya at umupo sa gutter.
"Hindi ko alam kung ano sinabi sayo ni Ther, pero mga isang buwan na kaming hiwalay nun, alam niya na si Vic ang pinili ko, alam niya na kahit hindi ako ang mas mahal ni Vic, hindi ko pa din siya pipiliin." Pagpapatuloy niya. Umiiyak na din siya
"Mahal ko si Vic, Ping, mahal na mahal. Pero anong gagawin ko? Kung hanggang ngayon mas matimbang ka sa kanya?" Dugtong niya
"Pero Mika, pinakawalan mo siya di ba? Mas pinili mo si Ther nung umpisa? Naguguluhan na ako."
"Hindi ko din alam, nagsisi ako na iniwan ko siya, nagsisi ako na nakilala ka niya nung iniwan ko siya. Nagsisi ako na hindi ko siya pinaglaban lalu na nung nakita kita sa condo ni Ther, nagsisi ako Ping, nasasaktan."
Nagulat ako, hindi ako makagalaw.
Totoo, hindi ako tumuloy dahil nakita ko Mika, hindi dahil kay Trina. Nakita ko sila, nakita ko silang magkahalikan. Akala ko ginamit lang ako ni Vic, para kalimutan si Mika.
Nung gabi na yun, nakita ko si Ther sa isang bar, at umiinom din siya. Dahil kay Mika. Totoo, may nang yari sa amin ni Ther. We were both vulnerable, feeling ko parehas kaming ginamit ni vic and Mika, dinamay nila kami sa complicated nilang lovelife. Nung gabi yuu, yun lang naisip ko, gumanti.
Pero ngayong narinig ko mula sa bibig ni Mika ang nangyari, hindi ko alam kung anong dapat ko maramdaman, nasasaktan din ako.
Kung nalaman ko ba to 2 years ago, kasama ko kaya si Vic? Madaming regrets, pero at the same time, naisip ko si Charm, siya kasi yung sumalo sa akin ng time na naghihinagpis ako kay Vic. At hindi ko ever pinagsisihan na naging parte si Charm ng buhay ko.
"Ping.."
"Hmm?" Hindi ako makapagsalita
"Akin na lang si Vic. Akin na lang siya." Lumuhod pa si Mika sa harap ko na kinagulat ko, kaya ko bigla siyang hinablot.
"Ye! Ano ba?" Hatak ko sa kanya. Yumakap naman siya sa akin
"Ping.. Mahal ka niya, pero alam ko mahal din niya ako. Hayaan mo na lang kami.. Please Ping." Umiiyak na siya.
"Mika.." Ano ba dapat isagot ko?
"Sorry Ping, sorry" kumawala siya sa akin nagpunas ng luha. At tuluyang bumalik sa taas.
Naiwan tuloy ako dito, hindi ko alam ang gagawin.
Flashback ends
Wala naman kami ni Vic di ba? Hindi naman kami di ba? Wala naman dapat ihingi si Mika sa akin. Dahil hindi naman sa akin si Vic, hindi siya naging akin.
Mahal ko pa ba si Vic? Mahal niya ba ako? Ako ba ang pinili niya?
Pero mahal ako ni Charm. Mahal ko din siya pero Siya lang ba ang laman ng puso ko?
Si ivy mahal din ako, kaya ko ba siya mahalin higit pa sa isang kaibigan?
Naguguluhan na ako, nahihirapan.
Hindi ko alam kung sino ba ang totoong tinitibok ng puso ko.
Isa lang naman ang gusto ko mangyari, magmahal at mahalin ng buong buo.
-----
Ping, merry christmas eve. Mwa lablab.
Enjoy! :))))
Twtter: wbil83
BINABASA MO ANG
Take me the Way I am
Fiksi Penggemar@haPinghappy labyou, merry xmas! Hahaha -@wbil83