Chapter 1: Hatred

168 10 4
                                    

Guys inaba ko na yung plot ko sa story kaya basahin niyo siya ulit

[Rose's POV]
 
I was in my room lying in my bed and currently reading books while listening to different musics and blah blah blah. This day sucks, it's kinda boring. I want to go outside and have fun by myself but it's seem the weather's not good so I decided to stay kahit na nababagot na ako dito. After several minutes mas nababagot na ako.

"Hays, nakakabagot na talaga dito."

Sabi ko sabay tumayo at nagpunta sa balkonahe.

"Ang saya naman nila, nakakainggit yung bicycle. Sana ganyan din ako kasaya."

Pinagpag ko ang sarili ko at napagpasyahan kong bumaba nalang.

"Luke, kailan ka pa ba titigil sa mga kalokohan mo?"

"Eh ikaw, Stacy when will you stop?"

"What are you talking about, wala akong ginagawang masama."

"Pwede ba tigil-tigilan mo nga ako Stacy. Hanggang kailan mo ba ako lolokohin, pati ang anak natin?"

Hanggang kailan mo ba ako lolokohin pati ako(pag-uulit ko nito sa isip ko)

"Ano ba yang pinagsasabi mo Luke?"

"Alam ko ang mga pinagsasabi ko Stacy. Ikaw alam mo ba ang mga ginagawa mo?"

"Pwede ba Lukas tigilan mo ako, wala akong ginagawang masama."

"Talagang bang wala?!"

"Bakit ba? Asawa mo ako hindi ka ba naniniwala?"

"Sino yung nakita kong lalaking kasa-kasama mo kagabi?"

Nagulat ako sa sinabi ni papa at napatingin kay mama na halatang gulat din.

"Lukas, he's just a friend."

"May magkaibigan bang magkahawak-kamay at may paakbay-akbay pa?"

Hindi nakapagsalita si Mama sa sinabi ni Papa. Tahimik lang akong nakinig sa kanila. Hindi ako nag-ingay at nakinig na lamang.

"Gusto mo na bang makipaghiwalay sa akin Stacy? Pagod ka na ba? Ha?!"

Pasigaw na tanong ni papa kay mama.

"Ano sagutin mo ako, yun ba ang gusto mo? SAGUTIN MO AKO!"

Sumisigaw na talaga si papa ngayon kahit nga ako napapaiyak na pero pinilitkong hindi maiyak. I need to be brave.

"No Lukas, he is just a friend. A very close friend."

"Ganoon ba?"

Hindi ko napigilan ang aking sariling mapaluha. Umiiyak ako hindi dahil kay mama kundi dahil sa papa ko. All this years nakita ko kung paanong tinatanggap ni papa lahat ng mga sakit na dulot ni mama. Naging martir siya at naging bulag para lang hindi siya layuan ni mama.

"Hay naku! Ang init naman dito makalabas nga."

Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit nagsalita nalang ng kusa yung bunganga ko siguro naaawa lang talaga ako kay papa kaya ko ginagawa ito. Siguro din ayaw kong makita ni papa na iiyak ako. Nararamdaman ko na kapag iiyak ako sa harap nila baka ano pa mangyari lalo na kay papa.

"Rose anak?"

Rinig kong pagtawag sa akin ni papa, at sa boses niya palang alam kong sobrang lungkot niya kaya hindi ko na maiwasan ang mapaluha. Kinagat ko yung labi ko para di ako maiyak.

"P-a?"

Mahinahong sagot ko sa pagtawag niya kahit naiiyak na talaga ako nang sobra-sobra.

"Anak, kanina ka pa ba nakikinig? Narinig mo ba ang pinag-uusapan namin?"

Huminga ako nang malalim at pinikit ang mata ko para mawala yung luhang nagbabadyang tutulo.

"Papa, hindi ko po narinig yung pinag-usapan ninyo. Kakababa ko lang po galing sa kwarto."

"Totoo bang wala kang narinig? Bakit ka naiiyak?"

"Opo pa, tsaka hindi po ako naiiyak napuwing lang."

"Anak pasensya ka na."

"Lukas, hayaan mo na ang anak natin. At kung totoo man yung sinasabi niya mabuti yun. Pero mas mabuti rin sigurong marinig niya ang pinag-usapan natin para matapos na lahat nang ito!"

"Magdahan-dahan ka sa mga binibitawang salita mo Stacy!"

Hindi ko alam pero naiinis ako kay mama di ko na alam anong gagawin ko.

"Ano ba ma at pa! Palagi nalang ba away ang nangyayari dito? Wala nabang bago ha?! Isipin niyo naman hindi na kayo mga bata!"

Napasigaw ako ng wala sa oras. I admit naiinis na ako kay mama. Awau dito at away doon.

"Oo tama ka nga anak, hindi na kami mga bata kaya alam ko ang mga pinagsasabi ko Lukas!"

Sabi ni mama kay papa. Magsasalita na sana si papa kaso pinangunahan ko siya.

"Oo nga hindi ka na bata, but you're acting that way. Ang kapal din ng pagmumukha mong sigaw-sigawan ang papa ko nang ganyan, sino ka para saktan ang papa ko? Sino ka para tumira dito at umakto na parang isang donya? Do you think I treat you as my mother? Kailan man hindi kita trinato bilang ina ko because of your stupidity kung hindi ka lang siguro mahal nang papa matagal ka na sigurong patay."

Natahimik siya sinabi ko ngunit si papa naman yung kumontra sa akin.

"Rose! You're being disrespectful. Hindi mo siya dapat pinagsalitaan ng ganun, she was nice after all, kaya nga minahal ko siya kagaya nang pagmamahal ko sa mommy mo kasi mabuti siyang tao. Kaya mag sorry ka."

Napatigil ako dahil sa mga sinabi ni papa.

"I don't care if I am being so stupid right now pa, but she's not my mom. She's just trying so hard to act and move like her pero kailan man hindi siya naging kapareho ni mom. She's fake, a liar and a trying hard bitch."

Pagkasabi ko nun nakita ko siyang  nag walk-out. Nag smirk lang ako at niligon si papa.

"Rose i told you to stop! You say sorry to her"

"For what? For calling her a bitch? Why would I do that, it is true that the woman besides you lately is a hundred percent bitch."

"Rose ganyan ba pagpapalaki ko sayo pati nang mom mo? Ganyan ba ha anak?! Kailan ka pa natuto sa mga sa salitang yan?"

"It just comes out. Siguro nakita ko lang talaga sa mga galaw niya. And I admit I was lying lately pa. Narinig ko kasi lahat ng pinag-uusapan niyo kanina kaya sorry for lying but would you please stop pushing yourself towards her? She's not worthy for your love, she doesn't deserve you. I hope you understand pa."

Sabi ko kay papa na halatang naguguluhan. Nung una akala ko makikinig siya sa akin kaso mas pinili niya parin yung babaeng yun kesa sa akin.

"I'm so sorry anak, pero mahal ko siya. Ayoko nang maiwan ulit anak, napagdaanan ko na yun kaya kahit sobrang sakit na dito sa puso ko tatanggapin ko parin siya't mamahalin. Kaya please, hayaan mo na siya. Ako na lang yung hihingi nang sorry sa kanya. I hope naiintindihan mo rin ako anak."

"Stupid answer! And pa, you don't have to say sorry for me kaya kung gawin yun, but she don't deserve one. So i'll excuse myself now since it's all clear now. But I have my last words for you pa."

Hindi nagsalita si papa at tinignan niya lang ako.

"Since you've cleared something right now. I just hope na hindi ka na muling lalapit sa akin na luhaan at nasasaktanat sana di ka na muling iiyak dahil sa babaeng iyon. Kasi if ever na makita kitang luhaan at nasasaktan ka hinding-hindi na kita dadamayan. Pagod na ako papa, pagod na pagod na pagod na. Sinabihan na kita pa kaya wag na wag mong sasabihin in the future na di kita pinagsabihan. I hope you'll enjoy your life with her since wala lang naman ako sayo diba? I've done my part. I'm going now."

Tumulo nalang bigla yung luha ko habang sinasabi ko yun kay papa, luhaan rin siyang nakikinig sa akin pero hindi ko siya magawang damayan o mahawakan man lang. I've done so much for him but he refuses me for that woman. Mas pinili niya yung babaeng iyon kaysa sa anak niya. Ganun na talaga ang nagagawa ng pagmamahal.

-End of Chapter 1

Destiny [Revising]Where stories live. Discover now