II

2 0 0
                                    

Chrimson. Xoxo. Enjoy!

Alexander Yvan Solari

Habang nasa biyahe ay halos tulog lang ang ginawa ko. May 6 na oras pa upang makarating sa La Bamba.

Ang La Bamba ay maliit na bayan sa South Luzon. Malapit ito sa Tagaytay pero dahil tago ang bayang iyon ay iilang tao lamang ang nakakapunta. Doon nanirahan ang mga magulang namin ni Syra. Si Papang Hermes at Tito Mario. Dalawa lang sila na magkapatid. Malalaki ang mga lupain namin duon. At lahat ng negosyo namin ay ang dalawang magkapatid ang nag hahandle. Duon sila naninirahan kaya duon namin naisipan ni Syra mag sembreak. Simula kasi nung nag pasukan ay hindi pa namin sila nakikita.

Si Mommy Vera ay kasama ni Papang duon. Maliit lamang ang pamilya namin. 6 lang ang bumubuo rito. At kaming dalawa lang ni Syra ang tumira sa malaking syudad.

Mayaman ang pamilya namin. Hindi nga lang halata dahil ang kagustuhan ni Papang ay manirahan ng simpleng buhay. Kung tutuusin ay daig pa ng pamilya namin ang yaman ng mga artista. Kami kasi ang dealer ng mga gulay at prutas sa malalaking kumpanya na hindi lamang sa Maynila kundi sa ibang bansa. Kami rin ang nag hahandle ng malaking stock holder ng 6 na hotel chains dahil saamin nanggagaling ang kanilang pinag kukunan ng pagkain. May ari din kami ng HS Supermarket na kilala rin sa bansa.

Kahit ganoon pa ang mga trabaho na pinangangalagaan ng aming magulang ay hindi sila pumupunta sa syudad. Kung kinakailangan ng mga papeles ay ang mga piling empleyado lamang ni Papang ang nakakapunta sa La Bamba upang makapag pa pirma. Kung masyado namang importante ay maalin saming dalawa ni Syra ang pumupunta roon.

Bata palang kami ay tinuruan na kami ni Papang at Tito ng tungkol sa pag nenegosyo. Kayat nung mag ha-high school na kami ay pinilit namin ni Syra ang makapag-aral sa Maynila upang maka kilala naman ng ibang tao.

Si Syra Marie Cabreza ang pinsan ko. Siya na ang katuring ko sa buhay. Siya din ang laging gumagabay saakin gayong isang taon ang pagitan namin sa isa't isa.

"Hyacinth, hindi ka pa ba nagugutom?" Bumalik ako sa realidad ng itanong saakin iyon ni Syra.

Oo nga pala at hindi pa kami nag aalmusal simula kanina. Mag tatatlong oras na din kaming nasa biyahe.

"Oo eh, itabi mo na lang kapag may malapit na makainan. Yung masarap ha!" Wika ko.

"Yes, Ma'am!" Aniya.

Nang may makita siya na isang carinderia ay duon na kami kumain.

Tapos na kami pareho at nag papahindag na lang. Umiinom ako ng tubig ng biglang may maitanong si Syra.

"Hya. Bukod sa magulang natin, namimiss mo na rin ba si Yvan?" Aniya. Napangiti ako nang marinig ko ang pangalang binaggit niya.

"Aba oo naman! Bukod sa mga magulang ko at sa mga tita, isama mo na rin ikaw at si Marco ay siya na rin ang isa sa importanteng tao sa buhay ko no! Bakit mo nga pala natanong?" Sagot ko.

"Ah wala lang. Haha tayo na?" Tiningnan niya ang kanyang relo at "kailangan natin makapunta dun bago mag alas dos." Aniya.

"Tara!" Sabi ko. At tumayo na kami at dumiretso sa sasakyan upang ipag patuloy ang biyahe.

Si Yvan. Si Alexander Yvan Solari. Ang taong importante sakin. Siya ay kababata ko. Halos buong kabataan ko ay siya ang kasama ko. Siya na rin ang naging tagapagtanggol ko.

Ang pamilya Solari ay ikalawa sa pamilya namin. Mayayaman rin sila at may ipag mamalaki. Masasabi kong mag katuwang ang tatay ni Yvan at si Papang. Kayat si Yvan lamang ang nakakalapit na lalaki sakin. Pati na rin ang kapatid niyang bunso na si Ynigo.

Siyempre Hinding hindi ko malilimutan yung araw na...

"Luna, may ipag tatapat ako sayo." Wika ng 12 anyos na si Yvan.

"Ano iyon Yvan?" Ngiting wika ko.

"Gusto kita. Ay hindi hindi! Mahal kita Luna. Paglaki natin ikaw ang pakakasalan ko." Aniya na may malaking ngiti sa labi.

Napangiti ako dahil sa sinabi niya. Matagal ko na rin kasi siyang gusto eh. Simula pa nung una. Ngumiti muna ako bago nag salita. "Aasahan ko yan"

At gaya nga ng kwinento ko ay may pagtitinginan kami ni Yvan sa isa't isa. Hindi kami, pero sapat na saakin ang mahal niya ako. Ayaw ko rin kasi siyang sagutin dahil bawal kay Papang. Pero kapag nakatapos na ako, at dahil gusto ni Papang si Yvan para saakin ay may kasiguraduhan rin namang kay Yvan ako tutungo sa altar.

Nakatulog ako sa pag hahaka haka. At paggising ko ay sumalubong saakin ang malaking kartolina na nakasabit sa bahay namin. Na nag sasaad ng 'MALIGAYANG PAGBABALIK HYACINTH AT SYRA' nakatayo sa ilalim non ay ang magulang ko at magulang ni Sy. Nandoon din ang iilang kaibigan namin at si..... Yvan.

Bumaba ako sa sasakyan at tumatakbong Yvan ang nakita ko. Sinalubong niya ako ng mahigpit na yakap. "Kaytagal kong hinintay to aking sinta." Aniya.

"Ako din." Wika ko habang nakangiti.

Sa wakas, nagkita ulit kami.

SilaWhere stories live. Discover now