IV

1 0 0
                                    

Chrimson. Xoxo. Enjoy!

Irog

Yvan :

Hey, go to our usual place, please? I'll wait.

Ano namang naisipan nito? Pagkagising ko ay ito na agad ang sumalubong sakin. Kahit na nakapikit pa ay pumunta na ako sa banyo para maligo at mag ayos. Bahala nang ma late ako. Wala naman siyang sinabi na oras eh. Haha bad gal Hyacinth.

Pagkatapos kong maligo at mag bihis ay dumiretso na ako sa baba para makakain na ng umagahan. Nandun na si Papang at Mommy  sa hapag. Tiningnan ko ang wall clock sa bandang kanan at nakita ang oras. 8:45. Dumiretso na ako sa hapag. "How's your sleep anak?"

"Super comfortable Papang, and so cozy. It's nice to be back." ngumiti ako at kumain na.

"Anak, do you have plans?" Si mommy naman ang nagtanong. "Ah, yes my, Yvan texted me to go to our pond. Bakit po?"

"Oh! Nothing anak, bukas na lang siguro tayo mag bonding ng Papang mo. Alam mo ba, kagabi pa ako tinatanong niyan kung ano raw ba ang magandang bonding activity. Ang kulit niyang ama mo!" Si mama. "Grabehan yan Mahal. Nilaglag mo ako!" sambit ni Papang. Haha si Papang talaga, kahit matanda na.

Nag kwentuhan lang kami tungkol sa mga bagay bagay at tinapos na rin ang umagahan. Umakyat muna ako para kunin ang purse ko. Tiningnan ko na rin ang sarili ko sa salamin. Black tank top, maong ripped boyfriend jeans and white adidas, not bad. Paalis na sana ako ng may naisip ako. Perfume! Dang! Muntik ko na naman makalimutan. Naglagay na ako ng pabango at pumunta sa sinabing lugar ni Yvan, sakay ako sa Hummer namin na si Mang Tano ang nag da-drive.

Bumaba ako sa sasakyan at tinanggal ang wayfarer ko na sinuot ko habang nasa biyahe. Marlina Pond. Ang pinakang tahimik at peaceful na lugar dito samin. Dito rin nag tapat si Yvan nung mga bata pa kami, at dito na rin namin nakaugalian na tumambay kapag kaming dalawa lang. Ang mga ibon, mga bulaklak na magaganda ang bunga, ang mga puno.

Habang naglilibot ay nakita ko si Yvan sa ilalim ng puno. Tumungo ako sakanya at ngumiti. "You came." aniya.

"Ako pa ba? Haha bakit mo pala ako pinapunta dito?" Umupo ako sa tabi niya.

"Wala, namiss lang kita ng sobra." eh kakakita lang namin kahapon ah? "Haha opo na, miss mo na ko" sambit ko.

"Luna, maganda ba don?" ha? Ang alin? "Maganda ba yung mga tanawin doon? The people? The Places? Maganda ba?" ok gets ko na!

"Oo naman, dun ako nag aral sa kabihasnan. Pero mapanganib nga lang. But don't worry, I will always be by your side." ngumiti ako sakanya para mapanatag siya.

"Salamat Luna!" ngumiti siya. "Hindi ko talaga alam ang gagawin ko pag wala ka. Mahal kita." banggit niya ng puno ng adorasyon. "Mahal na mahal." aniya.

"Ako rin naman eh." hinawakan niya ang kamay ko at dinala sa bibig niya para mahalikan. "Pwede bang pakasalan na kita ngayon?" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya! Kasal? Tunay? "Huwag kang mag alala, dito lang naman eh, ayun oh! Nandun na si Father" humalkhak siya. Tiningnan ko ang tinuturo ng daliri niya, si Marco? HAHAHAHA

"Baliw ka talaga Yvan!" haha paano ba naman, mayroong mga bulaklak na nakapaligid, may isang malaking lamesa sa harap at nandoon si Marco ang kababata namin, hawak niya ang diary namin ni Yvan. Tapos may nakasulat doon na 'Solari & Cabreza Nuptial' na nakaungkit pa talaga sa lamesang kahoy sa harap. napakaganda! Bakit nga pala hindi ko ito napansin kanina?

Hinawakan ni Yvan ang kamay ko at "Tara na?" hinila ako patungo roon, nagpatianod lamang ako sakanya.

"Ano namang kalokohan ito?" sambit ko pagkarating namin sa dulo. "Hi Luna! Haha long time ey? Kamusta ka na?" si Marco.

"Eto si Luna parin. Haha at bakit naging instant pari kana? Anmeron?" sambit ko habang nakataas ang isang kilay at nakahawak ang mga kamay sa bewang. Tumawa lamang silang dalawa. "Etong si lover boy eh, sabi niya bibigyan daw niya ako ng latest model ng Adidas. Sino pa ba ako para tumanggi?" baliw talaga, basta Adidas adik!

"O sige na! Simulan na ang Kasal" at parang isang senyales iyon at pwinesto ako ni Yvan sa harap niya habang hawak ang kamay ko, sumunod naman ang musika na sumulpot na lang kung saan. Napangiti ako 'Say you won't let go' ang tugtog. Pumwesto na si Marco sa harap.

"Ehem, ehem! Ngayong umagang ito ay masasaksihan nati-KO ang pag iisang dibdib kunwari nina Yvan at Hyacinth. Isa itong simbolo na hindi na kayo maghihiwalay at kayo na ang magkasama habang buhay. Walang kahit sino ang pwedeng makatibag sainyo. Hawak ko ang dalawang singsing na simbolo ng pag iisang dibdib ninyong dalawa. Ibibigay ko lamang ito kung sasabihin ninyo ang mga sasabihin ko. Mauuna ka Yvan." tumingin siya sa gawi ni Yvan. Tumitig muna sa mga mata ko si Yvan bago magsalita. "Ako, 'Ako' Si Yvan Solari 'si Yvan Solari' nangangako 'nangangako' na hindi iiwanan si Hyacinth 'na hindi iiwan si Hyacinth' ano mang mangyari, at iba pa. 'at iba pa' laging magiging tapat sakanya 'laging magiging tapat sakanya' at hindi sasaktan 'at hindi sasaktan' magpakailanman 'magpakailanman'" Wtf? anong klase iyon? Sinong gumawa nun? Ang corny ha! HAHAHA

"At ikaw naman Hya." ginaya ko na lamang ang mga sinabi niya kagaya ni Yvan, kahit na sa loob looban ko ay super corny na! Grabehan kaya!

"I may now announce you, future Mr. & Mrs. Solari. You may now, hug your bride." hanggang ngayon ay hawak parin ni Yvan ang kamay ko. Niyakap niya ako ng napaka higpit na parang wala ng bukas, at bumulong "Mahal kita. Sobra." ILOVEYOUTOO! Ngali ngali kong sabihin iyon ngunit hindi ko na lang itinuloy.

Hay, sana pang habang buhay na talaga ito. Sana siya na talaga, yun naman lagi ang linyahan nating mga umiibig diba? Masisisi niyo ba ako?

Sana talaga walang magbago. Dahil masayang masaya na ako sa piling ni Yvan. Mahal na mahal ko siya. Siya lang.

Si Yvan lang. Ang Irog ko. Ang mahal ko.

SilaWhere stories live. Discover now