Chrimson. Xoxo. Enjoy!
Ulan
"Grabe ang laki na ng pinag bago mo anak!" Wika ni Mommy Vera. "Hindi naman masyado mama." Sagot ko naman.
Nandito kami ngayon sa hapag kainan. Dahil pagkatapos naming mag batian sa labas ng bahay ay nagyaya na si Manang Lor, ang mayordoma na tinuring ko na ring nanay, na mag tanghalian na.
Umuwi na muna si Ate Sy, dahil tinawagan na siya ni tito.
"Hyacinth. Ano na nga pala ang results ng 1st Sem nyo?" Malumanay na tanong ni Mommy.
"Okay naman My, sayang nga po at hindi kayo ang nakapirma sa card ko. Pero ayos lang po." Ngiting sabi ko. Katapat ko siya sa hapag at katabi ko naman si Yvan. Dito na siya pinakain ni Papang dahil nagpaalam na rin naman ito kay tito.
"Naku anak! May ibabalita saiyo si Yvan. Iho sabihin mo na kay Hya." Nilingon naman niya si Yvan. Nilingon ko rin siya at tiningan na parang nagsasabi na 'Ano iyon?'
Nagpunas muna si Yvan ng bibig gamit ang table napkin bago mag salita. "Opo tita." Ngumiti siya kay mommy bago tumingin sakin. "Luna! Sasama na ako sainyo pagbalik niyo sa Maynila! Pinayagan na ako ni Papa na duon mag-aral! Magsasama na tayo!" He told me that with full of excitement. Ako rin naman ay naexcite sa balita niya. Dahil sa Wakas!
"Seriously? Wow! That's great. So saan ka papasok?" Wika ko.
"Saan pa nga ba? Edi sa school mo rin. Papa enrolled me already. Ako na lang ang kulang para makapag aral duon! Nakaka excite nga kasi binilhan ako ni Papa ng condo just near yours. Actually katabi nga lang eh. So that means we're neighbors!" He said. Oh, kaya pala parang may nagrerenovate na sa room 111. Fuck! I'm excited with his words.
"That's amazing Yvan! But it's kinda late. We already finished our 1st sem. That means you can't be an honor anymore." I said.
"Nah! I don't care. I mean there's always next year. The only thing that's important is I'm near you!" Ok? He's excited also.
Natapos ang hapag nang masaya kami. Umuwi na muna si Yvan dahil tawag siya ng kanyang ama. Ngunit napansin ko lang na hindi masyado nagsasalita si Papang kaya minabuti kong kausapin.
"Papang! I missed you!" I said, and kiss his right cheek. He smiled.
"Siyempre ako rin naman anak. Miss na ang prinsesa ko." Aww he's too sweet.
"Pero bakit hindi mo ko kinakausap kanina?" Nag pa cute pa ako. Typical .
"Natatakot lang kasi ako. Baka kapag dun na tumira at nag aral si Yvan ay hindi ka na bumalik dito. Siya lang naman binabalikan mo dito eh." Aniya.
"Seriously Papang? Sa tingin mo ba hindi kita love? Grabe man uy! Papang, you will always be my first love. Tampururot na naman." Niyakap ko na lang para kumalma siya.
"Talaga? Well that's my princess! O siya sige na at magpahinga ka sa taas. Alam kong pagod ka kaya matulog ka na muna. Ipapagising na lang kita kay Manang kung kakain na." Sinabi niya ng may ngiti sa labi.
"Sige po Pang. Akyat na po ako. Wag nang matampuhin ah! Haha loveyou!" Wika ko at umakyat na sa kwarto.
I missed this! I miss my family. My Friends. My room. My house. My everything! And one thing in bonus. I miss him. Yvan.
Nilapag ko na ang mga gamit ko sa cabinet and smash through my bed. I'm tired. Tumayo muna ako at dumiretso sa banyo para makapag tooth brush ng sa ganon ay makatulog na.
Lumabas na ako sa banyo pagkatapos ay humiga sa kama ko. Makakatulog na sana ako nang tumunog bigla ang phone ko. Istorbo! Tumayo ako ulit at kinuha ang cellphone sa bag. Kinuha ko ito at tiningnan kung sino ang tumatawag. Yvan registered in the call name. I answered it immediately. "Yes?" I said.
"Luna, it's raining." He said. And as if one cue, I walked to my window and looked at the pouring rain outside. This is calm.
"Yeah. It's beautiful." I said with a lot of desire in my voice.
"Like you." He said. He's just....
"Bola! Haha bakit ka nga pala napatawag?" Sabi ko.
"Nothing. I just..... missed you." Aniya. Sa mga ganoong salita ay napapangiti na lamang ako. "Kanina lang magkasama tayo tapos miss mo na agad ako?" Ako naman ang nagsalita.
"Ganoon ang epekto mo saakin Luna. Nagpapahinga ka na ba?" Aniya. "Matutulog na sana ako." Wika ko.
"Oh! Okay, sleep well my Queen. I love you." He answered. "You too My King. I love you too." And with that I ended the call.
Bumalik na muli ako sa kama at ilang sandali pa ay nakatulog na. Ngunit may dalawang bagay akong naalala bago makatulog.
Ang ulan. At si Yvan.