Sa loob ng isang kwarto sa private laboratory..."Yan na ba yung sinasabi niyong aroganteng anak ni president Son?" Tanong ng isnag lalaking balbas sarado at may malaking katawan.
"Sa laki mong yan, hinimatay siguro sa takot." Sabi naman ng kasama niya.
Walang malay si Zander habang nakatali ang mga kamay nito sa kama. Nakatakip din ang mga mata niya.
Saka biglang may kumatok sa pinto.
"Buksan niyo ang pinto!"
"Si Boss. Buksan dali."
Saka pumasok ang isang lalaking naka suit and tie. Nasa mga 50 na ang edad niya at may konting puting buhok na din. Napakaamo ng mukha niya at mukha talagang mabait sa mata palang pero kabaligtaran ito ng katotohanan.
"Nakuha niyo ba si Zander?" Tanong niya.
"Magaling. Mamaya ko na ibibigay ang bayad sa inyo."
"Salamat Boss. Tawag lang po kayo ulit kapag may ipag-uutos kayo."
"Mauna na kami Boss."
Saka na sila umalis. Naiwan ang lalaking may maamong mukha at tatawagin muna natin siya sa pangalang Boss.
Tinitigan ni Boss si Zander.
"Sa dami ng buhay na nabalewala noon dahil sa experiment na ito, sana ikaw na ang huli. Kung pinakinggan lang sana ako ng dalawang mag-asawa na iyon. Naging successful sana ang lahat."
Lumabas na siya sa kwarto pagkatapos at nilock ang pinto.
Saka sumalubong sa kanya ang dalawang lalaki. Mga doctor din sila at kasama sila ni Boss sa research experiment na ito related sa Morphic Virus.
"Handa na po yung virus na gagamitin."
"Hayaan niyo muna siyang magpahinga. Kailangan niyang makaipon ng lakas para makaya ng katawan niya ang virus na ipapasok natin."
"Sige po."
Sa office ni President Son.
Nandoon si Cyrus at kausap niya si President Son.
"Tatlong araw nang nawawala si Zander. Cyrus hindi ka ba niya sinabihan?"
"Hindi naman po. Nag-aalala na nga po ako."
"Pasaway talaga ang anak iyon." Napahinga ng malalim si pres. Son.
"Pero naalala ko po noong isang araw na parang ayaw niya atang manahin ang posisyon mo. At napipilitan lang talaga siya. Mukhang napapagod din po siya."
"Napakaimposible niyan. Kilala ko ang anak ko."
"Hindi naman po sa nakikialam ako. Pero siguro hindi na niya nakaya yung pressure na hinaharap niya kaya nagpakalayo-layo na siya."
BINABASA MO ANG
She Who Can Be Me
RomanceSi Aya ay infected ng isang uri ng virus na tinatawag na morphic virus (MV1-08). Dahil sa infected siya, nagkaroon siya ng natatanging kakayahan, ang magpalit ng anyo (shape shifting). Sa kabilang banda, bigla namang nawala si Zander na anak ng isan...