Sa loob ng isang VIP room sa hospital...Nandoon si Jian pati na rin ang assistant ni President Son na si Mr.Kim. dalawang araw na ang lumipas at wala paring malay si Aya. Buong akala pa rin nila na si Zander talaga ang taong nakahiga at binabantayan nila.
"Isang linggo nalang ay inaguration na." Sabi ni Mr. Kim.
"Paano nyan? Makakaabot kaya siya?" Sagot naman ni Jian.
"Panigurado na imomove ni President Son iyon. Kailangan munang magpagaling at magpalakas si Zander."
"Kung kailan pamo na nahanap na siya doon pa nangyari itong aksidente."
"May alam ka ba kung saan nagpunta si Zander?"
"Wala. Sa totoo lang nalaman ko lang sa balita na nawawala siya. Kung aalis yan at may balak paniguradong sasabihin niya sa akin. Ang pinagtataka ko sa pagkakataong ito wala siyang sinabi."
"Dahil sa pagkawala niya maraming naging problema. Buti nalang at mapagpasensya ni Pres. Son."
Sa isang private laboratory...
"Palpak! Mga inutil! Hindi pa din ako makapaniwala na nakatakas yung lalaking na iyon!" Sabi ni Boss.
Si Boss ay medyo matanda na at nakapangdoctor din na suot. Parang siya yung leader sa research team. Siya pala ung humiwalay noon sa dalawang mag-asawa na kasama niya dati sa same research din. Kumbaga ninakaw niya yung research progress nung mga-asawa at tinuloy niya.
"Napasok na po natin ang virus sa kanya." Sagot naman ng isa pang doctor.
"Sa tingin niyo naging successful ba?"
Saka may kumatok sa pinto at pinapasok nila ito.
"Galing palang po ako sa Hospital kung saan si Zander." Sabi ng isang lalaki na hingal na hingal.
"Anong balita? May nagbago ba?"
"Wala po. Ganoon pa rin ang hitsura niya. Mukhang hindi successful ang experiment."
"Napakaimposible niyan! May 75 percent rate ng pagiging successful nito!" Sabi ni Boss.
"Dalawang araw na ang nakakalipas magsimula noong maturukan natin siya. Dapat lang na may visible changes na."
"DNA ng isang babae ang ginamit natin hindi ba. Dapat lang na maging babae na siya! Napakaimposible talaga! " galit na sinabi ni Boss.
Saka may nagcall kay Boss.
"Hello?"
"Dad bakit wala paring resulta? Bakit wala man nagbago kay Zander?"
"Mukhang may mali sa nagawa namin."
"Dad naman. Bakit ganoon. Chance na natin ito eh. Sayang yung pagkakataon!"
"Cyrus wag kang mag-alala gagawa ako ng paraan. Hindi ko hahayaan na mauwi lang sa wala ang lahat."
Sa isang simbahan...
"Panginoon pakisuyo. Lubos po akong nagsusumamo sa inyo. Tulungan niyo po ang anak kong Si Aya na magising. Mabait po siyang anak at hindi ko po makakaya kung may mangyari pang masama sa kanya. Panginoon bigyan niyo po siya ng lakas para makayanan namin ang pagsubok na ito. Ang panalangin ng nanay ni Aya habang lumuluha.
Naalala niya lahat ng masasayang alaala na kasama niya ang kanyang anak na si Aya. Magsimula noong nakita niya nag sanggol ay minahal na niya ito. Ung mga pagkakataon na tiniis niya yung gutom para makakakain at mabili niya ng gatas ang baby na si Aya. Hanggang sa lumaki si Aya naging malapit talaga ang loob nila sa Isa't isa. Naalala din niya ang unang beses na nagamit ni Aya ang kakayahan niya. Doon palang ay alam na niya na hindi normal na bata si Aya. Isa siyang special na regalo mula sa langit para sa kanya.
BINABASA MO ANG
She Who Can Be Me
RomanceSi Aya ay infected ng isang uri ng virus na tinatawag na morphic virus (MV1-08). Dahil sa infected siya, nagkaroon siya ng natatanging kakayahan, ang magpalit ng anyo (shape shifting). Sa kabilang banda, bigla namang nawala si Zander na anak ng isan...