[16] The ComeBack

11 0 0
                                    

Janella Mell Salvador.

Gabi na nung makadating kami dito sa University. Sobrang ganda ng experience ko habang nasa Baguio kami. Parang gusto ko pa ulit na pumunta kasama sila? Naglalakad kami dito sa corridor habang nagbabasa ng libro.

"Yahh!! Lagi mo nalang akong natatalo!." Bulalas ni Aldrin habang nakanguso kay Ruzzle. Kanina pa kase sila naglalaro ng tetris battle sa cp nila.

"Ang galing ko kase. Hahahahaa!."

Kahit kelan talaga para silang magsyotang nakakakilig. Kahapon pa sila jan sa laro na yan, text mate pa silang dalawa at alam kong magkakatuluyan yang dalawang yan.

BOGSH!

"Miss. Sorry."

Napatingin ako sa bumangga sakin. Dahan-dahan kong pinulot yung mga gamit ko na nahulog sa sahig. "Tulungan na kita jan." Sabe niya

Tinulungan niya akong pulutin yung gamit ko tapos bigla nalang niya'ng nahawakan yung kamay ko. "Okay lang. Akin na."

Kinuha ko na yung gamit ko sakanya saka inayos ko yun sa loob ng bag ko. "Eunwoo nga pala."

"Wae?!." Aabutin ko na sana yung kamay niya pero biglang napasigaw si Jay at kasabay namang tinapik ni Mokong yung kamay ni Eunwoo.

"Ikaw nanaman?! Bakit ka nandito!? Are you stalking us. Hell no! Wag mo nga kaming lapitan."

Napapatingin na yung mga students samin kaya sinita ko sila na umayos sa pwesto nila. Napatingin ako kay Eunwoo. Siguro pure korean siya saka half Filipino?

"Janella naman."

"Eunwoo!!."

May biglang sumigaw sa may likuran niya kaya napatingin ako sa sumigaw. Nagulat ako!!

"Vincent!!!."

"Lhabs!!!."

Nagyakapan kaming dalawa. Nag-fisspump pa kaming dalawa. "Kamusta na!."

"Vincent naman. Bakit ngayun kalang nakadating? San ka nagpunta! Tagal mong nawala. Iiish!."

"Hahaha. Nandito na ako oh!." I just smiled.

Napatingin ako kay Terrence na masamang nakatingin kay Vincent. "Layuan mo siya." Cold tone na sabat ni Jay kay Vincent.

"Tch. Bat ka pa bumalik!." -Mokong

"Oo nga.. Sana hindi ka nalang bumalik dito. Pinagalala mo pa kami sa wala!." -Aldrin

"Wag mo na kaming lalapitan simula ngayun at maslalo na si Janella, please lang? Stop following us kahit saan." Sabat ni Kelvin na cool na nakapamulsa habang nakatayo siya.

"Ano bang pinagsasabe niyo?! Dapat nga masaya tayong lahat kase bumalik na si Vincent! Ano ba naman kayo?!." Sigaw ko sakanila. Hinatak ako ni Mokong papunta sakanya sabay akbay sakin.

"Layuan mo ang girlfriend ko!."

Napalakad ako kasama itong mokong na ito. Lumingon ako kay Vincent pero likod lang niya nakita ko. Si Ruzzle naman -_- kilig na kilig na nakatitig kay Eunwoo.



Terrence's POV

Hinatak ko siya sakin at inakbayan ko siya. (-_-) "Layuan mo ang girlfriend ko!."

Agad ko siya'ng nilakad palayo doon. Nang makalayo na kami doon lumayo siya sakin. "Mokong ka talaga! Ano bang plano mo hah?!." Pinalo niya yung dibdib ko pero mahina lang. "Girlfriend?!." Sabay turo niya sa dibdib niya. "Wag mo nga akong paglaruan Mokong dahil tao ako. Hindi ako laruan!."

"BadBoys MeeTs Love" (Major Editing)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin