40: [That GangFia Group]

14 0 0
                                    

-Vanessa Maxx Teo-

5 years Ago.

Si Tita Yerim at Tito Jerry ay ang pinakamalakas na may pure na dugong GangFia. Ang pinakamalakas at hindi natatalo sa mga away. Sila mismo ang namumuno sa aming lahat, may mga oras na nawawalan kami ng lakas pero dahil sa tulong nila samin? Mas lumakas kaming lahat at nagsanib pwersa. Isang araw, hindi akalain nila Tito at Tita na magaaway-away silang lahat dahil sa mga gustong umangat pwesto at kaya nasira lahat ng mga plano nila. Dumating ang oras na inilabas mismo ni Tita Yerim si Jaycee, ang tagapagmana ng GangFia World sa kasalukuyan. Nangarap sila Tito at Tito na siya ang tutuloy ng naputol nilang mundo at magpapatakbo nito. Ang sabe ni Tito na mapapahamak lang si Jaycee tulad ng nangyare sakanila.

Yung sasakyan pinapatakbo nila Tita at Tito ay nahulog sa isang bangin kaya sila namatay, dahil don? Nagkawatak-watak ang buong pamilya ng Salvador. Kami nalang ang mga naiwan noon, si Vincent ay dating membryo ng isang Gang Group na "ToppDogs" na naghasik ng katrayduran at sila din ang pakana ng pagkamatay ni pamilya ni Jaycee. Binuo namin ang grupo at sinanay namin ang sarili namin. Nang nakilala namin si Janella at nahanap at napatunayan naming siya ang Anak nina Tita at Tito? Nagdesisyon kaming protektahan siya. Nangako kaming kahit anong mangyare ay lagi kaming nanjan para sakanya kaso nga lang, ayaw tumigil nila Kieth and ex ni Jaycee noon. Oo, ex siya ni Jaycee. Ewan ko kung ano ang nagustuhan niya sakanya basta ang alam ko, ginamit lang ni Kieth si Jaycee noon para makapasok sa teritoryo namin at traydorin kami ulit.

Hinintay naming tumigil sila Kieth, kung mahal talaga ni Kieth sa Jaycee? Dapat hindi niya ito ginagawa. Sa mga patibong at kapahamakang binibigay ni Kieth kay Jaycee, napatunayan naming?. Darating din ang tamang panahon para sa pagkabunay ng GangFia World. Malayo ito at kahit sino na mga tao ay hindi nila makikita ang mundong iyun, sinigurado naming naitago iyun at tsaka lang kami makakapasok doon kapag kasama na namin at bumalik na samin si Jaycee. Natatakot ako para kay Jaycee kase kapag nalaman niya ang buong katotohanan? Baka magbago siya saka siya naman mismo ang magalit saamin dahil tinago namin ang tunay niya na identity. Naalala ko pa, nagkaibigan sila Terrence saka Jaycee noon kaso hindi sila pwede sa isa't isa dahil Gangster lamang ang dugo ni Terrence habang si Jaycee ay isang pure GangFia blood tulad nila Tita at Tito.

"Va-Vanessa, natatakot ako para sa anak namin. Kahit a-anong mangyare ilayo niyo siya dito at lagi niyo siya'ng babantayan. Ma-mangako kayo!."

Ang katagang sinabe samin ni Tita bago siya mawalan ng buhay kasama si Tito.

"Vanessa, a-alagaan niyo ang a-anak namin."

Pahabol ni Tito at tuluyan na silang dalawang nawalan ng malay ng sabay. Napatingin ako kay Terrence habang humahagulgol sa pagiyak.

"Vanessa, narinig mo siya. Ilayo naten si Jaycee dito ngayun na! Alam kong hinahanap na siya nina Kieth, sige na."

"Ganun ka na ba talaga mawalan ng pagasa Terrence!? Basta-basta mo nalang ilalayo si Cee dito?! May paraan pa, please! Naiintindihan niyo naman ako diba?."

Pagbalik namin sa Mansion para kunin namin si Jaycee, sabe ng Yaya na nawala nalang daw siya habang naglalaro. Agad namin siya na hinanap.

Isang araw....

"Nasamin siya. Say bye to your dear princess Jaycee! Wag kayong magalala, ibabalik ko din. Ibabalik ko siya na hindi niya na kayo maaalala pa!."

"Ate Vane---."

Pagharurot namin ang kotse, pinuntahan namin siya sa tambayan nila na sinabe mismo samin ni Kenny dahil nakita niya silang nandon palagi.

"Itigil niyo na ito!."

"How? Of course, we will end it with the happy ending that you all truly deserve!."

"BadBoys MeeTs Love" (Major Editing)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin