41: [Selos]

11 1 0
                                    

Terrence's POV

Paglabas ko ng classroom, nahagilap ng mata ko na kinakausap ni Vincent si Mell. Hindi ko sila pinansin at nakisabay na kila Jay at naglakad ng sabay palayo. Kung nagseselos man ako? Oo. Nagseselos ako. Kaso hindi dapat kase wala namang kami. Napatingin ako sa cp ko, 11:00 na. "Mga Bro? Maglu-lunch ba kayo?." Tanong ni Jay.

"Alangan, hindi ako pwede magutom. Saka? Ang sarap kayang kumain. Hahahaa!." Reply naman ni Jaser tapos nagsitawanan silang lahat except ako. "Teka, anyare sa muka mo? Undas na ba?."

"Hay naku! Hayaan niyo yang si Terrence, alam kong wala siya'ng ganyan na mukha kaya tara na, kqin na tayo!." Yaya ni Kelvin samin kaya nagsipuntahan kami. May kung anong pumigil sa paglalakad ko ng makita ko si Mell na kasama si Vincent. "Oh? Bro, pupunta ka ba o hindi?."

Tinuloy ko ang paglakad ko kasama sila. Niyaya ko silang maupo kung saan mamamanmanan ko silang dalawa. Matapos mag-order nila Jaser ng pagkain naming lahat, binato ko ang isang pirasong beans kay Vincent at nagkunware akong hindi ako yun. "Bro? Bumalik ka ba sa pagkabata mo. Pati ba naman beans itatapon?."

"Hahaha. Ganito kase ya--." Nagbato ulit ako kay Vincent tapos napailag naman si Kenny, mabuti nalang hindi siya yung nabato ko. Napakamot si Vincent sa ulo niya saka hinanap niya kung sinong nagbato. This time, napatingin siya saken. Tinignan ko siya ng masama pero hindi niya ako pinansin at tinuon niya ulit ang attention niya kay Mell.

^^^^^^Library^^^^^^

"Alam mo ba na sobrang talino ko Mell. Tamo? Masasagutan ko ang 1+1, equals 1. OH diba? Talino ko talaga!."

"Baliw ka na talaga! Ang corny pa. Ang dali naman kase ng sinagutan mo. Dapat ang totoong matalino ay kaya lahat ng mga mahihirap at madadaling math problems gamit ang sarili niya'ng utak!."

Rinig kong usapan nilang dalawa habang nagtatago ako dito sa likuran ng malaking bookshelf habang pinapakinggan ko silang dalawa. "May tanong ako sayo?." Tumahimik silang dalawa ng ilang minuto habang ako inaabangan ko kung anong tanong netong Gagong ito kay Mell. "Ano ba sayo si Terrence? What I mean is, anong commection o relasyon niyo sa isa't isa? Curouis kase ako."

Hindi nakapagsalita si Mell, may iba ba siya na iniisip? May meaning ba sakanya yung pagitan namin sa isa't isa. "Si Terrence ba? Kaibigan, isa ko lang naman siya na kaibigan. Saka? Hindi mo naman kelangang maging curouis. Alam mo kung bakit?." Napaupo ako sa sahig matapos ko iyung marinig sakanya. "Kaibigan ko lang siya. Yun lang yun noh! Saka? Bakit ba?."

"Gusto sana kitang ligawan. Mell? Kung pwede lang. Minahal kita noon Mell kung alam mo lang."

Dahil sa hindi ko makayanan ang sakit at kirot sa puso ko. Umalis na ako sa Library at naglakad nalang sa tabi-tabi habang umiinom ng Soda. Kaibigan lang pala turing niya saken? Hindi niya ba alam na nasaktan ako nun ng sabihin niya na kaibigan niya lang ako. "Ahhhhh!."

"Whats the porpuse to shout at this time Mister.Gomez? Naiistorbo mo ang mga meeting ng teachers!." Bumungad si M.Gia sa harapan ko. "Why not shout sa malayong lugar at doon magbuhos ng galit kung galit ka man."

"Pwede. Kaso? Wala namang gamot sa pusong nasaktan kundi makalimot saka mag-move on diba?."

Napatingin saken si M.Gia ng seryoso at sabay fold arms. "Pardon me. Mister.Gomez? Sino naman yang tinutukoy mo hah!?."

"Tch. Wala, secret na yun! Alis na ako." Hinawakan ni M.Gia ang braso ko kaya napatigil ako sa paglalakad. "Mister.Gomez, try confessing your feelings kahit hindi pa dumadating ang tamang panahon, sige ka! Baka? Maagaw pa siya ng iba."

"Yun na nga ehh. Tch! Naagaw na siya saken."

Nag-walkout ako sa harapan ni M.Gia. Sorry! Pero? Walang gamot sa pusong nasaktan ng sobra dahil nabasag na saka duguan na. Kaibigan? Para san ba yung pinagagawa ko sakanya noon kung kaibigan lang ang lahat. Para saan yung proteksyon na yun para sa kaibigan. Ang mahirap lang tanggapin ay kaibigan lang pala ang turing niya saken samantalang ako sakanya, pagmamahal na. Nakarating ako sa malawak na soccer field, pagsipa ko sa bola. Napunta iyun sa maling direction.

"BadBoys MeeTs Love" (Major Editing)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin