Chapter 1

95 2 0
                                    

CHAPTER 1- ( the Contract )

Agatha Grace's POV

"Hey, wake up!" Patuloy na may kumakalabit sa akin. Tsk. Istorbo naman eh.

"Gumising ka na aba!"

"Mamaya na! Inaantok pa ako!" Sabi ko at nagtalukbong ng kumot. Kasi naman eh. Istorbo.

Patuloy pa rin siya sa pagkalabit sa akin at pagyugyog. Arghhhh! Hindi ba 'to marunong magpatulog? Inaantok pa ako. Tsk! Kasalanan 'to ng professor ko eh. Pagawain daw ba kami ng thesis sa loob ng dalawang araw. Argh! Kung hindi lang talaga kailangan hindi ko gaawin yun eh.

"Hey! Wake up!" Sabi niya at tinatapik ang pisngi ko. Argh! Inaantok pa ako eh. Tsaka wala naman pasok ngayon kaya pwede matulog.

Tuloy parin siya sa pagtapik. Aba't ayaw talaga ko tantanan ng mokong na'to ha. Lagot ka sakin.

"Ano ba!? Mamaya na sabi eh!? Inaan---- Wahhhh! Sino ka!? Anong ginagawa mo dito!?" Pinaghahampas ko kaagad siya ng unan. Sino ba 'tong lalaking 'to?

"Ouch! Aray! Masakit! Ahh!" Tuloy parin ako sa paghampas sa kanya. Kahit may sakit ako hindi ko siya aatrasan.

"Sino ka!? Paano ka nakapasok dito!?" Pinaghahampas ko parin siya ng unan. Hanggang sa makuha niya yung unan at hinatak sa kamay ko. Napa-upo ako sa ginawa niya. Pero agad akong kumuha ng unan at pinaghahampas siya ulit.

"Aray! Nakakailan ka na ha!? Ouch!" Kinuha niya ulit yung unan sa kamay ko. Dadampot sana ulit ako ng unan pero bigla akong nahilo.

"Tsk. Hard headed." Naiiling niyang sabi at Lalapit na sana siya pero pinigilan ko siya.

"W-Wag kang lalapit. I swear sasaktan kita!" Sigaw ko sa kanya na may halong pagbabanta kahit na masakit pa yung ulo ko. Hindi ko siya aatrasan

"Ate! Anong nangyayari dito!?" Bumukas ang pinto at pumasok ang kapatid ko.

"Steven! Sino ba ang lalaking yan!? Paano nakapasok yan sa kwarto ko?" Sigaw ko. Kainis paano ba nakapasok yan dito?

"Don't you remember me!?" Sabi niya. Nagtatakang tinignan ko yung mukha niya. Sino ba 'to?

"I guess you don't." He simply said at lumapit sakin. Agad akong pumorma na sisipain ko siya.

"Wag kang lalapit!" Banta ko pero lumapit parin siya at... at

"Ano 'to?" Tanong ko pagka-abot niya palang ng papel. Para saan ba 'to?

"Read it." Cold na sabi niya. Binasa ko nalang para matapos na'to. 'What the f*ck' napamura nalang ako.

CONTRACT

Mission: They need to pretend that they're a couple until Jane comeback.

I Sophia Grace Smith agreed that i will do anything and everything to get Jane Libramonte back to Nathan Joseph Lee. I also agreed that i will obey what ever he say and will not disobey him. And Starting today I Sophia Grace Smith is now Nathan's Contract Girlfriend ---

"Contract!? Kailan ko pinirmahan 'to!?" Sabi ko kahit Hindi pa ako tapos sa pagbabasa ng papel. 'The hell! Kailan ko 'to pinirmahan'

"You really don't remember huh?" He said with frustration.

"Obviously!" I said in a sarcastic tone.

"Tsk! You signed it last 2 days ago. Remember?" Huh? Wala naman akong pinipirmahang kontrata ha? Ang alam ko lang yun---- Teka?

"STEVEN!? Yan ba yung pinapiramahan mo sakin?" Sigaw ko ng maalala ko yung nangyari nung nakaraan.

Flashback

Habang gumagawa ng Thesis si Sophia ay biglang pumasok si Steven ang nakababatang kapatid ni Sophia.

"Ate, pakipirmahan naman 'to." Sabi ni Steven at inilahad kay Sophia ang papel at ballpen.

"Para saan ba yan?" Biglang pinagpawisan si Steven at hindi agad naka-sagot.

"A-Ah-- P-Para sa S-School Fair." Nauutal na sabi nito at pinagpapawisan.

"Matagal pa yun ha?" Sabi ni Sophia habang titig natitig sa Laptop.

"O-Oo nga, Pero maaga binigay yung P-Permit." Nauutal parin na sabi nito sabay punas ng pawis sa mukha.

"Akin na." Hinablot agad ni Sophia yung papel at pinirmahan ito. Agad na tumakbo si Steven ng makuha yung papel. 'Yes, tagumpay ang mission' sabi ni Steven sa isip niya.

"Problema nun?" Nagkibit balikat lang si Sophia at bumalik na sa pagta-type.

End of Flashback

"Walanghiya ka Steven!?" Sabi nito at pinaghahampas ng unan si Steven.

"Ate!? Ouch! Aray! Sorry na!" Sabi ni Steven habang tuloy parin sa paghahampas si Sophia.

"Anong Sorry!? Ang laking gulo ng pinasok mo!" Sigaw nito at patuloy parin sa paghampas ng unan kay steven.

"Enough." Sabi ni Nathan at agad kinuha yung unan kay Sophia.

"You have no choice. From now on you're my Girlfriend!" 'The hell'

❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤

Hello Everyone, Sana nagustuhan niyo na-inspired po kasi ako sa palabas nila Yassi and Andrei na 'Girlfriend for hire'

LOVE,

VOTE,

COMMENT,

AND BE A FAN!

Love you guys,

Dedicated to:remnishcatalun3 love you Bessy...

He's My Contract Boyfriend *On HOLD*Where stories live. Discover now