Chapter 2

65 3 0
                                    

CHAPTER 2 - ( Date? )

Sophia Grace's POV

"Ano ba naman Ate! Nahihilo ako sayo eh. Umupo ka nga." Sabi ni Steven at hinila ako paupo sa couch. Arghh! Bwisit.

"Anong gagawin ko? Bukas na yung Date na yun?" Sabi ko at hindi mapakali. Bwisit talaga! Ayoko pa naman nakikita ang pagmumukha ng lalaking yun. Sarap papatay kay Duterte eh.

"Huminahon ka nga Ate! Sabing maupo ka eh. Tsaka! date lang naman yun." Hinila niya ulit ako pa-upo sa couch. Argh! Anong gagawin ko?

Flashback

"Hindi ba pwedeng magbackout? Iba na lang kunin mo. Hindi naman ako magaling sa mga ganyan eh. Tsaka! marami pang iba diyan."

Kanina ko pa pinakiki-usapan 'to na iba nalang ang kunin kasi hindi ako magaling sa mga ganyan.

"Just like i have said. No. A deal is a deal. There's no turning back. Isa sa mga nakasulat sa kontrata ay ang pagsunod mo sa akin. And that's my order. You need to obey me no matter what." Sabi niya.

Tama siya. Nakasulat nga iyon sa Contract pero hindi ko naman alam na Kontrata pala sa unggoy na'to ang napirmahan ko.

"Wala ka din namang mapapala sakin eh. Boyish ako, Barako kung kumilos at walang paki-elam sa mundo. Tsaka! Wala akong alam sa mga ganyan." Pangungumbinsi ko. Tumalab ka naman.

"Exactly. That's why I choose you. Kase alam kong kahit kailan hindi ka mahuhulog sakin." Sabi niya sabay kuha ng chewing gum at nginuya ito.

"Talaga! Never akong mahuhulog sayo nuh!?"

"Then it's settled then." Sabi niya at tumayo na papunta sa pintuan pero agad din siyang tumigil sa harap ng pintuan.

"By the way, May Date tayo bukas." Date? Bukas? Ayoko nga.

"Uy, teka lang." Pigil ko sa kanya ng paalis na siya. Dali Sophia mag-isip ka ng dahilan.

"A-Ah! M-May pupuntahan ako bukas!" Pagdadahilan ko. Kumagat ka naman please. Makaramdam ka sana na ayaw kong makipagdate sayo.

"Ah? Edi, sasamahan kita!" Manhid ba'to? Aish!

"M-Malayo yun. B-Baka mapagod ka?" Makaramdam ka naman please.

He's My Contract Boyfriend *On HOLD*Where stories live. Discover now