Chapter 3

59 2 0
                                    

CHAPTER 3 - ( The Date  )

Sophia Grace's POV

"No. Ito na lang. Masyadong panglalaki yan." Tinulak niya ako papunta sa fitting room at binigay sakin yung dress. Tsk! Napaka-bossy niya talaga! Arghhh! Kanina niya pa ko pinapasuot ng mga dress na 'yan.

"Napaka-bossy talaga! Lahat ng kinukuha ko binabalik niya." Bulong ko.

"Ano yon?" Shucks! Narinig niya.

"W-Wala!" Sabi ko nalang at sinuot na yung dress. Arghh! Kairita talaga.

Well kung nagtataka kayo kung nasan kami nandito kami sa mall. Date daw eh. Date ba talaga 'to? Eh, siya lang lagi ang nasusunod pati sa pananamit ko siya parin.

Mula kanina sa kotse hanggang dito sa Mall hindi na kami nagkasundo. Katulad nung Cap at ng T-shirt, lagi niyang pinapalitan ng Dress at Sandals. Akala mo naman siya yung pagbabayarin ko.

Lumabas na ako ng fitting room. At inayos yung belt. Nakita ko naman siyang tumayo at patango-tango habang tinititigan ako mula ulo hanggang paa.

"Miss, We'll get it." Tawag niya dun sa sales lady. Buti naman siya ang magbabayad ng mga iyan dahil wala kong balak bilin 'tong mga 'to.

"Grace, magpalit ka na. I'm starving." Argh! Kanina pa'to ha? Kanina niya pa ko tinatawag na Grace! Ano kami Close! Nek-nek niya.

Nakita kong Nag-glare siya sakin ng makita niya kong nakatayo lang sa labas ng fitting room at nakikipag-sukatan ng tingin sa kanya. Pumasok na lang ako kaysa makipag-argue.

👉👉👉👉👉👉👉👉👉👉👉

Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam ako na mag-ccr lang. Parang nagdadalawang isip pa siya kung papayagan niya ako o hindi. Ano bang akala niya tatakas ako?

"Wag kang mag-alala hindi ako tatakas! Kung gusto mo sumama ka pa." Sabi ko at nag-smirk.

Nakita kong nag death glare siya. Gosh! Ang creepy! Actually tatakas talaga 'ko. Nakakairita kasi siya. Napaka-bossy pa.

"Just go! Bilisan mo. D'yan lang ako sa kabila." Sabi niya at pumunta ng Restroom. Pero bago siya umalis tinignan niya muna ako. 'Anong problema nito?' Nagkunot-noo ako bago tumalikod.

Nang makapasok ako sa Restroom ay  kinuha ko kaagad yung shades ko sa bag tsaka ko 'to sinuot. Binuksan ko yung pinto at sinilip kung nandiyan ba siya.

→_→ - tingin sa kanan.

←_← -tingin sa kaliwa.

Nang hindi ko siya makita ay nagtatakbo ako palabas ng CR at tumakbo sa pinakamalapit na store para magtago. Mahirap na! Baka mahuli pa ko.

Maya-maya nakita ko siya sa Comfort room ng mga babae at naghihintay.

Pagkalipas ng 5minuto nakita ko siyang nandun padin at nakatayo maya-maya nagtanong sya sa isang babae. Bahala ka!

Tinext ko nalang si Lance  na sunduin ako sa mall. Kung nagtataka kayo kung sino si Lance  siya ang childhood friend ko.

👉👉👉👉👉👉👉👉👉👉👉

He's My Contract Boyfriend *On HOLD*Where stories live. Discover now