CHAPTER 4 - ( Panaginip? )
Third Person's POV
"N-Nathan... A-Anong g-gagawin mo?" Nanginginig na sabi ni Sophia ng mga 2 inch na lang ang pagitan ng mga mukha nila.
"I think .... I-I love you!" Sabi nito at papalapit ng papalapit ang mukha nito kay Sophia hanggang sa 1 inch na lang ang pagitan ng labi nila at.... at.....
"Waaaahhhhhhhh!" Umalingaw-ngaw sa buong bahay ang sigaw ni Sophia. Napabangon ito sa kama ng wala sa oras at Pawis na pawis.
*BLAGGGG*
"Ate!? Anong nangyayari dito?" Biglang pumasok si Steven sa kwarto habang hingal na hingal. Galing pa kasi itong kusina at nagluluto ng pagkain nilang magkapatid.
Napahawak naman si Sophia sa kanyang dibdib ng ma-realize ang nangyari 'Panaginip lang pala! Akala ko hahalikan niya talaga 'ko' Sabi nito sa kanyang isipan sabay buntong hininga.
"Hey, Ate? Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong sa kanya ni Steven. Ng makalapit ito sa kanyang higaan.
"Yeah. I'm fine!" Sabi nito at inabot ang tubig na nasa side table niya at pinunasan ang pawisan niyang mukha.
'Akala ko talaga hinalikan niya ko. Para kasing totoo eh. Teka? Paano 'ko napunta sa bahay?'
"Sino nagdala sakin dito? Di ba dapat nasa condo ako?" Tanong nito kay Steven. Walang sabi-sabi ay binatukan niya si Sophia.
"Aray!? Bakit ka ba nambabatok?" Tanong nito ng batukan siya ni Steven. 'Lokong bata 'to ha? Batukan daw ba Ate niya?' Bigla namang nagtaka si Sophia ng nagdilim ang mukha ni Steven kung kanina ay mukha siyang nag-aalala ngayon naman ay mukhang galit ito.
"Abnormal ka talaga Ate!? Hindi mo ba alam na maghapon kang hinahanap ni Nathan sa buong mall tapos nandoon ka lang pala sa Tambayan niyo nila Kuya Lance!" Sigaw nito sa kapatid niya.
"Sorry na! Napaka-bossy kasi tsaka nagbasket-ball pa kami kagahapon eh!" Sabi ni Sophia pero masama parin ang tingin ni Steven sa kanya na parang may nagawa siyang napakalaking kasalanan dito.
"Wag ka sakin mag-sorry Ate. Hindi naman kasi ako yung nagkasakit kakahanap sayo!" Sarcastic na sabi nito sa kapatid niya. 'May sakit siya?'
YOU ARE READING
He's My Contract Boyfriend *On HOLD*
Teen FictionHe's Nathan Joseph Lee... Isang lalaki na matatawag mong nasakanya na ang lahat... Mala adonis na mukha... Magandang hubog ng katawan. Kasikatan... Sino ba namang babae ang tatangi kapag nalaman mong magiging boyfriend mo siya.... Pero paano kung...