Chapter 21

123K 1.9K 536
                                    

Happy anniversary pala sa Starstruck nung december 13. Haha :)) Nawala sa isip ko :)

--------------------------------------------------------

Chapter 21

 

 Luke's POV

 

Pagpasok ko sa room ni Jane, nakita kong nakabihis na siya.

Inaayusan na lang siya ni Yannie ng buhok tapos nakatingin siya sa phone niya.

Parang may tinetext.

"Uhmm jane, andito na ko" sabi ko.

She looked up then smiled. "Ah okay, sige saglit lang. Kunin ko yung copy ko ng lyrics"

 

Tumayo na siya at naghalungkat dun sa bag niya.

Biglang nag-vibrate yung phone ko.

Tinignan ko.

From Jane

8:15 pm.

 

Hi billy. Sorry sa panggugulo :)

I just wanna say na sana okay ka na talaga.

Nasa contest ako ngayon dito sa school kasama yung pinsan mong si Luke.

Ang saya siguro kung andito ka. Hehe.

Napatingin ako kay Jane.

Ako yung kasama niya pero yung idol niya pa rin ang nasa isip niya.

If you only knew na andito talaga si Billy.

Nasa harap mo.

Nagreply agad ako.

To Jane

8:15 pm.

Andito ako sa gym. Nanunuod.

Galingan mo ah.

Napatingin si Jane sa phone niya nung na-send ko na yung text message.

She suddenly froze.

Tapos napatingin siya sakin.

"Luke...andito daw si----"

StarstruckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon